Genesis 4

Genesis 4:1

Ano ang gawaing ginawa ni Cain at Abel?

Nagbungkal ng lupa si Cain at si Abel naman ay pastol.

Genesis 4:3

Anong handog ang dinala ni Cain kay Yahweh?

Dinala ni Cain ang ilan sa mga bunga ng lupa.

Anong handog ang dinala ni Abel kay Yahweh?

Nagadala si Abel ng ilan sa panganay ng kaninyang mga kawan at ilan sa mga taba.

Paano tumugon si Yahwh sa mga handog ni Cain at Abel?

Tinanggap ni Yahweh ang handog ni Abel, pero hindi niya tinanggap ang handog ni Cain.

Paano tumugon si Cain?

Lubhang nagalit si Cain, at sumimangot siya.

Genesis 4:6

Ano ang sinabi ni Yahweh na kailangan niyang gawin para tanggapin siya?

Sinabi ni Yahweh kay Cain na kailangan niyang gawin ang tama at siya ay tatanggapin.

Genesis 4:8

Mayamaya, anong nangyari kay Cain At Abel sa bukid?

Tumindig si Cain at pinatay si Abel.

Nang tinanong ni Yahweh si Cain kung nasaan ang kaniyang kapatid, ano ang sinabi ni Cain?

Sinabi ni Cain, "Hindi ko alam. Tagapangalaga ba ako ng aking kapatid?"

Genesis 4:10

Ano ang sumpa ng Diyos kay Cain?

Ang sumpa ng Diyos ay, hindi isusuko ng lupa ang lakas nito sa kaniya, at siya ay magiging palaboy at pagala-gala sa mundo.

Genesis 4:13

Anong ginawa ni Yahweh para tiyakin na walang papatay kay Cain?

Nilagyan ni Yahweh ng palatandaan si Cain.

Genesis 4:16

Saan pumunta si Cain upang tumira?

Nanirahan si Cain sa lupain ng Nod, silangan ng Eden.

Genesis 4:18

Ilan ang nagging asawa ng kaapu-apuhan ni Cain na si Lamec?

Si Lamec ay mayroong dalawang asawa.

Genesis 4:23

Ano ang sinabi ni Lamec sa kanyang mga asawa na kanyang nagawa?

Sinabi ni Lamec sa kanyang mga asawa na nakapatay siya ng tao.

Genesis 4:25

Ano ang pangalan ng isa pang anak na lalaki nina Adan at Eva?

Ang isa pang anak na lalaki nina Adam at Eva ay pinangalanang Set.

Ano ang sinimulang gawin ng mga tao sa panahon ni Set, anak ni Enos?

Sa panahong iyon ang mga tao ay nagsimulang tumawag sa pangalan ni Yahweh