Genesis 5

Genesis 5:1

Tungkol sa anong talaan ang kabanata lima ng Genesis?

Ang kabanata lima ng Genesis ay isang talaan ng mga kaapu-apuhan ni Adan.

Kaninong wangis iginawa ang sangkatauhan?

Ang sangkatauhan ay ginawa sa wangis ng Diyos.

Ano ang mga kasariang nilikha ng Diyos?

Lumikha ang Diyos ng lalaki at babae.

Genesis 5:3

Gaano katagal nabuhay si Adan?

Nabuhay si Adan sa loob ng 930 na taon.

Genesis 5:6

Gaano katagal nabuhay si Set?

Nabuhay si Set sa loob ng 912 na taon.

Genesis 5:12

Gaano katagal nabuhay si Kenan?

Nabuhay si Kenan sa loob ng 910 na taon.

Genesis 5:18

Gaano katagal nabuhay si Jared?

Nabuhay si Jared sa loob ng 962 na taon.

Genesis 5:21

Ano ang relasyon ni Enoc sa Diyos, at anong nangyari sa kaniya?

Lumakad si Enoc na kasama ang Diyos, at kinuha siya ng Diyos.

Genesis 5:28

Ano ang sinabi ni Lamec tungkol sa anak niyang si Noe?

Sinabi ni Lamec na si Noe ang magbibigay ng kapahingaan sa sangkatauhan mula trabaho at mula sa kapaguran na dulot ng pagtatrabaho sa lupa na sinumpa ni Yahweh.

Genesis 5:32

Sinu-sino ang mga anak na lalaki ni Noe?

Ang mga anak na lalaki ni Noe ay sina Sem, Ham, at Jafet.