Names

Aaron

Si Aaron ay nakatatandang kapatid ni Moises. Pinili ng Diyos si Aaron na maging unang pinakapunong pari sa mga tao ng Israel.

  • Tinulungan ni Aaron si Moises na sabihin kay Paraon ang tungkol sa pagpapalaya sa mga Israelita.
  • Habang naglalakbay ang mga Israelita sa ilang, nagkasala si Aaron sa pamamagitan ng paggawa ng diyus-diyosan upang sambahin ng mga tao.
  • Hinirang din ng Diyos si Aaron at ang kaniyang mga kaapu-apuhan na maging mga pari sa mga tao ng Israel.

Abel

Si Abel ay pangalawang anak ni Adan at Eba. Siya ay nakababatang kapatid ni Cain.

  • Pastol ng mga tupa si Abel.
  • Inalay ni Abel ang ilan sa kaniyang alagang mga hayop bilang handog sa Diyos.
  • Nalugod ang Diyos kay Abel at sa kaniyang mga handog.
  • Pinatay ng panganay ng anak na lalaki ni Adan at Eba na si Cain si Abel.

Abemelec

Isang Palestina na hari si Abemelec sa rehiyon ng Gerar sa panahon nang si Abraham at Isaac ay nakatira sa lupain ng Canaan.

  • Nilinlang ni Abraham si Haring Abemelec sa pamamagitan ng pagsasabi sa kaniya na kapatid niya si Sara sa halip na kaniyang asawa.
  • Gumawa ng kasunduan si Abraham at Abemelec patungkol sa kung sino ang magmamay-ari sa balon na nandoon sa Berseba.
  • Pagkaraan ng maraming taon, nilinlang din ni Isaac si Abemelec at ang iba pang mga lalaki sa Gerar sa pamamagitan ng pagsasabi na si Rebeka ay kaniyang kapatid, at hindi niya asawa.
  • Pinagalitan ni Haring Abemelec si Abraham at si Isaac sa pagsisinungaling sa kaniya.
  • Ang isa pang lalaki na nagngangalang Abemelec ay anak ni Gideon at kapatid ni Jotam. Ang ilang mga salin ay maaaring gumamit ng bahagyang pagkaka-iba na pagbaybay ng kaniyang pangalan upang ito ay maliwanag na siya ay ibang tao kay Haring Abemelec.

Abias

Ang Abias ay pangalan ng isang hari sa Juda na naghari mula 915 - 913 noong hindi pa dumating si Cristo. Siya ay anak ni Haring Roboam. May iba pang mga lalaki na nagngangalang Abias sa Lumang Tipan.

  • Ang mga anak ni Samuel na sina Abias at Joel ay mga pinuno sa mga tao ng Israel sa Berseba. Dahil hindi tapat at sakim si Abias at ang kaniyang kapatid, hiniling ng mga tao kay Samuel na humirang ng ibang hari na mamuno sa kanila.
  • Ang isa pang Abias ay isa sa mga pari sa templo sa panahon ni Haring David.
  • Ang Abias ay pangalan din ng isa sa mga anak ni Haring Jeroboam.
  • Ang Abias ay pangalan din ng punong pari na bumalik kasama ni Zorobabel sa Jerusalem mula sa pagkabihag sa Babilonia.

Abiatar

Isang pinakapunong pari si Abiatar sa bansang Israel sa panahon ni Haring David.

  • Nang pinatay ni Haring Saul ang mga pari, nakatakas si Abiatar at pumunta kay David sa ilang.
  • Si Abiatar at ang isa pang pinakapunong pari na nagngangalang Zadoc ay naglingkod na tapat kay David sa buo niyang paghahari.
  • Pagkatapos na mamatay ni David, tinulungan ni Abiatar si Adonias na maging hari sa halip na si Solomon.
  • Dahil dito, inalis ni Haring Solomon si Abiatar mula sa pagkapari.

(Tingnan din sa: rc://tl/obe/other/zadok, rc://tl/obe/other/saul)]], rc://tl/obe/other/david, rc://tl/obe/other/solomon, rc://tl/obe/other/adonijah)


Abner

Si Abner ay pinsan ni Haring Saulo sa Lumang Tipan.

  • Punong kumander si Abner sa mga sundalo ni Saul, at siya ang nagpakilala ng binatang David kay Saul pagkatapos mapatay ni David ang higanting si Goliat.
  • Pagkatapos na mamatay si Haring Saul, hinirang ni Abner ang anak ni Saul na si Isboset bilang hari ng Israel, habang si David ay hinirang na hari sa Juda.
  • Hindi nagtagal, pinatay na pataksil si Abner ng punong kumander ni David na si Joab.

Abraham, Abram

Si Abram ay isang taong Caldeo mula sa lungsod ng Ur na napili ng Diyos na maging ninuno sa mga Israelita. Pinalitan ng Diyos ang kaniyang pangalan ng "Abraham."

  • Ang pangalan na "Abram" ay nangangahulugang "dakilang ama."
  • Ang kahulugan ng Abraham ay, "ama ng marami."
  • Pinangakuan ng Diyos si Abraham na magkakaroon siya ng maraming kaapu-apuhan, na magiging napakalaking bansa.
  • Naniniwala si Abraham sa Diyos at sumunod sa kaniya. Pinangunahan ng Diyos si Abraham na lumipat mula Caldea papunta sa lupain ng Canaan.
  • Habang naninirahan sa lupain ng Canaan, nang sila ay matandang matanda na, si Abraham at ang kaniyang asawa na si Sara ay nagkaroon ng isang anak, si Isaac.

Absalom

Si Absalom ay ang pangatlong anak ni Haring David. Siya ay kilala sa kaniyang magandang anyo at ugaling mainitin.

