36

1 Ito ang mga kaapu-apuhan na nagmula kay Esau, kilala din sa pangalang Edom, at kung ano ang nangyari tungkol sa kanila.

2 Si Esau ay nagpakasal sa tatlong babae mula sa lupain ng Canaan: si Ada, na babaeng anak ni Elon na Heteo; si Aholibama, na babaeng anak ni Ana at babaeng apo ni Zibeon na Heteo; 3 at Basemat, na anak ni Ismael at babaeng kapatid ni Nebayot. 4 Ang asawa ni Esau na si Ada ang nagsilang kay Elifaz. Si Basemat ang nagsilang kay Reuel. 5 Si Aholibama ang nagsilang kina Jeus, Jalam, at Kora. Lahat ng mga lalaking ito na anak ni Esau ay isinilang habang siya ay naninirahan sa lupain ng Canaan. 6-7 Maraming pag-aari si Jacob at Esau. Dahil dito, kinakailangan nilang mas malawak lupain para sa kanilang mga alagang hayop. Ang lupain na kanilang tinitirahan ay hindi na sapat ang laki para sa lahat ng kanilang mga alagang hayop. Kaya si Esau, na ang ibang pangalan ay Edom, ay kinuha ang kanyang mga asawa at mga anak na lalaki at mga anak na babae at lahat ng miyembro ng kanyang sambahayan, ang kanyang tupa at mga kambing at iba pa niyang mga hayop, at lahat ng iba pang kasangkapan na nakuha niya sa lupain ng Canaan, at lumipat sila sa lugar malayo mula kay Jacob. 8 Sila ay tumungo para manirahan sa burol na bayan ng Seir.

9 Ito ang mga kaapu-apuhan na nagmula kay Esau, ang ninuno ng mga lahing Edomita na nanirahan sa lugar ng Seir.

10 Ang asawa ni Esau na si Ada ay nagsilang kay Elifaz, at ang asawa ni Esau na si Basemat ay isinilang si Reuel.

11 Ang mga anak na lalaki ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo, Gatam, at Kenaz.

12 Ang anak na lalaki ni Esau na si Elifaz ay nagkaroon din ng ibang babae. Ang pangalan niya ay Timna. Isinilang niya si Amalek. Ang anim na kalalakihang iyon ay mga apo ng asawa ni Esau na si Ada.

13 Ang mga anak na lalaki ni Reuel ay sina Nahat, Zera, Shama, at Miza. Sila ang mga apo ng asawa ni Esau na si Basemat.

14 Ang asawa ni Esau na si Aholibama, na anak na babae ni Ana at apo ni Zibeon, ay nanganak ng tatlong anak na lalaki: Jeus, Jalam, Korah.

15 Ito ang mga pinuno sa lahi ni Esau. Ang lahi ni Elifaz, ang panganay na anak na lalaki, ito ang mga pinuno: Teman, Omar, Zefo, Kenaz, 16 Korah, Gatam, at mga Amalek. Ito ang mga pinuno sa lahi mula kay Elifaz na nanirahan sa Edom; sila ang mga apo ni Ada.

17 Ang mga anak na lalaki ni Reuel na anak ni Esau ay ninuno ng mga Nahat, Zera, Shama, at mga Miza. Sila ay ang lahing nagmula kay Basemat na asawa ni Esau. Nanirahan din sila sa Edom.

18 Ang mga anak na lalaki ni Aholibama na asawa ni Esau, na ang ina ay si Ana, ay ninuno ng mga Jeus, Jalam, at Korah na grupo ng mga tao. 19 Iyon ang listahan ng mga anak na lalaki ni Esau, at ang mga grupo ng mga tao na kanilang mga lahi.

20 Ito ang listahan ng mga kaapu-apuhan ni Seir, na kabilang sa grupo ng mga Hor, na unang mga tao na nanirahan sa rehiyon ng Edom: Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, 21 Dishon, Ezer, at Dishan. Ang pitong lalaking iyon ay naging ninuno ng bawat grupo. Ang bawat isa sa grupo ay may katulad na pangalan ng kanilang mga ninuno.

22 Ang mga anak na lalaki ni Lotan ay sina Hori at Heman. Ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna.

23 Ang mga anak na lalaki ni Sobal ay sina Alvan, Manahat, Ebal, Sefo, at Onam.

24 Ang mga anak lalaki ni Zibeon ay sina Aya at Ana. Ang Anang ito ang nakadiskubre sa mainit na mga bukal sa disyerto habang inaalagaan niya ang mga asno ng kanyang amang si Zibeon.

25 Si Ana ay may dalawang anak- isang anak na lalaki na nagngangalang Dishon at isang anak na babae na nagngangalang Aholibama.

26 Ang mga anak na lalaki ni Dishon ay sina Hemdan, Esban, Itran, at Keran.

27 Ang mga anak na lalaki ni Ezer ay sina Bilhan, Zaavan, at Akan.

28 Ang mga anak na lalaki ni Dishan ay sina Uz at Aran.

29-30 Ang mga kaapu-apuhan na nagmula kay Hor ay nanirahan sa lupain ng Seir. Ang mga pangalan ng mga grupo ng mga tao ay Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, Dishon, Ezer, at Dishan.

31 Ito ang mga pangalan ng mga haring namuno sa Edom bago pa man mamuno sinumang hari sa buong Israelita.

32 Ang anak ni Beor na si Bela ay naging unang hari ng Edom. Ang lungsod kung saan siya nanirahan ay pinangalanang Dinaba.

33 Nang si Bela ay namatay, si Zera na anak na lalaki ni Jobab ang naging hari. Siya ay mula sa lungsod ng Bozra.

34 Nang namatay si Jobab, si Husham ang naging hari. Siya ay nagmula sa rehiyon kung saan ang lahing Teman ay nanirahan.

35 Nang namatay si Husham, ang anak na lalaki ni Bedad na si Hadan ang naging hari. Lumaban ang mga kawal ni Husham sa lahing Midianita sa rehiyon ng Moab at tinalo sila. Sa lungsod ng Avit naninirahan si Hushamt.

36 Nang mamatay si Hadad, si Samla ang naging hari. Siya ay nagmula sa Masreka.

37 Nang namatay si Samla, si Saul ang naging hari. Siya ay mula sa Rehobot, na nasa tabi ng ilog Eufrates.

38 Nang namatay si Saul, ang anak na lalaki ni Akbor na si Baal Hanan ay naging hari.

39 Nang ang anak ni Akbor na si Baal Hanan ay namatay, si Hadad ang naging hari. Ang lungsod kung saan siya nanirahan ay pinangalanang Pau. Ang pangalan ng kanyang asawa ay Mehetabel. Siya ang anak na babae ni Matred, na anak na babae ni Me Zahab.

40-43 Ito ang listahan ng lahat ng mga lahi na nagmula kay Esau: Timna, Alva, Jehet, Aholibama, Ela, Pinon, Kenaz, Teman, Mibzar, Magdiel, at Iram. Silang lahat ay nanirahan sa lupain ng Edom. Ang lupain kung saan naninirahan ang bawat lahi ay nakakuha din ng kaparehong pangalan ng pangalan ng lahi.