Genesis 22

Genesis 22:1

Anong pagsubok ang binigay ng Diyos kay Abraham?

Sinabihan ng Diyos si Abraham na pumunta sa lupain ng Moriah at ialay si Isaac bilang isang handog na susunugin.

Genesis 22:7

Anong tanong ang tinanong ni Isaac kay Abraham habang sila ay magkasamang naglalakad?

Tinanong ni Isaac si Abraham, "Nasaan ang tupa para sa handog na susunugin?”

Genesis 22:9

Nang makarating sila sa lugar, ano ang hinanda ni Abraham bilang handog na susunugin at paano niya ito ginawa?

Hinanda ni Abraham si Isaac bilang handog na susunugin sa pamamagitan ng pagtali sa kanya at ipinihiga siya sa ibabaw ng altar.

Genesis 22:13

Paano ibinigay ng Diyos ang handog na susunugin para kay Abraham?

Mayroong isang lalaking tupa na nahuli sa dawang sa likuran ni Abraham, kung saan ginamit ni Abraham ang bilang handog na susunugin.

Genesis 22:18

Anong pagpapala ang pinahayag ng Anghel ni Yahweh kay Abraham?

Ipinahayag ng Anghel ni Yahweh na pagpapalain niya si Abraham, pararamihin ang kanyang mga kaapu-apuhan, lipulin ang kanyang mga kaaway, at pagpalain ang lahat ng mga bansa ng sanlibutan sa pamamagitan ng kanyang mga kaapu-apuhan.

Sa pamamagitan nino at bakit ang lahan ng mga bansa ng mundo ay pagpapalain?

Sa pamamagitan ng mga kaapu-apuan ni Abraham ang lahat ng mga bansa ng mundo ay pagpapalain, dahil sinunod ni Abraham ang anghel ng boses ni Yahweh.