Genesis 21

Genesis 21:10

Ano ang sinabi ni Sarah kay Abraham na gawin kay Hagar at sa kanyang anak na lalaki, at bakit?

Sinabihan ni Sarah si Abraham na palayasin si Hagar at ang kanyang anak na lalaki, dahil ang anak na lalaki ni Hagar ay hindi maaaring maging tagapagmana kasama ni Isaac.

Ano ang reaksyon ni Abraham sa sinabi ni Sara?

Nalungkot si Abraham dahil sa sinabi ni Sara.

Genesis 21:12

Ano ang sinabi ng Diyos kay Abraham na gagawin?

Sinabihan ng Diyos si Abraham na makinig kay Sara.

Genesis 21:14

Saan nagpunta sina Hagar at ang kanyang anak na lalaki matapos silang pinaalis ni Abraham?

Nagpunta sina Hagar at ang kanyang anak na lalaki sa ilang.

Genesis 21:19

Paano nakaligtas sina Hagar at ang kanyang anak na lalaki?

Ibinuka ng Diyos ang mga mata ni Hagar at nakakita siya ng isang balon ng tubig.

Genesis 21:22

Anong kasunduan ang magkasamang ginawa nina Abimelek at Abraham?

Nangako si Abraham na hindi siya maglilinlang kay Abimelek at sa kanyang mga kaapu-apuhan bilang ganti para kay Abimelek sa pagpapatuloy na pagpapakita ng kanyang kabaitan kay Abraham sa lupain kung saan siya naninirahan.

Genesis 21:25

Ano ang enireklamo ni Abraham kay Abimelech?

Enireklamo ni Abraham kay Abimelech tungkol sa isang balon ng tubig na inagaw ng mga lingkod ni Abimelech mula sa kaniya.

Genesis 21:28

Bakit nagpadala si Abraham ng pitong mga babaeng tupa kay Abimelech?

Nagpadala si Abraham ng pitong mga babaeng tupa kay Abimelech bilang isang saksi na siya ang naghukay sa pinag-awayang balon.

Genesis 21:33

Anong ginawa ni Abraham sa may punong kahoy na tamarisko sa Beersheba?

Sinamba ni Abraham si Yahweh, ang Diyos na walang Hanggan.