Genesis 12

Genesis 12:1

Habang naninirahan si Abram sa Haran, ano ang sinabi ni Yahweh kay Abram na gagawin?

Sinabi ni Yahweh kay Abram na lisanin ang sambahayan ng kaniyang ama at pumunta sa lupaing ipapakita niya kay Abram.

Ano ang ipinangako ni Yahweh kay Abram?

Nangako si Yahweh na pagpapalain niya si Abram, gagawin siyang dakilang bansa, at pagpapalain ang mga pamilya sa buong mundo sa pamamagitan niya.

Genesis 12:4

Sino ang kasama ni Abram na maglakbay?

Naglakbay si Abram kasama si Sarai, na kaniyang asawa at si Lot, anak ng kaniyang kapatid.

Saang lupain naglakbay si Abram?

Si Abram ay naglakbay sa lupain ng Canaan.

Genesis 12:6

Nang nagpakita si Yahweh kay Abram, ano ang ipinangako niya kay Abram?

Pinangako ni Yahweh na maninirahan sa Canaan ang mga kaapu-apuhan ni Abram.

Genesis 12:8

Paano sinamba ni Abram si Yahweh?

Nagtayo ng altar si Abram para kay Yahweh at tumawag sa pangalan ni Yahweh.

Genesis 12:10

Saan naglakbay si Abram nang nilisan niya ang Canaan?

Naglakbay si Abram papuntang Ehipto nang nilisan niya ang Canaan.

Ano ang alalahanin ni Abram nang papasok na siya sa Ehipto?

Inaalala ni Abram na baka patayin siya ng mga taga-Ehipto at kunin si Sarai dahil siya ay maganda.

Ano ang hiniling ni Abram kay Sarai na sabihin sa mga taga-Ehipto tungkol sa kaniyang sarili?

Hiniling ni Abram kay Sarai na sabihin sa mga taga-Ehipto na kapatid siya ni Abram.

Genesis 12:14

Ano ang nangyari kay Sarai nang makapasok na sila sa Ehipto?

Dinala ng Paraon si Sarai sa kaniyang sambahayan.

Genesis 12:17

Anong nangyari kay Paraon sa panahong ito?

Pinahirapan ni Yahweh si Paraon at ang kaniyang sambahayan sa pamamagitan ng mga matinding salot.

Ano ang tinanong ni Paraon kay Abram?

Tinanong ni Paraon si Abram kung bakit sinabi niya na kapatid niya si Sarai sa halip na asawa niya.

Ano ang ginawa ng Paraon kina Abram at Sarai?

Pinaalis ng Paraon sina Abram at Sarai.