Genesis 11

Genesis 11:1

Agad-agad matapos ang baha, ilang wika ang mayroon sa buong mundo?

Agad-agad matapos ang baha, mayroong isang wika sa buong mundo.

Saan nagtayo ang mga tao ng kanilang lungsod at tore?

Nagtayo ng kanilang lungsod at tore ang mga tao sa lupain ng Shinar.

Genesis 11:3

Ano ang napagpasyahang gawin ng mga tayo sa halip na kumalat sa buong mundo gaya ng inutos ng Diyos?

Sa halip na kumalat sila sa buong mundo gaya ng inutos ng Diyos, napagpasyahan ng mga tao na magtayo ng isang lungsod at tore

Ano ang gusting gawin ng mga tao para sa kanilang mga sarili?

Gusto ng mga taong gumawa ng isang pangalan para sa kanilang mga sarili.

Genesis 11:5

Bakit bumaba at ano ang ginawa ni Yahweh sa mga tao?

Bumaba si Yahweh at nilito ang wika ng mga tao,

Bakit ginawa ito ng Diyos?

Nilito ng Diyos ang kanilang wika para hindi nila maintindihan ang isa’t isa.

Genesis 11:8

Ano ang idinulot ng Diyos na gawin ng mga tao?

Idinulot ng Diyos na kumalat ang mga tao sa iba’t ibang dako ng mundo, gaya ng kaniyang inutos.

Ano ang pangalan ng lungsod na sinubukang itayo ng mga tao?

Ang pangalan ng lungsod ay Babel.

Genesis 11:10

Kaninong kaapu-apuhan sa anak na lalaki ni Noe ang itinala sa kabanatang ito?

Ang mga kaapu-apuan ni Shem, anak na lalaki ni Noe, ang itinala sa kabanatang ito.

Genesis 11:24

Sino ang ama ni Abram?

Ang ama ni Abram ay si Terah.

Genesis 11:27

Ano ang pangalan ng anak ni Haran na anak ni Terah?

Ang pangalan ng anak ni Haran na anak ni Terah ay Lot.

Saan nakatira si Terah?

Si Terah ay nakatira sa Ur ng mga Caldeo.

Genesis 11:29

Ano ang pangalan ng asawa ni Abram?

Ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai.

Ano ang suliranin sa asawa ni Abram?

Ang asawa ni Abram ay baog at walang anak.

Genesis 11:31

Saan lumipat si Terah kasama nina Abram, Sarai, at Lot?

Si Terah ay lumipat sa lupain ng Canaan kasama si Abram, Sarai, at Lot.