  • Nang ang kapatid na babae ni Absalom na si Tamar ay ginahasa ng kanilang kapatid sa ama, na si Amnon, gumawa si Absalom ng plano upang mapatay si Amnon.
  • Pagkatapos mapatay si Amnon, tumakas si Absalom sa rehiyon ng Gesur (kung saan nanggaling ang kaniyang ina na si Maacha) at tumira doon ng tatlong taon. Pagkatapos noon, nagsugo si haring David ng tao upang sabihan siya na bumalik sa Jerusalem, ngunit hindi niya pinayagan si Absalom na pumunta sa kaniya sa loob ng dalawang taon.
  • Ang ibang mga tao ay hinikayat ni Absalom laban kay Haring David at humantong sa pag-aalsa laban sa kaniya.
  • Ang mga sundalo ni David ay nakipagdigma laban kay Absalom at napatay siya. Labis na nagdalamhati si David nang nangyari ito.

Adan

Si Adan ang unang tao na nilikha ng Diyos. Siya at ang kaniyang asawa ay ginawa sa larawan ng Diyos.

  • Binuo ng Diyos si Adan mula sa alikabok at hiningahan siya ng buhay.
  • Ang pangalan ni Adan ay katulad sa Hebreo na salitang "pulang alikabok" o "lupa."
  • Ang pangalan na "Adan" ay katulad ng sa Lumang Tipang salita ng "sangkatauhan" o "tao."
  • Ang lahat ng mga tao ay kaapu-apuhan ni Adan at Eba.
  • Sinuway ni Adan at Eba ang Diyos. Ito ang naghiwalay sa kanila sa Diyos at dahilan ng kasalanan at kamatayan na dumating sa sanlibutan.

Adonias

Si Adonias ay ang ika-apat na anak na lalaki ni Haring David.

  • Sinubukang pumalit ni Adonias bilang hari sa Israel pagkatapos mamatay ng kaniyang mga kapatid na lalaki na sina Absalom at Amnon.
  • Ngunit ang trono ay naipangako ng Diyos sa anak ni David na si Solomon, kaya nga ang masamang balak ni Adonias ay bumagsak at naibigay kay Solomon ang trono.
  • Nang sinubukan ni Adonias sa pangalawang pagkakataon na gawin ang kaniyang sarili na hari, nag-utos si Solomon na patayin siya.

Ahab

Pinakamasamang hari si Ahab na naghari sa hilagang kaharian ng Israel mula 875 hanggang 854 bago ipinanganak si Cristo.

  • Hinikayat ni Ahab ang mga tao sa Israel na sumamba sa mga diyus-diyosan.
  • Hinarap ni propeta Elias si Ahab at sinabihan siya na magkakaroon ng matinding tag-tuyot sa loob ng tatlo at kalahating taon bilang kaparusahan sa kasalanan na nagawa ng Israel na ang dahilan ay si Ahab.
  • Si Ahab at ang kaniyang asawa na si Jesabel ay nakagawa ng maraming masamang mga bagay, kalakip ang paggamit ng kapangyarihan upang patayin ang walang kasalanang mga tao.

Ahaz

Si Ahaz ay isang masamang hari na namahala sa buong kaharian ng Juda mula 732 hanggang 716 noong hindi pa ipinanganak si Cristo. Ito ay halos 140 na taon bago ang panahon nang maraming tao sa Israel at sa Juda ang kinuha bilang bihag sa Babilonia.

  • Habang siya ay namamahala sa Juda, si Ahaz ay mayroong altar na itinayo para sa pagsamba ng diyus-diyosahan ng mga taga-Asiria, dahilan ng pagtalikod ng mga tao mula sa nag-iisang tunay na Diyos na si Yahweh.
  • Si Haring Ahaz ay 20 taong gulang noong nagsimula siyang mamahala sa buong Juda, at namahala siya ng 16 na taon.

Ahazias

Ang Ahazias ay pangalan ng dalawang hari: ang isa ay namahala sa buong kaharian ng Israel, ang isa naman ay namahala sa buong kaharian ng Juda.

  • Ang hari ng Juda na si Ahazias ay anak ni Haring Joram. Naghari siya ng isang taon (841 bago ipinanganak si Cristo) at pagkatapos ay napatay ni Jehu. Sa bandang huli, ang batang anak na lalaki ni Ahazias na si Joas ang pumalit sa kaniyang puwesto bilang hari.
  • Ang hari ng Israel na si Ahazias ay anak ni Haring Ahab. Siya ay naghari sa loob ng dalawang taon (850-49 bago ipinanganak si Cristo). Namatay siya mula sa pinsalang pinagdusahan sa pagbagsak ng kaniyang palasyo at ang kaniyang kapatid na si Joram ang naging hari.

Ahias

Ang Ahias ay ilang pangalan ng ibat-ibang mga lalaki sa Lumang Tipan. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga taong ito:

  • Ang Ahias ay pangalan ng isang pari sa panahon ni Saulo.
  • Ang isang lalaking nagngangalang Ahias ay isang kalihim noong panahon ng paghahari ni Haring Solomon.
  • Ang Ahias ay pangalan ng isang propeta mula Shilo na nangsabi na ang bansa ng Israel ay mahahati sa dalawang kaharian.
  • Ang ama ni Haring Baasa ng Israel ay pinangalanan din na Ahias.

Ai

Sa panahon ng Lumang tipan, ang Ai ay pangalan ng isang bayan ng Canaan na makikita lamang sa timog ng Bethel at mahigit 8 kilometro pa hilagang kanluran ng Jerico.

  • Pagkatapos talunin ang Jerico, pinangunahan ni Josue ang mga Israelita sa paglusob sa Ai. Ngunit madali silang natalo dahil hindi nalugod ang Diyos sa kanila.
  • Isang Israelitang nagngangalang Acan ang nanguhang nanloob mula sa Jerico at inutos ng Diyos na siya at ang kaniyang pamilya ay patayin. Pagkatapos tinulungan ng Diyos ang mga Israelita na talunin ang mga tauhan ng Ai.

