Genesis 8

Genesis 8:1

Paano pinahupa ng Diyos ang tubig?

Nagpaihip ang Diyos ng isang hangin, nagsara ang mga bukal sa kinailaliman, at huminto ang ulan.

Genesis 8:4

Saang lugar dumaong ang arka?

Dumaong ang arka sa mga bundok ng Ararat.

Genesis 8:8

Anong nangyari noong unang beses na nagpadala si Noe ng kalapati mula sa arka?

Noong unang beses, walang nakitang lugar ang kalapati para ipahinga ang kaniyang paa, at bumalik siya kay Noe sa arka.

Genesis 8:10

Anong nangyari noong pangalawang beses na nagpadala si Noe ng kalapati mula sa arka?

Noong pangalawang beses, bumalik ang kalapati na may sariwang pitas ng dahoon ng olibo sa kaniyang bibig.

Anong nangyari noong pangatlong beses na nagpadala si Noe ng kalapati mula sa arka?

Noong pangatlong beses, hindi na bumalik ang kalapati kay Noe.

Genesis 8:13

Ano ang nakita ni Noe nang tinanggal niya ang takip ng arka at dumungaw?

Nakita ni Noe na ang ibabaw ng lupa ay tuyo na.

Genesis 8:15

Ano ang ninais ng Diyos na gawin ng lahat ng buhay na nilalang sa arka sa oras na lumabas sila mula dito?

Nais ng Diyos na ang lahat ng buhay na nilalang na maging mabunga at magpakarami sa mundo.

Genesis 8:20

Ano ang ginawa ni Noe nang lumisan siya ng arka?

Gumawa si Noe ng altar kay Yahweh at naghandog ng mga handog na susunugin sa altar.

Anong dalawang pangako ang binigay ng Diyos sa sangkatauhan sa oras na iyon?

Nangako ang Diyos na hindi niya na muli susumpain ang lupa, ni wawasakin ang lahat ng may buhay.

Ano ang sinabi ng Diyos na ninanais ng puso ng talo mula sa pagkabata?

Sinabi ng Diyos na ninanais ng puso ng tao ay masama mula sa pagkabata.