Kabanata 6

1 Hindi makatulog ang hari ng gabing iyon. Inutusan niya ang kanyang mga lingkod na dalhin ang mga talaan ng mga pangyayari sa kanyang paghahari, at ito ay basahin nang malakas sa harap niya. 2 At natagpuang nakatala roon na isinumbong ni Mordecai ang tungkol kina Bigthana at Teres, dalawa sa mga opisyal ng hari na nagbabantay sa pasukan, na siyang sinubukang saktan si Haring Assuero. 3 Nagtanong ang hari, "Anong karangalan at pagkilala ang ibinigay kay Mordecai sa ginawang ito?" Pagkatapos sinabi ng kanyang mga kabataang lalaki, na lingkod niya, "Walang anumang iginawad para sa kanya." 4 At sinabi ng hari, "Sino ang nasa patyo?" Ngayon si Haman ay pumasok sa panlabas na patyo ng bahay ng hari upang kausapin siya tungkol sa pagbitay kay Mordecai at sa bitayang inihanda niya para sa kanya. 5 Sinabi ng mga lingkod ng hari sa kanya, "Si Haman ay nakatayo sa patyo." Sinabi ng hari, "Hayaan siyang pumasok." 6 Nang pumasok si Haman, sinabi ng hari sa kanya, "Anong dapat gawin sa lalaki na kinalulugdang parangalan ng hari?" Ngayon sinabi ni Haman sa kanyang puso, "Sino paba ang kinalulugdang parangalan ng hari maliban sa akin?" 7 Sumagot si Haman "Sa lalaki na nais parangalan ng hari, 8 ay dapat itong suotan ng mga maharalikang balabal,na isinusuot ng hari, at isang kabayong sinakyan ng hari at sa ulo nito ay ang sagisag ng hari. 9 Pagkatapos payagang ibigay ang mga balabal at ang kabayo sa isa sa pinakamarangal na opisyal ng hari. Dapat lamang na nakabihis sila ng marangal bilang isang lalaking pinararangalan ng hari, at hayaang pasakayin siya sa kabayong ililibot sa mga lansangan ng bayan. Dapat na masabi nila sa kanyang harapan na, 'Ganito ang ginagawa ng hari sa taong kanyang kinalulugdan at nais parangalan!" 10 Pagkatapos sinabi ng hari kay Haman, "Magmadali ka, kunin mo ang mga balabal at ang kabayo, gaya ng iyong sinabi, at gawin mo iyon kay Mordecai na Judio na nakaupo sa pintuan ng hari. Huwag mong kalimutan ni isa sa mga bagay na iyong sinabi." 11 Pagkatapos kinuha ni Haman ang mga balabal at ang kabayo. Binihisan niya si Mordecai at pinasakay sa kabayo patungo sa mga lansangan ng siyudad. Ipinahayag sa unahan niya, "Ganito ang ginagawa ng hari sa taong kinalulugdan at nais niyang parangalan!" 12 Bumalik si Mordecai sa pintuan ng hari. Ngunit nagmadali si Haman sa kanyang bahay, nagluluksa, na may takip ang ulo. 13 Sinabi ni Haman kay Zeres na kanyang asawa at sa lahat niyang mga kaibigan ang lahat ng bagay na nangyari sa kanya. Pagkatapos sinabi sa kanya ng kanyang mga tagapayo at si Zeres na kanyang asawa, "Kung si Mordecai, ay hindi bumagsak, isang Judio, hindi mo siya matatalo, at ikaw ay tiyak pang babagsak sa harap niya. 14 Habang nakikipag-usap sila sa kanya, dumating ang mga opisyal ng hari. At nagmadaling dinala si Haman sa handaang inihanda ni Esther.