Genesis 13

Genesis 13:1

Patungo saan naglakbay si Abram matapos umalis ng Ehipto?

Naglakbay si Abram patungong Negeb.

Ano ang kasamang dala ni Abram?

Kasamang dala ni Abram ang kaniyang maraming hayop, pilak at ginto.

Genesis 13:5

Bakit mayroong alitan sa pagitan ng mga pastol ni Abram at Lot?

Mayroong alitan dahil ang lupain ay hindi na kayang tugunan sina Abram at Lot na manirahang magkasama pati na ang kanilang mga ari-arian.

Genesis 13:8

Ano ang inalok ni Abram kay Lot?

Inalok ni Abram si Lot na mamili kung saan siya maninirahan, at pagkatapos maghahanap si Abram ng lugar kung saan siya maninirahan nang hiwalay kay Lot.

Genesis 13:10

Saan pinili ni Lot na manirahan at bakit?

Pinili ni Lot na lumipat sa silangan at manirahan sa kapatagan ng Jordan dahil sagana ito sa tubig.

Genesis 13:12

Saan nanirahan si Abraham pagkatapos?

Nanirahan si Abram sa lupain ng Canaan.

Anong uri ng mga tao ang naninirahan sa Sodom?

Ang mga mamamayan ng Sodom ay makasalanan na laban kay Yahweh.

Genesis 13:14

Sa panahong ito, ano ang sinabi ni Yahweh na ibibigay niya kay Abram?

Pinangako ni Yahweh na lahat ng mga lupain na nakikita ni Abram mula sa kaniyang kinatatayuan ay ibibigay sa kaniya.

Genesis 13:16

Gaano karami ang kaapu-apuan ang sinabi ni Yahweh na magkakaroon si Abram?

Sinabi ni Yahweh na magkakaroon si Abram ng maraming kaapu-apuan na maaari niyang mabilang, "kasindami ng alikabok sa mundo."

Saan malapit ang nilipatan ni Abram?

Lumipat si Abram malapit sa lungsod sa Hebron.