Genesis 3

Genesis 3:1

Ano ang unang tanong na tinanong ng ahas sa babae?

Tinanong ng ahas ang babae, "Talaga bang sinabi nang Dios, 'Hindi dapat kayo kakain ng mula sa alinmang puno sa hardin"'?

Genesis 3:4

Nang sinabi ng babae na sinabihan sila ng Diyos na silay mamamatay kung kakain sila mula sa puno na nasa gitna ng hardin, ano ang sinabi ng ahas?

Sinabi ng ahas, "Hindi talaga kayo mamamatay".

Nang sinabi ng bababe na sinabi ng Diyos sa kanila na mamamatay sila kung kakain sila mulas a puno na nasa gitna ng hardin, ano ang sinabi ng ahas?

Sinabi ng ahas, “Tiyak na hindi kayo mamamatay.”

Ano ang sinabi ng ahas na mangyayari sa lalaki at babae kung kakainin nila ang bunga?

Sinabi ng ahas na magiging tulad sila ng Diyos, nalalaman kung ano ang mabuti at masama.

Ano ang umakit sa babae sa bunga ng puno?

Nakita ng babae na ang puno ay mabuti para sa pagkain at kaaya-aya sa paningin, at ang puno ay kanais-nais para gawing matalino ang isang tao.

Sino ang kumain mula sa bunga?

Ang babae ang kumain, at nagbigay ng ila sa kaniyang asawa na siya ring kumain.

Genesis 3:7

Ano ang nangyari sa kanila nang kumain sila ng bunga?

Nang sila ay kumain, nabuksan ang kanilang mga mata at nalaman nila na sila ay hubad.

Ano ang ginawa ng lalaki at babae nang dumating ang Diyos sa hardin?

Nagtago sila mula sa Diyos.

Genesis 3:9

Bakit pinagtaguan ng tao ang Diyos nang dumating ang Diyos sa hardin?

Nagtago ang tao mula sa Diyos dahil siya ay hubad, kaya siya ay takot.

Genesis 3:12

Sino ang sinabi ng lalaki ang nagbigay sa kaniya ng bunga?

Sinabi ng lalaki na ang babae ang nagbigay sa kaniya ng bunga.

Genesis 3:14

Anong uri ng relasyong ang sinabi ng Diyos na magkakaroon sa pagitan ng ahas at ng babae?

Sinabi ng Diyos na dudulutin niyang kamuhian nila ang isa’t isa.

Genesis 3:16

Anong sumpa ang binigay ng Diyos sa babae tungkol sa panganganak?

Labis pang patitindihin ng Diyos ang sakit ng babae sa panganganak.

Genesis 3:17

Anong sumpa ang binigay ng Diyos sa lalaki tungkol sa kanyang trabaho?

Sinumpa ng Diyos ang lupa upang sa pamamagitan lamang ng matinding pagpapagod ang lalaki ay makakain mula dito.

Genesis 3:20

Anong pangalan ang binigay ng lalaki sa babae, at bakit?

Tinawag ng lalaki ang babae na Eva, dahil siya ang ina ng lahat ng mga bagay na may buhay.

Ano ang ginawa ng Diyos para kay Adan at Eva, at bakit?

Gumawa si Yahweh na Diyos ng mga kasuotang balat para kay Adan at para sa kanyang asawa para dinamitan sila.

Genesis 3:22

Bakit sinabi ng Diyos na ngayon si Adan ay hindi na dapat kakain sa puno ng buhay?

Sinabi ng Diyos na sapagkat si Adan ngayon ay may alam na kung ano ang mabuti at masama hindi na dapat siya kakain sa puno ng buhay, dahil siya ay maaring mabuhay ng walang hanggan.

Anong ginawa ng Diyos para iiwas na kumain si Adan mula sa pagkain mula sa puno ng buhay?

Pinalabas ng Diyos ang lalaki mula sa hardin, at nilagay niya ang querubin sa hardin ng Eden para bantayan ang puno ng buhay.