Inutosan ni Jose ang kanyang katiwala na punoin ng makakain ang mga sako ng magkakapatid, na ilagay ang pera sa kanilang mga sako, at ilagay ang pilak na kopa sa sako ng pinaka bata sa kanila.
Binintang ng katiwala na nagnakaw ang mga magkakapatid ng pilak na kopa ni Jose.
Yumuko ang magkakapatid sa lupa sa harapan ni Jose.
sinabi ni Juda na nakita ng Diyos ang kanilang mga kasalan.
Sinabi ni Juda na ang lahat ng magkakapatid ay magiging alipin ni Jose.
Sinabi ni Juda na ang bunsong kapatid ay anak niya sa katandaan, at nag iisang anak nalamang na naiwan ng kanyang ina.
Sinabi ni Juda na sila ay pinipilit upang dalhin si Benjamin sapagkat ito ay sinabi ni Jose na kung hindi nila kasama ang bunsong kapatid, hindi na nila makikita si Jose.
Hiningi ni Juda kay Jose na gawin siyang alipin niya, para makauwi si Benjamin sa kanyang ama.