Chapter 20

2 1 Sa unang araw ng linggo, habang madilim pa, nagpunta si Maria Magdalena sa libingan. Doon ay nakita niyang nakaalis na ang malaking batong nakaharang sa libingan. Kaya tumakbo siya at nagpunta kay Simon Pedro at sa isang alagad na minamahal ni Jesus. Sinabi niya sa kanila, "Kinuha nila ang Panginoon mula sa libingan at hindi natin alam kung saan nila siya dinala." 3 Lumabas si Pedro kasama ang isang alagad at nagpunta sa libingan. 4 Nagmamadali silang tumakbo papunta roon at mas naunang nakarating ang isang alagad sa libingan kaysa kay Pedro. 5 At sumilip siya sa libingan, nakita niya ang telang lino na nakalatag doon pero hindi siya pumasok doon. 6 Dumating si Simon Pedro pagkatapos niya at pumasok siya sa libingan. Nakita niya ang telang lino na nakalatag doon, 7 at ang telang nakabalot sa kaniyang ulo. Hindi ito nakalatag kasama ang linong tela pero nakatiklop ito sa isang lugar. 8 At pumasok rin ang isang alagad na naunang dumating sa libingan. Nakita niya rin ito ang naniwala siya. 9 Sa mga oras na iyon, hindi pa nila alam ang sinasabi sa kasulatan na mabubuhay siyang muli sa mga patay. 10 Kaya bumalik ang mga alagad sa kanilang tahanan. 11 Nakatayo sa labas ng libingan si Maria na umiiyak. Habang umiiyak siya, sumilip siya sa libingan. 12 Nakakita siya ng dalawang anhel na nakaupo, isa sa ulonan at isa sa bandang paa kung saan inilibing ang katawan ni Jesus. 13 Sinabi nila sa kaniya, "Babae, bakita ka umiiyak?" Sinabi niya sa kanila, "Kinuha nila kasi ang aking Panginoon at hindi ko alam kung saan nila siya dinala." 14 Pagkatapos niyang sabihin ito, tumalikod siya at nakita niya si Jesus na nakatayo roon pero hindi niya alam na si Jesus pala iyon. 15 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Babae, bakit ka umiiyak? Sinong hinahanap mo?" Akala kasi ng babae na siya ang hardinero. Kaya sinabi niya sa kaniya, "Ginoo, kung kinuha niyo siya, sabihin niyo po sa akin kung saan niyo siya dinala para kukunin ko siya uli." 16 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Maria." Tumingin siya sa kaniya at kaniyang sinabi, "Rabboni," na ang ibig sabihin ay Guro. 17 Sinabi ni Jesus sa kaniya, "Huwag mo akong hawakan dahil hindi pa ako nakababalik sa aking Ama. Pero pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila na ako ay babalik na sa aking Ama at sa iyong Ama; sa aking Diyos at sa inyong Diyos. 18 Dumating si Maria Magdalena sa mga alagad at sinabi niya sa kanila, "Nakita ko ang Panginoon!" pati ang mga sinabi niya sa kaniya. 19 Kinagabihan ng araw na iyon na unang araw ng linggo, at habang nakasara ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot nila sa mga Judio, dumating si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila at sinabi sa kanila, "Sumainyo ang kapayapaan." 20 Nang sinabi niya ito, ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at kaniyang tagiliran. At nang makita ng mga alagad ang Panginoon, nagalak sila. 21 At muling sinabi sa kanila ni Jesus, "Ang kapayapaan ay sumainyo. Kung paano ako isinugo ng Ama, gayun din ko kayo sinusugo." 22 Nang sinabi ito ni Jesus, hiningahan niya sila, at sinabi sa kanila, "Tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu. 23 Mapapatawad ang mga kasalanan ng inyong patatawarin at kung hindi ninyo patatawarin ay hindi rin mapapatawad. 24 Sa oras na iyon, hindi nila kasama si Tomas, isa sa Labindalawa, na kilala rin sa pangalang Didimo. Ibinalita rin sa kaniya ng mga alagad, 25 "Nakita namin ang Panginoon." Sinabi niya sa kanila, "Maliban na makita ko ang mga sugat ng pako sa kaniyang mga kamay at mailagay ko ang daliri ko sa mga sugat niya, at ang kamay ko sa kaniyang tagiliran, hindi ako maniniwala." 26 Pagkalipas ng walong araw, nasa loob muli ang mga alagad at si Tomas ay kasama nila. Lumitaw si Jesus kahit na nakasarado ang pinto at tumayo sa gitna nila at nagsabi, "Ang kapayapaan ay sumainyo." 27 At sinabi niya kay Tomas, "Abutin mo ng iyong daliri at tingnan ang aking mga kamay. Abutin mo ng iyong kamay at hawakan mo ang aking tagiliran. Huwag kang magduda kundi maniwala ka." 28 Sumagot si Tomas sa kaniya, "Aking Panginoon at aking Diyos." 29 Sinabi sa kaniya ni Jesus, "Kaya ka lang naniwala dahil nakita mo ako. Mapalad silang mga hindi nakakita pero naniwala." 30 Marami pang ginawang mga tanda si Jesus sa harapan ng mga alagad na hindi nakasulat sa aklat na ito, 31 pero nakasulat ito rito para maniwala kayo na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at sa inyong paniniwala ay magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.