Genesis 6

Genesis 6:1

Nang dumami ang mga sangkatauhan sa mundo, ano ang ginawa ng mga anak ng Diyos?

Kumuha ang mga anak ng Diyos ng mga asawa para sa kanilang sarili mula sa mga anak ng babae ng sangkatauhan.

Ano ang sinabi ni Yahweh patungkol sa haba ng buhay ng sangkatauhan?

Sinabi ng Diyos ang sangkatauhan ay mabubuhay ng 120 na taon.

Genesis 6:4

Sinu-sino ang mga malalakas na lalaki ng unang panahon, ang mga lalaki ng kabantugan?

Ang malalakas na mga tao ng unang panahon ay mga higante na ipinanganak mula sa pag-iisang-dibdib ng mga anak na lalaking Diyos sa mga anak na babae ng mga tao.

Genesis 6:5

Ano ang nakita ni Yahweh sa mga puso ng sangkatauhan sa mga araw na iyon?

Nakita ni Yahweh ang kasamaan ng sangkatauhan ay labis, at ang bawat iniisip nila ay masama.

Genesis 6:7

Ano ang pinasya ni Yahweh na gawin sa sangkatauhan?

Nagpasya si Yahweh na lipulin ang sangkatauhan mula sa mundo.

Sino ang nakasumpong ng pagtatangi sa mata ni Yahweh?

Si Noe ang nakasumpong ng pagtatangi sa mata ni Yahweh.

Genesis 6:9

Anong uri na tao si Noe?

Si Noe ay matuwid na tao, walang kapintasan, at isang taong lumalakad kasama ang Diyos.

Genesis 6:13

Ano ang sinabi ng Diyos kay Noe na gawin bago was akin ng Diyos ang sangkatauhan?

Sinabi ni Diyos ka Noe na gumawa ng arka.

Genesis 6:16

Paano sinabi ng Diyos na lilipulin niya ang lahat ng lamang may hininga ng buhay?

Sinabi ng Diyos na magpapadala siya ng baha ng tubig sa mundo.

Genesis 6:18

Pero kanino itinatag ng Diyos ang kanyang tipan?

Itinatag ng Diyos ang kanyang tipan kay Noe.

Sinu-sino ang sinabi ng Diyos kay Noe na dalhin sa bangka?

Sinabihan ng Diyos si Noe na dalhin ang kaniyang asawa, kanyang tatlong mga anak na lalaki, at ang mga asawa ng kanyang mga anak na lalaki.

Anong mga hayop ang dapat na dalhin sa arka para manatiling buhay?

Dalawa ng bawat uri ng buhay na nilalang, lalaki at babae, ay dapat na dalhin sa arka.

Genesis 6:20

Paano tumugon si Noe sa mga utos ng Diyos?

Ginawa ito ni Noe ang lahat ayon s autos ng Diyos.