Genesis 7

Genesis 7:1

Pitong lalaki at pitong babae ng mga anong uri ng hayop ay dalhin sa arka?

Pitong lalaki at pitong babae ng bawat malinis na hayop at mga ibon ang dapat dalhin sa arka.

Genesis 7:4

Gaano katagal sinabi ng Diyos na ang ulan ay magpatuloy sa mundo?

Sinabi ng Diyos na ang ulan ay magpapatuloy sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi.

Genesis 7:6

Ilang taon si Noe nang dumating ang baha sa mundo?

Si Noe ay anim na raang taon nang dumating ang baha sa mundo.

Genesis 7:8

Paano ipinasok ni Noe ang mga hayop sa loob ng arka?

Pumunta kay Noe ang mga hayop at pumasok sa arka.

Genesis 7:11

Mula sa aling dalawang pinagmulan nanggaling ang tubig ng baha?

Nanggaling ang tubig mula sa kailaliman ng lupa at mula sa kalangitan.

Genesis 7:15

Nang makapasok ang lahat ng tao at hayop sa arka, sino ang nagsara ng pinto?

Si Yahweh ang nagsara ng pinto para sa kanila.

Genesis 7:19

Gaano kataas umabot ang tubig bahay sa mundo?

Tumaas ang mga tubig ng labinlimang kubit sa ibabaw ng mga tuktok ng mga bundok.

Genesis 7:21

Dahil sa baha, ano ang namatay sa mundo?

Lahat ng mga nilalang na gumagalaw sa ibabaw ng mundo, at lahat ng sangkatauhan ay namatay.

Genesis 7:23

Sinu-sino lamang ang mga taong natirang buhay sa mundo?

Tanging si Noe at yaong mga kasama niya sa arka ang natirang buhay.