Amalekita

Ang mga Amalekita ay isang lagalag na pangkat ng mga tao na naninirahan sa katimugang bahagi ng Canaan, mula sa ilang ng Negeb hanggang sa bansa ng Arabia. Ang mga pangkat ng mga taong ito ay kaapupuhan ni Amalek na apo na lalaki ni Esau.

  • Ang mga Amalekita ay matatapang na mga kalaban ng Israel mula sa panahon ng unang dumating ang Israel upang tumira sa Canaan.
  • Kung minsan ang salitang "Amalek" ay ginagamit na matalinhaga upang tukuyin ang lahat ng Amalekita. (Tingnan sa: https://read-dev.bibletranslationtools.org//u/WA-Catalog/tl_tm/translate.html#figs-synecdoche).
  • Sa isang digmaan laban samga Amalekita, kapag itinaas ni Moises ang kaniyang mga kamay, ang mga Israelita ay nananalo. Nang siya'y pagod na at ang kaniyang mga kamay ay bumaba, nagsimula silang natatalo. Kaya tinulungan nina Aaron at Hur si Moises na mapanatiling nakataas ang kaniyang kamay hanggang matalo ng hukbo ng Israelita ang mga Amalekita.
  • Parehong pinangunahan ni Haring Saulo at Haring David ang hukbong pandarayuhan laban sa mga Amalekita.
  • Pagkatapos ng isang panalo sa mga Amalekita, sumuway si Saulo sa Diyos sa pamamagitan ng pagtago sa ilang mandarambong at hindi pagpatay sa hari ng Amalekita katulad ng iniutos ng Diyos na gawin niya.

Amazias

Si Amazias ang naging hari sa buong kaharian ng Juda nang pinatay ang kaniyang ama na si Joas.

  • Si Haring Amazias ay naghari sa buong Judah ng dalawamput siyam na taon, mula 796 - 767 bago ipinanganak si Cristo.

  • Siya ay isang mabuting hari, ngunit hindi niya winasak ang matataas na mga lugar kung saan sinasamba ang mga diyus-diyosan.

  • Sa huli ay ipinapatay ni Amazias ang lahat ng mga lakaking may pananagutan sa pagpatay sa kaniyang ama.

  • Tinalo niya ang mapanghimagsik na mga Edomita at ibinalik sila sa ilalim ng

    pamamahala ng Kaharian ng Juda.

  • Hinamon niya si Haring Joas ng Israel sa isang laban, ngunit natalo siya. Ang

    bahagi ng mga pader ng Jerusalem ay nasira at ninakaw ang pilak at mga gintong sisidlan ng templo.

  • Maraming taon ang lumipas, si Haring Amazias ay tumalikod kay Yahweh at may

    ilang kalalakihan sa Jerusalem ang magkasamang gumawa ng masamang balak at siya ay pinatay.


Ammon, mga Ammonita, babaing Ammonita

Ang "mga tao ng Ammon" o ang " mga Ammonita" ay isang pangkat ng mga tao sa Canaan. Nagmula sila kay Ben-ammi na anak ni Lot sa kaniyang mas nakababatang anak na babae.

  • Ang salitang "Amonitess" ay babaing Ammonita. Maaari din itong isalin na,

    "Ammonitang babae."

  • Ang mga Ammonita ay nakatira sa silangan ng Ilog Jordan at mga kalaban ng

    mga Israelita.

  • Sa isang pagkakataon, umupa ang mga Ammonita ng isang propeta na

    nagngangalang Balaam upang sumpain ang Israel, ngunit hindi ito pinahintulutan ng Diyos.


Amnon

Si Amnon ay panganay na anak na lalaki ni Haring David at ng kaniyang asawang si Ahinoam.

  • Hinalay ni Amnon ang kaniyang kapatid na babae sa ina na si Tamar, na siya ring

    kapatid na babae ni Absalom.

  • Dahil dito, nagbalak ng masama si Absalom laban kay Amnon at pinatay niya siya.


Amoreo

Ang mga Amoreo ay isang makapangyarihang pangkat ng mga tao na nagmula sa lalaking apo ni Noe na si Canaan.

  • Ang kanilang pangalan ay nangangahulugang "ang mataas" na maaaring tumutukoy sa bulubunduking mga rehiyon kung saan sila nakatira o dahil kilala sila sa kanilang katangkaran.
  • Ang mga Amoreo ay naninirahan sa mga rehiyon sa magkabilang gilid ng Ilog Jordan. Ang lungsod ng Ai ay pinanirahan ng mga Amoreo.
  • Ang Diyos ay tumutukoy sa "kasalanan ng mga Amoreo" na kabilang dito ang kanilang pagsasamba sa diyus-diyosan at mga makasalanang mga kaugalian na naipabilang doon.
  • Pinangunahan ni Josue ang mga Israelita sa pagwawasak sa mga Amoreo, gaya ng iniutos sa kanila ng Diyos na gawin.

Amos

Si Amos ay isang propetang Israelita na nanirahan sa panahon ni Haring Uzias ng Juda.

  • Bago siya tinawag bilang isang propeta, si Amos ay dating pastol at magsasaka ng igos na naninirahan sa kaharian ng Juda.
  • Nagpropesiya si Amos laban sa masaganang hilagang kaharian ng Israel tungkol sa kanilang hindi makatarungang pakikitungo sa mga tao.

Amoz

Si Amoz ay ama ng propetang si Isaias.

  • Binanggit lamang siya sa Biblia noong ipinakikilala si Isaias bilang "anak ni Amoz."
  • Ang pangalang ito ay iba sa pangalan ng propetang si Amos at dapat itong baybayin ng magkaiba.

