Chapter 5

1 Huwag mong pagsalitaan nang masama ang isang nakakatanda sa iyo kundi ituring mo siya gaya ng iyong ama. Ituring mo rin ang mga nakababatang lalaki gaya ng iyong mga kapatid. 2 Pangaralan mo rin ang nakatatandang babae gaya ng iyong ina at mga nakakabatang babae na parang mga kapatid nang buong kalinisan. 3 Parangalan mo ang mga balo kung tunay nga silang mga balo. 4 Ngunit kung ang balo ay may mga anak o mga apo, turuan muna silang pahalagahan ang kanilang sariling sambahayan at tulungan ang kanilang mga magulang sapagkat ito ay kalugod-lugod sa Panginoon. 5 Ngunit para sa mga tunay na balo na naiwang nag-iisa, inilalagay niya ang kanyang pag-asa sa Diyos at patuloy na humihiling sa kanya araw man o gabi. 6 Ngunit ang babaeng nagpapasasa sa kalayawan ay patay na kahit na siya'y buhay pa. 7 Ituro mo rin ang mga bagay na ito para mamuhay silang walang kapintasan. 8 Ngunit kung mayroon sa kanilang nagpapabaya sa sarili niyang sambahayan, nagpabaya rin siya sa kanyang pananampalataya at masahol pa siya kaysa sa hindi mananampalataya. 9 Huwag ninyong isama sa bilang ang isang balong hindi bababa sa animnapu ang edad, na naging asawa ng isang lalaki. 10 Dapat siyang makilala sa kaniyang mabubuting gawa kung siya'y nag-aalaga ng mga bata, o tumatanggap ng bisita galing sa ibang bayan, o sa paghuhugas ng paa ng mga mananampalataya, o pagtulong sa mga nahihirapan, o sa pagiging masipag sa lahat ng mabubuting gawain. 11 Ngunit huwag mong isama sa listahan ang mga batang balo dahil kapag umiral ang kanilang pagnanasa, mas gugustuhin pa nilang mag-asawa kaysa tuparin ang kanilang tungkiulin kay Cristo. 12 Dahil dito, nabibigyang-daan nila ang kasalanan dahil hindi nila tinutupad ang una nilang pangako. 13 Nasanay din sila na walang ginagawa. Nagpupunta din sila sa mga iba't-ibang bahay para magkalat ng tsismis at magkunyaring may pinagkakaabalahan. Nagsasalita sila ng mga bagay na hindi naman dapat sabihin. 14 Kaya gugustuhin kong mag-asawa ang mas batang balo, magkaroon ng anak, at mamahala sa tahanan para hindi mabigyan ng pagkakataon na makagawa ang kaaway para hindi tayo siraan ng iba, 15 dahil may ilan sa kanila na tumalikod at sumunod kay Satanas. 16 Kung mayroon sa inyong mananampalatayang babae na nag-aalaga ng mga balo, dapat niyang ipagpatuloy ang pagtulong sa kanila para matulungan ng iglesiya ang mga balo na mas nangangailangan. 17 Nararapat na tumanggap ng mataas na karangalan ang mga matatandang namumuno sa iglesiya lalo na sa kanilang nangangaral at nagtuturo. 18 Dahil sinasabi ng kasulatan, "Huwag mong busalan ang baka habang gumigiik ito ng butil," at "Dapat niyong bayaran ng tama ang mga manggagawa." 19 Huwag kayong tatanggap ng pagbibintang laban sa nakatatanda maliban na lang sa bintang ng dalawa o tatlong saksi. 20 Pero ituwid ninyo ang mga nagpapatuloy sa kasalanan sa harapan nilang lahat para matakot ang iba. 21 Sa harapan ng Diyos, ni Cristo Jesus, pati na sa mga anghel, inuutusan ko kayong ipatupad ang mga utos na ito nang walang pinipili at walang kinikilingan. 22 Huwag kayong magmadali sa pagpatong ng kamay sa iba at huwag din kayong makikisama sa pagkakasala ng iba. Panatilihin ninyong malinis ang inyong sarili. 23 Huwag kang iinom lang ng tubig. Uminom ka rin ng konting alak para sa iyong tiyan at sa iyong madalas na pagkakasakit. 24 Kapansin-pansin na ang pagkakasala ng ilang tao na magdudulot din sa kanila ng paghatol. Pero ang kasalanan din ng iba ay napapansin din sa huli. 25 Gayon din ang na may mabubuting gawa na mas napapansin pati ang hindi kayang maitago ang mga ito.