1
Isang araw, lumabas si Dina anak na babae ni Jacob at Lea para dalawin ang ilang mga kababaihan sa lugar na iyon.
2
Si Sechem ay isa sa mga anak ni Hamor na nagmula sa lahi ng mga Hevita. Nang makita niya si Dina, kinuha niya at pinilit na sumiping sa kanya.
3
Labis siyang naakit sa kanya, at naging malapit sa kanya. Napamahal siya ng husto at magiliw na kumausap sa dalaga.
4
Kaya sinabi ni Sechem sa kanyang amang si Hamor, "Pakiusap kunin mo ang babaeng ito para sa akin. Nais ko siyang maging asawa!"
5
Nang malaman ni Jacob na kinuha ni Sechem ang anak niyang si Dina at sinipingan niya, ang kanyang mga anak na lalaki ay kasalukuyang nasa bukid kasama ng kanyang mga alagang hayop, kaya wala siyang pinagsabihan tungkol dito hanggang sila ay makauwi sa bahay.
6
Samantala, nagtungo si Hamor na ama ni Sechem upang makiusap kay Jacob.
7
Habang sila ay nag-uusap, dumating ang mga anak ni Jacob na lalaki mula sa bukid dahil nalaman nila ang nangyari, sila ay nagulat at labis na nagalit. Sinabi nila, "Nakagawa si Sechem ng isang bagay na nagdala ng malaking kahihiyan sa Israel sa pagpupumilit sa kanyang sarili sa aming kapatid na babae, bagay na hindi niya dapat ginawa!"
8
Ngunit sinabi ni Hamor sa kanila, "Ang anak kong si Sechem ay talagang nagkagusto sa babaeng ito na iyong anak at inyong kapatid. Pakiusap payagan ninyo siyang mapangasawa siya.
9
Gagawa tayo ng kasunduan: Ibibigay ninyo ang inyong mga anak na babae sa aming mga kabataang lalaki na maging kanilang asawa, at ibibigay namin ang aming mga anak na babae sa inyong mga kabataang lalaki na kanilang maging asawa.
10
Maari kayong tumira kasama namin at manirahan kahit saan na nais ninyo sa aming lupain. Maari kayong bumili at magtinda ng kahit anumang bagay. Kung may nakita kayong lupang nais ninyo maari ninyong bilhin."
11
Pagkatapos sinabi ni Sechem sa ama ni Dina at sa kanyang mga kapatid na lalaki, "Kung mabuti ang inyong kalooban sa akin at gawin kung ano ang aking hinihiling. Ibibigay ko ang anumang hihilingin ninyo sa akin.
12
Sabihin ninyo kung ano ang regalong gusto ninyo at kung ano ang dote na nais ninyo at ibibigay ko ang hingiin ninyo. Nais ko lamang na ibigay ninyo ang babae sa akin na maging asawa ko."
13
Ngunit dahil si Sechem ay nakagawa ng kahiya-hiyang bagay sa kanilang kapatid na si Dina, si Sechem at ang kanyang amang si Hamor ay nilinlang ng mga anak ni Jacob.
14
Sinabi nila sa kanila, "Hindi, hindi namin maaaring gawin iyan. Hindi namin maaring ibigay ang kapatid naming babae na maging asawa ng lalaking hindi tuli, dahil iyon ay kahiya-hiyang gawin para sa amin.
15
Gagawin namin iyan kung gagawin ninyo ang isang bagay: Kailangan ninyong maging kagaya namin sa pamamagitan ng pagtutuli sa lahat ng mga lalaking naninirahang kasama ninyo.
16
Pagkatapos ay ibibigay namin ang aming mga anak na babae sa inyong mga kabataang lalaki upang maging asawa nila, at kukunin namin ang inyong mga anak na babae para maging asawa ng aming mga kabataang lalaki. Maninirahan kami kasama ninyo, at tayo'y magiging isang lahi.
17
Ngunit kung hindi kayo papayag na magpatuli, kukunin namin ang aming kapatid na babae at aalis."