Chapter 3

1 Dapat niyong pagkakatiwalaan, ang sinumang nagnanais na maging namamahala, maganda ang binabalak niyang ito. 2 Ang namamahala ay dapat walang kapintasan, iisa lang ang asawa, maingat sa sarili, matalino, may kaayusan, magiliw sa mga panauhin, at may kakayanang magturo. 3 Hindi siya dapat marahas, hindi nakakapanakit, mahinahon, hindi mahilig makipagtalo, at hindi natutukso ng pera. 4 Kailangang kaya niyang pangunahan ang kaniyang pamilya, at napapangalagaan niya ang kaniyang mga anak na sinusunod at ginagalang siya. 5 Paano niya pangungunahan ang iglesiya ng Diyos kung hindi niya kayang pangunahan ang sarili niyang pamilya? 6 Hindi maaaring gawing pinuno ang baguhang mananampalataya dahil baka maging mapagmataas at mahulog din siya sa paghahatol gaya ng sa diyablo. 7 Kailangan ding may magandang patotoo siya maging sa mga di mananampalataya kundi baka mahulog din siya sa kahihiyan o baka mahulog siya sa bitag ng diyablo. 8 Gayondin, dapat ding mamuhay nang marangal ang mga diakono, hindi pabagu-bago ng salita, hindi naglalasing sa alak, hindi suwapang. 9 Dapat iniingatan nila ang misteryo ng pananampalataya na may malinis na konsensiya. 10 At dapat din silang mapatunayan muna bago sila maglingkod bilang diakono kung malinis ang kanilang patotoo. 11 Gayundin, dapat namumuhay nang marangal ang mga babae. Hindi sila dapat hindi sila mapanirang-puri, matiisin, at tapat sa lahat ng bagay. 12 Nararapat na iisa lang ang asawa ng mga diakono at napapangalagaan nila ang kanilang mga anak at sambahayan. 13 Dahil may maayos na patotoo sa lipunan ang mga naglilingkod na diakono at matapang sa paghahayag ng kanilang pananampalataya kay Cristo Jesus. 14 Sinusulat ko ang mga bagay na ito sa iyo at umaasa akong makapunta sa iyo sa lalong madaling panahon. 15 Ngunit kung magtatagal ako, gusto ko sanang turuan mo ang mga kalalakihan kung paano sila mamumuhay sa iglesiya ng buhay na Diyos, ang haligi at saligan ng katotohanan. 16 At hindi maikakaila ang katotohanang ng dakilang misteryo ng kadakilaan ng pagkamakadiyos: "Nagpakita siya sa laman, pinatunay siyang matuwid ng Espiritu, nakita ng mga anghel, ipinahayag sa mga bansa, pinaniwalaan sa mundo, at itinaas sa kaluwalhatian."