Genesis 43

Genesis 43:1

Bakit sinabihan ni Israel ang kanyang mga anak na lalaki na pumunta ulit sa Ehipto para bumili ng mga pagkain?

Dahil malala na ang tag-gutom at nakain na nila ang butil na kanilang binili sa Ehipto noong unang paglalakbay nila.

Genesis 43:3

Ano ang sinabi ni Juda na kinakailangan nila upang muling makaalis pababa sa Ehipto?

Sinabi ni Juda na kinakailangan nila ang kanilang kapatid na si Benjamin upang makaalis pababa sa Ehipto.

Genesis 43:11

Ano ang sinabi ni Israel sa magkakapatid na dalhin kasama nila papuntang Ehipto?

Sinabi ni Israel sa magkakapatid na lalaki na magdala ng ilang pinakamagandang produkto ng lupain, at gawing doble ang pera.

Genesis 43:18

Paano tumugon ang magkakapatid nang sila ay dinala sa bahay ni Jose, at bakit?

Ang mga magkapatid ay natakot na sila'y madakip at gawing mga alipin dahil sa naiwang pera sa kanilang mga sako noong una nilang paglalakbay.

Genesis 43:21

Ano ang sinabi ng magkakapatid sa katiwala ng bahay ni Jose?

Sinabi ng mga magkakapatid sa katiwala na ibinalik nila ang pera na naiwan sa loob ng kanilang sako, at ang perang pambili ng pagkain.

Genesis 43:26

Ano ang ginawa ng magkakapatid nang bumalik si Jose sa bahay?

Dinala ng mga magkakapatid ang mga regalo sa bahay, at yumuko sa lupa sa harapan ni Jose.

Genesis 43:30

Bakit nagmamadaling lumabas sa silid si Jose, at ano ang kanyang ginawa pagkatapos niyang lumabas?

Nagmamadali si Jose na lumabas sa silid, dahil labis siyang naantig tungkol kay Benjamin, at pumunta siya sa kanyang kuwarto at umiyak.

Genesis 43:32

Bakit magkakahiwalay kumain ang mga taga-Ehipto at ang mga Hebreo?

Kasuklam-suklam sa mga taga-Ehipto na kumain kasama ng mga Hebreo.