Kabanata 5

1 Makalipas ng tatlong araw, isinuot ni Esther ang kanyang damit pangreyna at nagtungo at nagtungo sa panloob na patyo ng palasyo ng hari at tumayo sa tapat ng bahay ng hari. Nakaupo ang hari sa kanyang trono sa loob ng palasyo, nakaharap sa pasukan ng maharlikang tahanan. 2 Nang makita ng hari si Reyna Esther na nakatayo sa patyo, nakasumpong ito ng pabor sa kanyang paningin. Itinuro niya sa kanya ang kanyang gintong setro na hawak niya. Kaya lumapit at hinawakan ni Esther ang dulo ng kanyang setro. 3 Pagkatapos sinabi ng hari sa kanya, "Ano ang nais mo, Reyna Esther? Ano ang iyong kahilingan?" Kung hihilingin mo Ibibigay ko sa iyo hanggang sa kalahati ng aking kaharian." 4 Sumagot si Esther, "Kung mamarapatin ng hari, maaari bang dumalo ang hari at si Haman sa piging na inihanda ko ngayon para sa kanya?" 5 Pagkatapos sinabi ng hari "Ipatawag na agad si Haman, upang gawin kung ano ang sinabi ni Esther." Kaya pumunta ang hari at si Haman sa piging na inihanda ni Esther. 6 Nang inihahain na ang alak sa handaan, sinabi ng hari kay Esther, "Ano ang iyong kahilingan? Ipagkakaloob sa iyo ano man ang iyong pakiusap. Kahit kalahati pa ng aking kaharian, ay aking tutuparin ito." 7 Sumagot si Esther, "Ito ang aking kahilingan at pakiusap, 8 kung ako'y nakasumpong ng pabor sa paningin ng hari at mamarapatin ng hari na ipagkaloob ang aking kahilingan, at tuparin ang aking pakiusap,ay Hayaan na ang hari at si Haman ay dumalo sa ihahanda kong piging para sa inyo bukas, at sasagutin ko ang katanungan ng hari." 9 Si Haman ay lumabas nang araw na iyon na masayang masaya. Ngunit nang makita ni Haman si Mordecai sa pintuan ng hari na hindi tumayo ni hindi manlang nanginig sa takot sa kanyang harapan, napuno siya ng matinding galit laban dito. 10 Gayunman, pinigilan niya ang kanyang sarili, nagtimpi siya at umuwi sa kanyang sariling bahay. Pinatawag niya ang kanyang mga kaibigan at tinipon sila, kasama si Zeresh na kanyang asawa. 11 Ipinagmalaki ni Haman sa kanila ang karangyaan ng kanyang kayamanan at ang bilang ng kanyang mga anak na lalaki, kung paano siya naging mas mataas sa posisyon kaysa sa opisyal at mga lingkod ng hari. 12 Sinabi ni Haman, "Kahit si Reyna Esther ay walang ibang inimbita na pumunta maliban sa akin kasama ng hari sa handaan na kanyang inihanda. At bukas inimbitahan niya muli ako kasama ang hari. 13 Ngunit walang halaga ito sakin, hanggang nakikita ko si Mordecai na Judio na nakaupo sa pintuan ng hari." 14 Kaya sinabi ni Zeresh kay Haman na kanyang asawa at sa lahat ng kanyang kaibigan, "Dapat lang na gumawa sila ng bitayang may taas na limampung kubit. At pagkatapos bukas ng umaga sabihin mo sa hari na bitayin nila roon si Mordecai. Pagkatapos pumunta kang masaya kasama ng hari sa handaan. Natuwa dito si Haman, at nagpagawa nga siya ng bitayan.