Ana

Si Ana ang ina ni propeta Samuel sa Lumang Tipan. Isa siya sa dalawang asawa ni Elkana.

  • Hindi maaaring magdalang tao si Ana, ito ang isang malaking kalungkutan niya.
  • Sa templo, taimtim na nananalangin ni Ana sa Diyos para bigyan siya ng anak na lalake, at nangangakong iaalay ang bata upang maglingkod sa Diyos.
  • Ipinagkaloob ng Diyos ang kaniyang kahilingan at nang ang batang si Samuel ay nasa hustong gulang na, kaniya itong dinala sa Templo upang maglingkod sa ilalim ng pamamahala ng paring si Eli.
  • Binigyan din ng Diyos si Ana ng ibang mga anak pagkatapos nito.

Anas

Si Anas ay isang pinakapunong pari ng Judio sa Jerusalem sa loob ng 10 taon, mula halos 6 -15 mula nang ipinanganak si Cristo. Pagkatapos ay inalis siya sa punong pagkapari sa pamamagitan ng pamahalaan ng Romano, bagaman pinagpatuloy niya ang pagiging makapangyarihang pinuno sa mga Judio.

  • Si Anas ay byenang-lalaki ni Caifas na opisyal na pinakapunong pari noong panahon ng ministeryo ni Jesus.
  • Pagkatapos magretiro ang isang pinakapunong pari, nananatili pa rin sa kaniya ang titulo, kasama ng ilang mga responsibilidad sa opisina, kaya si Anas ay isanangguni pa rin bilang isang pinakapunong pari sa panahon ng pagkapari ni Caifas at iba pa.
  • Sa panahon ng paglilitis ni Jesus sa harapan ng mga pinuno ng Judio, unang ipinadala siya kay Anas upang tanungin.

Andres

Si Andres ay isa sa labindalawang kalalakihan na pinili ni Jesus upang maging kaniyang pinakamalapit na mga alagad (kinamamayaan ay tinawag na mga apostol).

  • Ang kapatid na lalaki ni Andres ay si Simon Pedro. Pareho silang mangigisda.

  • Nangigisda sina Pedro at Andres sa Dagat ng Galilea nang sila ay tinawag ni

    Jesus upang maging kaniyang mga alagad.

  • Bago nakilala nila Pedro at Andres si Jesus, naging mga alagad sila ni Juan na

    Tagapagbautismo.


ang dagat, ang Malaking Dagat, ang kanlurang dagat

Sa Bibliya, ang "Malaking Dagat" o "kanlurang dagat" ay tumutukoy sa tinatawag ngayong Dagat "Mediteraneo," na pinakamalaking lupon ng tubig na alam ng mga tao sa mga panahon ng Bibliya.

  • Ang Malaking (Mediteraneo) Dagat ay may hangganang: Israel ( sa silangan), Europa (sa hilaga at kanluran), at Aprika (satimog).
  • Ang dagat na ito ay napakahalaga noong unang mga panahon para sa kalakal at paglalakbay yamang ito ay hangganan ng napakaraming mga bansa. Ang mga lungsod at pangkat ng mga taong matatagpuan sa baybayin ng dagat na ito ay napakasagana sapagkat madaling idaan ang mga kalakal mula sa ibang mga bansa sa pamamagitan ng bangka.
  • Yamang ang Malaking Dagat ay nasa kanlurang Israel, minsan ito ay tinutukoy na "kanlurang dagat."

Ang Dakilang Herodes

Mayroong ilang mga pinuno na may nagngangalang Herodes sa Bibliya. Ang Dakilang si Herodes ay isang hindi Judio na Hari ng Judea sa panahon na ipinanganak si Jesus.

  • Siya ay tanyag dahil sa mga gawaing inutos niyang na tapusin sa templo ng mga Judio sa Jerusalem.
  • Siya ay malupit at maraming tao ang ipinapatay. Nang marinig niya na may ipinanganak na isa pang hari ng mga Judio sa Bethlehem, ipinapatay niya ang lahat ng mga batang lalaki doon.
  • Ang kaniyang mga anak na lalaki, sina Herodes Antipas at Agripa at ang kaniyang kaapu-apohan na si Herodes Agrippa ay di nagtagal naging mga pinuno sa Judea. Ang kaniyang kaapu-apuhan na si Herodes Agripa II (tinawag na Haring Agripa) ay namuno rin sa buong Judea.

Antioquia

Ang Antioquia ay pangalan ng dalawang lungsod sa Bagong Tipan. Ang isa ay nasa Siria, malapit sa baybayin ng karagatan ng Meditereneo. Ang isa ay nasa Pisidia, malapit sa lungsod ng Colosas.

  • Ang lokal na iglesia sa Antioquia ng Siria at ang unang lugar kung saan ang mga mananampalataya kay Jesus ay tinawag na mga "Kristiyano." Ang iglesia doon ay aktibo sa pagpapadala ng mga misyonero upang maabot ang mga Gentil.
  • Sina Pablo, Bernabe at Juan Marcos ay naglakbay patungo sa Pisidia Antioquia upang ibahagi ang ebanghelyo. Ang ilan sa mga Judio mula sa ibang mga lungsod ay dumating doon upang magsimula ng kaguluhan at sinubukang patayin si Pablo. Ngunit maraming ibang tao, kapwa mga Judio at mga Gentil ang nakinig sa katuruan at naniwala kay Jesus

Apolos

Si Apolo ay isang Judio mula sa lungsod ng Alexandria sa Grecia na may natatanging kakayahan sa pagtuturo ng mga tao patungkol kay Jesus.

