Genesis 9

Genesis 9:1

Ano ang sinabi ng Diyos kay Noe at sa kanyang mga anak na lalaki matapos nilang lisanin ang arka?

Sinabi ng Diyos kay Noe at sa kanyang mga anak na Mamunga, magpakarami, at punuin ang mundo.

Genesis 9:3

Ano ang binigay ng Diyos kay Noe at sa kanyang mga anak ngayon bilang pagkain?

Binigyan ng Diyos si Noe at ng kanyang mga anak ng parihong berding halaman at bawat bagay na gumagalaw na nabubuhay bilang pagkain.

Paano inutos ng Diyos na huwag kainin ang karne?

Inutos ng Diyos na hindi kainin ang karne na may dugo nito.

Ano ang sinabi ng Diyos na nasa dugo?

Sinabi ng Diyos na buhay ang nasa dugo.

Genesis 9:5

Ano ang sinabi ng Diyos na kaparusahan sa pagpapadanak ng dugo ng isang tao?

Sinabi ng Diyos na kung sino man ang magpapadanak ng dugo ng isang tao nararapat ding dumanak ang kanyang dugo.

Kaninong wangis nilikha ng Diyos ang tao?

Nilikha ng Diyos ang tao sa wangis ng Diyos.

Genesis 9:8

Anong kasunduan ang ipinangako ng Diyos sa bawat may buhay sa mundo?

Gumawa ng kasunduang pangako and Diyos na hindi niya na kailanman wawasakin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng baha.

Genesis 9:11

Anong palatandaan ang ibinigay ng Diyos sa kasunduan na ginawa niya sa pagitan nila ng mundo?

Naglagay ng bahaghari ang Diyos sa ulap bilang palatandaan ng kasunduan na ginawa niya sa pagitan niya at ng mundo.

Genesis 9:14

Anong kasunduan ang ipinangako ng Diyos sa bawat may buhay sa mundo?

Gumawa ng kasunduang pangako and Diyos na hindi niya na kailanman wawasakin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng baha.

Genesis 9:16

Anong palatandaan ang ibinigay ng Diyos sa kasunduan na ginawa niya sa pagitan nila ng mundo?

Naglagay ng bahaghari ang Diyos sa ulap bilang palatandaan ng kasunduan na ginawa niya sa pagitan niya at ng mundo.

Genesis 9:18

Anu-ano ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Noe?

Ang mga pangalan ng tatlong anak na lalaki ni Noe ay Sem, Ham at Jafet.

Genesis 9:20

Ano ang nangyari kay Noe pagkatapos niyang nagtanin ng isang ubasan?

Matapos siyang nagtanim ng isang ubasan, uminum si Noe ng ilang alak at siya ay nalasing.

Genesis 9:22

Paano tinakpan ni Sem at Jafet ang kahubaran ng kanilang ama?

Patalikod na lumakad si Sem at Jafet na may dalang damit, habang ang isa ay nakaharap sa kabilang dako, para takpan ang kahubaran ng kanilang ama.

Genesis 9:24

Ano ang sumpa ni Noe kay Ham? Sinumpa ni Noe si Ham at sinabing,

“Sumpain si Canaan. Maging isang lingkod sana siya sa mga lingkod ng kanyang mga kapatid."

Genesis 9:26

Sino ang pinagpala ni Noe?

Parehong pinagpala ni Noe sina Sem at Jafet