25

1 Ilang panahon pagkatapos mamatay ni Sara, si Abraham ay nag-asawa ng isang pang babae, na ang pangalan ay Ketura. 2 Siya ay nagsilang kinalaunan ng anim na mga anak na lalaki: sina Zimran, Joksan, Medan, Midian, Ishbak, at Sua. 3 Si Joksan ay naging ama ng dalawang anak na lalaki, na sina Seba at Dedan. Ang mga kaapu-apuhan ni Dedan ay ang mga pangkat ng mga lahi ng Assurim, ang Letusim, at ang Leummim. 4 Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Epha, Epher, Enech, Abida, at Eldaa. Sila ang mga kaapu-apuhan ni Ketura. 5 Ipinahayag ni Abraham na pagkatapos niyang mamatay, si Isaac ang magmamana ng lahat ng kanyang pag-aari. 6 Subalit habang si Abraham ay nabubuhay pa, nagbigay siya ng mga regalo sa kanyang mga anak na lalaki sa kanyang mga kerida at ipinadala niya ang mga ito sa lupain na nasa silangan, para mapanatili silang malayo mula sa kanyang anak na lalaki. 7 Si Abraham ay nabuhay hanggang siya ay naging 175 taong gulang. 8 Siya ay namatay sa isang napakatandang edad at siya ay natipon sa kanyang mga ninuno na dati nang namatay. 9 Ang kanyang mga anak na lalaki na sina Isaac at Ismael ang naglibing ng kanyang mga labi sa kuweba sa pook ng Macpela, na malapit sa Mamre, sa parang na binili ni Abraham kay Ephron na anak na lalaki ni Zohar, isang kaapu-apuhan ni Heth. 10 Doon inilibing nila Isaac at Ismael ang kanyang mga labi, kung saan na dati nang nailibing ni Abraham ang mga labi ng kanyang asawang si Sara. 11 Pakatapos mamatay ni Abraham, pinagpala ng Diyos ang kanyang anak na si Isaac. Si Isaac ay patuloy na nanirahan malapit sa Beer-lahai-roi.

12 Ang mga ito ay ang mga sumunod mula sa mga anak na lalaki ni Abraham, si Ismael, sa lingkod na babae ni Sara, na si Hagar na taga Ehipto, ang siyang nagsilang.

13 Ito ang kanilang mga pangalan, sa pagkakasunod-sunod kung saan sila ay isinilang: Ang panganay na anak na lalaki ni Ismael ay pinangalanang Nebayot. Pagkatapos niya ay isinilang sina Kedar, Adbeel, Mibsam, 14 Misma, Duma, Massa, 15 Hadar, Tema, Jetur, Naphis, at Cedama. 16 Ang labindalawang anak na mga lalaki ni Ismael ay naging mga pinuno ng mga lipi na nagkaroon ng ganoong mga pangalan. Ang bawat isa sa kanila ay nagkaroon ng sarili nilang tirahan at kampo. 17 Si Ismael ay nabuhay hanggang siya ay 137 taong gulang. Pagkatapos siya ay namatay at isinama sa kanyang mga ninuno na naunang namatay. 18 Ang kanyang mga kaapu-apuhan ay namalagi sa pook na nasa pagitan ng Shur at Havila, malapit sa hangganan ng Ehipto kung ang isang tao ay naglalakbay patungong Asiria. Subalit, hindi sila namuhay ng payapa na magkasama.

19 Ito ay ang nangyari ukol sa anak na lalaki ni Abraham, na si Isaac. Si Abraham ang naging ama ni Isaac. 20 Nang si Isaac ay apatnapung taong gulang, pinakasalan niya si Rebeca, ang anak na babae ni Bethuel. Si Bethuel ay isa sa mga kaapu-apuhan ni Aram mula sa Padan-aram. Si Rebeca ang kapatid na babae ni Laban, na nabibilang sa mga lahi ng Aram. 21 Sa mahabang panahon, pagkatapos ng sila ay kinasal, si Rebeca ay wala paring mga anak. Kaya si Isaac ay nagdasal kay Yahweh ukol sa kanyang asawa, at sinagot ni Yahweh ang kanyang dasal. Ang kanyang asawa na si Rebeca ay nabuntis. 22 Mayroong dalawang sanggol sa kanyang sinapupunan, at palagi silang nagsisiksikan sa bawat isa. Kaya sinabi niya, "Bakit ito nangyayari sa akin?" Kaya tinanong niya si Yahweh tungkol dito. 23 Sinabi ni Yahweh sa kanya, "Dalawang bansa ang manggagaling sa kambal sa sinappunan mo. At ang dalawang bansa na iyon ay mahihiwalay, at ang isa ay magiging mas malakas kaysa sa isa. At ang nakatatanda ang magsisilbi sa nakababata."

24 Nang nanganak na si Rebeca, totoo nga! Kambal na lalaki ang isinilang! 25 Ang unang isinilang ay mapula, at ang kanyang katawan ay puno ng buhok, gaya ng damit na gawa sa buhok. Kaya siya ay kanilang pinangalanang Esau. 26 Pagkatapos sumunod na isinilang ang kanyang kapatid na lalaki, nakahawak sa sakong ni Esau. Kaya siya ay kanilang pinangalanang Jacob. Si Isaac ay animnapung taong gulang nang isinilang ang kambal.

27 Nang nagsilakihan na ang mga batang lalaki, si Esau ay naging isang napakahusay na mangangaso ng ligaw na mga hayop. Gumugugol siya ng maraming oras sa gubat. Gayunman, si Jacob ay isang tahimik na tao na lumalagi malapit sa kampo. 28 Mas nagustohan ni Isaac si Esau, dahil nasisiyahan siya sa lasa ng karne ng mga hayop na napapatay ni Esau. Subalit si Rebeca ay mas nagustohan si Jacob. 29 Isang araw habang si Jacob ay nagluluto ng nilaga, si Esau ay dumating sa kanilang tahanan mula sa gubat, gutom na gutom. 30 Sinabi niya kay Jacob, "Bigyan mo ako niyang mapulang nilaga para kainin ko ngayon, dahil ako ay nagugutom na." (Kaya iyon ay bakit ang ibang pangalan ni Esau ay Edom). 31 Sinabi ni Jacob, "Bibigyan kita kung ipagbibili mo sa akin ang iyong karapatan bilang panganay para manahin ang karamihan ng yaman ng ating ama." 32 Sagot ni Esau, "Kung gayon, ako ay malapit nang mamatay dahil sa sobrang gutom. Kung mamatay ako ngayon, ay hindi ako matutulungan ng aking mga karapatan." 33 Sinabi ni Jacob, "Mangako ka sa akin na ibinibigay mo na sa akin ang iyong karapatan ng panganay!" Kaya iyon ang ginawa ni Esau. Ipinagbili niya ang kanyang mga karapatan bilang panganay kay Jacob. 34 Pagkatapos nagbigay si Jacob kay Esau ng ilang tinapay at nilaga na gawa sa mga lintel. Si Esau ay kumain at uminom, at pagkatapos tumayo siya at umalis. Sa paggawa niyon, ipinakita ni Esau na hindi siya interisado sa kanyang mga karapatan bilang panganay.