  • Si Apolos ay kilalang ganap na edukado sa Kasulatan ng Hebreo at isang likas na matalinong tagapag-salita.
  • Siya ay inutusan ng dalawang Kristiyano sa Efeso na nagngangalang Aquila at Priscilla.
  • Binigyang-diin ni Pablo na siya at si Apolos, katulad ng ibang mga taga-pangaral ng ebanghelyo at mga guro, ay gumagawa patungo sa iisang layunin ng pagtulong sa mga tao upang maniwala sila kay Jesus.

Aquila

Si Aquila ay isang Kristiyanong Judio mula sa lalawigan ng Pontus, isang pook mula sa baybaying timog ng Itim na Dagat.

  • Sina Aquila at Prisila ay nakatira sa Roma sa Italia, ngunit ang emperador ng Roma na si Claudio ay pinilit ang lahat ng mga Judio na lisanin o iwan ang Roma.
  • Matapos iyon sina Aquila at Prisila ay naglakbay patungo sa Corinto na kung saan ay nakilala nila ang Apostol na si Pablo.
  • Nagtrabaho sila bilang taga-gawa ng tolda kasama si Pablo, habang tinutulongan nila si Pablo sakaniyang gawaing pang misyon.
  • Itinuro nila Aquila at Prisila sa mga mananampalataya ang katotohanan patungkol kay Jesus; isa sa mga mananampalatayang iyon ay isang mahusay na guro na ang pangalan ay Apolos.

Araba

Ang salitang "Araba" sa Lumang Tipan ay madalas na tumutukoy sa isang napakalaking disyerto at kapatagan na kabilang ang lambak na pinapaligiran ang Ilog ng Jordan at umaabot sa timog hanggang sa hilagang dulo ng Dagat na Pula.

  • Naglakbay ang mga Israelita sa disyertong rehiyon na ito sa kanilang paglalakbay mula Egipto patungo sa lupain ng Canaan.
  • Ang "Dagat ng Araba" ay maaari din isalin na "dagat na matatagpuan sa ilang na lugar ng Araba." Ang dagat na ito ay madalas tinutukoy na "Dagat na Asin" o ang "Patay na Dagat."
  • Ang salitang "araba" ay maaari rin isang pangkalahatang salita na tumutukoy sa alin mang disyertong rehiyon.

Arabia, taga-Arabia

Ang Arabia ay isa sa pinaka-malaking peninsula o tangway sa mundo, umaabot ng halos 3,000,000 kilometrong parisukat. Ito ay matatagpuan sa timog-silangan ng Israel, at sa hangganan ng Dagat na Pula, ang Dagat ng Arabia, at ang Golpo ng Persia.

  • Ang salitang "taga-Arabia" ay ginagamit upang tumukoy sa isang tao na nakatira sa Arabia o sa isang bagay na may kaugnayan sa Arabia.
  • Ang mga sinaunang mga tao na nakatira sa Arabia ay mga apo ni Shem. Kasama sa mga sinaunang naninirahan sa Arabia ang anak na lalaki ni Abraham na si Ismael at kaniyang mga apo, katulad ng mga anak ni Esau.
  • Ang pook na ilang kung saan ang mga Israelita ay nagpalibut-libot ng 40 taon ay matatagpuan sa Arabia.
  • Pagkatapos maging isang mananampalataya kay Jesus, ang apostol Pablo ay nag-gugol ng ilang taon sa Bundok ng Sinai na matatagpuan sa disyerto ng Arabia.
  • Sa kaniyang liham sa mga Kristiyano sa Galacia, binanggit ni Pablo na ang Bundok Sinai ay matatagpuan sa Arabia.

Aram, mga Aramean, salitang Aramaic

Ang "Aram" ay ang pangalan ng dalawang lalaki sa Lumang Tipan. Ito rin ang pangalan ng isang rehiyon sa hilagang-silangan ng Canaan, kung saan matatagpuan ang Siria ngayon.

  • Ang mga taong naninirahan sa Aram ay kinikilala bilang "Aramea" at nagsasalita ng "Aramaic." Si Jesus at ang mga ibang Judio sa kaniyang panahon ay nagsasalita rin ng Aramaic.
  • Ang isa sa mga anak ni Shem ay nagngangalang Aram. Ang isa pang tao ang nagngangalang Aram ay pinsan ni Rebekah. Marahil ang rehiyon ng Aram ay naipangalan din sa isa sa dalawang lalaking ito.
  • Hindi nagtagal ang Aram ay nakikilala sa pangalang Griego na, "Siria."
  • Ang salitang "Paddan Aram" ay nangangahulugang "kapatagan ng Aram" at ito ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Aram.
  • Ang ilan sa mga kamag-anak ni Abraham ay nanirahan sa lungsod ng Haran na matatagpuan sa "Paddan Aram."
  • Sa Lumang Tipan, minsan ang salitang "Aram" at "Paddan Aram" ay ginagamit ng mas malawak upang tukuyin ang parehong rehiyon.
  • Ang salitang "Aram Naharaim" ay maaaring kahulugan ng "Ang Dalawang Ilog ng Aram." Ang rehiyong ito ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Mesopotamia at ang nasa silangan ng "Paddan Aram."

Ararat

Sa Bibliya, ang "Ararat" ay ang pangalan na ibinigay sa isang lupain, isang kaharian at isang bulubundukin.

  • Ang "lupain ng Ararat" ay marahil matatagpuan sa kung ano ngayon ang hilagang-silangang bahagi ng bansang Turkey.
  • Kilalang-kilala ang Ararat bilang ang pangalan ng mga bundok na kung saan huminto ang arko ni Noah pagkatapos magsimulang humupa ang tubig-baha.
  • Sa modernong mga panahon, ang isang bundok na tinawag na "Bundok Ararat" ay madalas naisip na naging kinaroroonan ng "mga bundok ng Ararat" sa Bibliya.

Artajerjes

Si Artajerjes ay isang hari na naghari sa imperyo ng Persia noong taong 464 -424 bago dumaing si Cristo.

  • Sa panahon ng paghahari ni Artajerjes, ang mga Israelita na mula sa Juda ay ipinatapon sa Babilonia na nasa ilalim ng pamamahala ng Persia sa panahong iyon.
  • Pinayagan ni Artajerjes ang paring si Ezra at ang ibang mga pinuno ng mga Judio na iwanan ang Babilonia at bumalik sa Jerusalem upang ituro sa mga Israelita ang Kautusan ng Diyos.
  • At sa paglipas ng panahon, pinayagan ni Artajerjes ang kaniyang tagapagdala ng kopa na si Nehemias na bumalik sa Jerusalem upang pangunahan ang mga Judio sa muling pagtatayo ng mga pader sa paligid ng lungsod.
  • Sapagkat ang Babilonia ay nasa ilalim ng pamumuno ng Persia, si Artajerjes ay tinawag minsan na "hari ng Babilonia."
  • Tandaan na si Artajerjes ay hindi kapareho tao ni Xerxes (Ahasuerus).

Asa

Si Asa ay isang hari na namahala sa kaharian ng Juda ng apatnapung taon, mula 913-873 bago ipinanganak si Cristo.

  • Si haring Asa ay isang mabuting hari na nagtanggal ng maraming rebulto ng mga diyus-diyosan at naging dahilan na ang mga Israelita ay magsimulang sumamba muli kay Yahweh.
  • Ginawang matagumpay ni Yahweh si Haring Asa sa kaniyang pakikipagdigma laban sa ibang mga bansa.
  • Sa katagalang panahon tumigil si haring Asa sa pagtitiwala kay Yahweh at siya ay nagkasakit na nagdulot ng kaniyang kamatayan.

Asaf

Si Asaf ay isang paring Levita at likas na magaling na musikero na siyang bumuo ng musika sa mga awit ni Haring David. Sumulat din siya ng kaniyang sariling mga Salmo.

  • Si Asaf ay hinirang ni Haring David na maging isa sa tatlong musikero na siyang may pananagutan sa pagbibigay ng mga awitin para sa pagsamba sa templo. Ilan sa mga awiting ito ay mga propesiya din.
  • Sinanay ni Asaf ang kaniyang mga anak na lalaki at kanilang tinaglay ang pananagutang ito, sa pagtugtog ng mga instrumentong pang musika at sa pagpapahayg ng mga propesiya sa templo.
  • Kabilang sa ilang mga instrumentong pangmusika ay ang mga plauta, harpa, trumpeta, at pompyang.
  • Sa mga Awit 50 at 73-83 ay gawa ni Asaf. At maaaring ang ilan sa mga awit ay isinulat ng ibang miyembro ng kaniyang pamilya.

Asdod, Azoto

Isa sa limang pinaka-mahalagang lungsod sa Filisteo ay ang Asdod. Ito ay matatagpuan sa timog-kanluran ng Canaan malapit sa Karagatan ng Mediteraneo, sa kalagitnaan at sa pagitan ng mga lungsod ng Gaza at Joppa.

  • Ang templo ng diyus-diyosan ng mga Pilistino na si Dagon ay matatagpuan sa Asdod.
  • Pinarusahan ng matindi ng Diyos ang mga tao sa Asdod nang nakawin ng mga Pilistino ang kaban ng tipan at inilagay sa templo ng mga pagano sa Asdod.
  • Ang pangalang Griyego ng lungsod na ito ay Azoto. Ito ay isa sa mga lungsod na kung saan ibinahagi ng mangangaral na si Felipe ang ebanghelyo.

Aser

Si Aser ay ang ika-walong anak ni Jacob. Ang kaniyang kaupuapuhan ay nabuong isa sa labindalawang angkan ng Israel na tinawag din na "Aser."

  • Ang ina ni Aser ay si Zilpa na tagapag-lingkod ni Lea.
  • Ang kaniyang pangalan ay may kahulugang "masaya", o "pinagpala."
  • Aser ay pangalan din ng teritoryo na itinalaga sa mga angkan ni Aser nang makapasok ang mga Israelita sa lupang ipinangako.

Asera, Mga poste ni Asera, Astarte

Ang Asera ay pangalan ng isang diyosa na sinasamba ng mga Cananeo sa panahon ng Lumang Tipan. Ang "Astarte" ay maaaring ibang pangalan para kay "Asera," o maari itong pangalan ng ibang diyosa na halos kapareho nito.

  • Ang salitang "mga poste ng Asera" ay tumutukoy sa isang inukit na imaheng kahoy o inukit na puno kung saan ginawa upang kumatawan sa diyosa.
  • Ang mga poste ng Asera ay kadalasang itinatayo malapit sa mga altar ng diyus-diyosan na si Baal, na iniisip ng mga tao na asawa ni Asera. Merong ilan sa pangkat ng mga tao na sinamba si Baal bilang diyos ng araw at si Asera o Astarte bilang diyosa ng buwan.
  • Iniutos ng Diyos sa mga Isaraelita na itapon ang lahat ng inukit na imahe ni Asera.
  • Ilan sa mga pinuno ng mga Israelita katulad ni Gideon, Haring Asa, at haring Josia ay sumunod sa Diyos at pinamunuan ang mga tao sa pagsira ng mga imaheng ito.
  • Ngunit ang ibang pinuno ng mga Israelita katulad ni Haring Solomon, Haring Manasse, at Haring Ahab ay hindi tinanggal ang mga poste ng Asera at inimpluwesiyahan ang mga tao upang sumamba sa mga diyus-diyosang ito.

Ashkelon

Sa kapanahunan ng Bibliya, si Ashkelon ay pangunahing Pilistinong lungsod na matatagpuan sa baybaying Karagatan ng Mediteraneo. Ito ay nananatili pa rin sa Israel ngayon.

  • Ang Ashkelon ay isa sa limang pinaka-mahalagang lungsod ng Pilistino, kabilang ang Asdod, Ekron, Gath, at Gaza.
  • Hindi ganap na nasakop ng mga Israelita ang mga tao sa Ashkelon, bagaman ang kaharian ng Juda ay ginamit ang munting bundok sa bayan.
  • Ang Ashkelon ay tinirahan ng mga Pilistino sa daan-daang taon.

Asiria, Taga-Asiria, Imperyo ng Asiria

Makapangyarihang bansa ang Asiria sa panahon na ang mga Israelita ay naninirahan sa lupain ng Canaan. Ang Imperyo ng Asiria ay mga pangkat ng mga bansa na pinamamahalaan ng hari ng Asiria.

  • Ang bansang Asiria ay matatagpuan sa rehiyon na ngayon ay ang hilagang bahagi ng Iraq.
  • Nakipaglaban ang mga taga-Asiria sa Israel sa magka-ibang panahon sa kanilang kasaysayan.
  • Sa taong 722 bago pa ipinanganak si Cristo, lubusang nag-api ng mga taga-Asiria ang kaharian ng Israel at marami sa mga Israelita ang sapilitang pinalipat sa Asiria.
  • Ang natirang mga Israelita ay nakipag-asawa sa mga dayuhan na dinala ng mga taga-Asiria tungo sa Israel galing sa Samaria. Ang kaapuapuhan ng mga taong iyon pagkalaon ay tinawag na mga Samaritano.

Assuero

Si Assuero ay isang hari na namahala sa buong sinaunang kaharian ng Persiya ng dalawampung taon.

  • Ito ay noong panahon ng ang mga itinapong Judio ay namumuhay sa Babilonia, kung saan sila ay nasa ilalim ng batas ng Persia.
  • Ang isa pang pangalan ng haring ito ay maaaring Xerxes.
  • Pagkatapos ipadala sa malayo ang kaniyang reyna sa pagsiklab ng galit, si Haring Assuero ay namili ng isang babaing Judio na nagngangalang Esther upang maging kaniyang bagong asawa at reyna.

Asya

Sa mga panahon sa Bibliya, ang "Asya" ay ang pangalan ng isang lalawigan sa Imperyo ng Roma. Ito ay matatagpuan sa kanlurang bahagi na kung saan ngayon ay ang bansa ng Turkey.

  • Si Pablo ay naglakbay sa Asia at ibinahagi ang ebanghelyo sa ilang lungsod doon. Kabilang sa mga ito ang mga lungsod ng Efeso at Colosas.
  • Upang maiwasan na hindi ito mapagkamalang Asya sa panahon ngayon, ito ay kinakailangan na isalin bilang, "ang sinaunang lalawigan sa Roma na tinawag na Asya" o "Lalawigan ng Asya."
  • Lahat ng mga simbahang binangit sa aklat na Pahayag ay sa lalawigan ng Roma sa Asya.

Atalia

Si Atalia ay masamang asawa ni Jehoram na hari ng Juda. Apong babae siya ng masamang hari na si Omri ng Israel.

  • Naging hari ang anak ni Atalia na si Ahazia pagkatapos na mamatay si Joram.
  • Nang mamatay ang kaniyang anak na si Ahazia, gumawa ng plano si Atalia na patayin ang lahat ng natirang pamilya ng hari.
  • Subalit si Joas na batang apo ni Atalia ay itinago ng kaniyang tiyahin at iniligtas mula sa pagliligpit. Pagkalaon siya ay naging hari ng Juda.

Azaria

Ang Azaria ay pangalan ng ilang mga lalaki sa Lumang Tipan.

  • Ang isang Azaria ay kilalang kilala dahil sa kaniyang pangalan na Abednego na hango sa Babilonia. Siya ay isa sa maraming mga Israelita mula sa Juda na binihag ng hukbong pandigma ni Nebucodonosor at dinala upang tumira sa Babilonia. Si Azaria at ang kaniyang mga kasamahang Israelita na si Hanania at Micael ay tumanggi na sumamba sa hari ng Babilonia, kaya sila ay ipinatapon sa nagliliyab na pugon bilang parusa. Subalit tinulungan sila ng Diyos at wala silang kahit ano mang pinsala.
  • Si Uzzia na hari ng Juda ay nakilala rin bilang "Azaria.".
  • Ang isa pang Azaria ay isang pinaka-punong pari sa Lumang Tipan.
  • Sa panahon ng propetang si Jeremias, isang taong nagngangalang Azaria ang maling naghimok sa mga Israelita upang sumuway sa Diyos sa pamamagitan ng pag-alis sa kanilang sariling bayan.

Baal

Ang ibig sabihin ng "Baal" ay "panginoon" o "amo" at pangalan ng pangunahing diyus-diyosan na sinasamba ng mga taga Canaan.

  • Mayroon ding lokal na mga diyus-diyosan na may "Baal" na kasama ng kanilang mga pangalan, tulad ng "Baal ng Peor." Minsan lahat ng mga diyus-diyosan na ito ay tinutukoy na "ang mga Baal."
  • May ilang mga tao na ang kanilang mga pangalan ay may kasamang salita na "Baal."
  • Kalakip sa pagsamba kay Baal ay ang masasamang gawain tulad ng pag-aalay ng mga bata at paggamit sa mga taong nagbebenta ng aliw.
  • Sa iba't ibang panahon sa kanilang kasaysayan, ang mga Israelita din ay napasama sa pagsasamba kay Baal, sumusunod sila sa mga paganong mga bansa sa palibot nila.
  • Sa panahon ng paghahari ni Haring Ahas, ang propeta ng Diyos na si Elias ay gumawa ng pagtutuos upang malaman ng mga tao na hindi totoo si Baal at na si Yahweh ang natatanging totoong Diyos. Ang kinahinatnan, ang mga propeta ni Baal ay pinagpapatay at ang mga tao ay nagsimulang sumamba uli kay Yahweh.

Baasa

Si Baasha ay isa sa mga masamang hari ng Israel, na humikayat sa mga Israelita na sumamba sa diyus-diyosan.

  • Si Baasa ay pangatlong hari ng Israel at naghari sa loob ng dalawamput-apat na taon, sa panahon na si Asa ang hari ng Juda.
  • Siya ay kumander ng hukbong pandigma na naging hari sa pamamagitan ng pagpatay sa dating hari na si Nadab.
  • Sa panahon ng paghahari ni Baasa ay maraming digmaan sa pagitan ng mga kaharian ng Israel at Juda, lalo na sa panahon ni haring Asa ng Juda.
  • Ang maraming kasalanan ni Baasa ay siyang dahilan kaya siya ay tinanggal ng Diyos sa kaniyang tungkulin sa pamamagitan ng kaniyang pagkamatay.

Babel

Ang Babel ay ang pangunahing lungsod sa rehiyon na tinatawag na Sinar sa katimogang bahagi ng Mesopotamia. Kinalaunan ang Sinar ay tinawag na Babilonia.

  • Ang lungsod ng Babel ay itinayo ng apo sa tuhod ni Ham, na si Nimrod, na namamahala sa rehiyon ng Sinar.
  • Ang mga tao sa Sinar ay naging mapagmataas at nagpasya na magtayo ng tore na may sapat na taas na aabot hanggang langit. Kinalaunan ito ay kinilala na "Tore ng Babel."
  • Dahil ang mga tao na nagtayo ng tore ay tumanggi na maghiwa-hiwalay ayon sa utos ng Diyos, nilito niya ang kanilang mga wika upung hindi na magkakaintindihan ang bawat isa. Dahil dito napilitan silang umalis upang mamuhay sa ibat-ibang panig ng daigdig.
  • Ang pinagmulang kahulugan ng salitang "Babel" ay "kalituhan," pinangalanan noong nilito ng Diyos ang wika ng mga tao.

Babilonia, taga Babilonia

Ang lungsod ng Babilonia ay ang kabisera ng sinaunang rehiyon ng Babilonia, na bahagi din ng Imperyo ng Babilonia.

  • Ang Babilonia ay matatagpuan sa tabi ng Ilog ng Eufrates, sa kaparehong rehiyon kung saan ang Tore ng Babel ay naitayo daang mga taon nakalipas.
  • Minsan ang salitang "Babilonia" ay tumutukoy sa kabuo-an ng Imperyo ng Babilonia. Halimbawa, ang "hari ng Babilonia" ay namuno sa buong Imperyo, hindi lang sa lungsod nito.
  • Ang mga taga Babilonia ay makapangyarihang pangkat ng mga tao na sumalakay sa kaharian ng Juda at pinanatiling bihag ang mga tao sa Babilonia sa loob ng pitumpung taon.
  • Isang bahagi ng rehiyong ito ay tinawag na "Caldea" at ang mga tao na naninirahan doon ay "mga Caldeo." Ang kinalabasan, ang salitang "Caldea" ay kadalasang ginamit upang tumukoy sa Babilonia. (Tingnan sa: https://read-dev.bibletranslationtools.org//u/WA-Catalog/tl_tm/translate.html#figs-synecdoche)
  • Sa Bagong Tipan, ang salitang "Babilonia" ay minsang ginamit bilang isang talinghaga upang tumukoy sa mga lugar, mga tao, mga pamantayan sa kaisipan na may kaugnayan sa pagsamba sa mga diyus-diyusan at iba pang makasalanang mga gawain.
  • Ang mga salitang "Dakilang Babilonia" o "Dakilang lungsod ng Babilonia" ay talinghaga na tumutukoy sa isang lungsod o bansa na malaki, mayaman, at makasalanan, tulad ng sinaunang lungsod ng Babilonia. (Tingnan sa: https://read-dev.bibletranslationtools.org//u/WA-Catalog/tl_tm/translate.html#figs-metaphor)

bahay ni David, sambahayan ni Dabid

Ang idiomang "bahay ni David" ay tumutukoy sa pamilya o mga inapo ni Haring David.

  • Ito ay maaaring isalin na, "ang mga inapo ni David."
  • Dahil nagmula si Jesus kay David, kabahagi siya sa "bahay ni David."
  • Minsan ang "bahay ni David" o "sambahayan ni David" ay tumutukoy sa mga tao sa pamilya ni David na nananatiling buhay.
  • Sa ibang pagkakataon ang salitang ito ay pangkalahatang tumutukoy sa lahat ng kaniyang mga inapo, kasama ang mga namatay na.
  • Tingnan din ang salita sa :En:obe:other:house.

Balaam

Si Balaam ay isang paganong propeta na inupahan ni Haring Balak upang sumpain ang Israel habang sila ay nagkakampo sa Ilog Jordan sa hilaga ng Moab, na naghahanda sa pagpasok sa lupa ng Canaan.

  • Si Balaam ay galing sa lungsod ng Petor na matatagpuan sa rehiyon na nakapalibot sa Ilog Eufrates, mga 400 milya mula sa lupain ng Moab.
  • Ang Midianitang hari na si Balak ay natakot sa lakas at dami ng mga Israelita, kaya inupahan niya si Balaam upang sumpain sila.
  • Habang si Balaam ay naglalakbay patungo sa Israel, isang anghel ng Diyos ang tumayo sa kaniyang landas upang ang asno ni Balaam ay huminto. Binigyan din ng Diyos ng kakayanan ang asno na magsalita kay Balaam.
  • Hindi pinayagan ng Diyos si Balaam na sumpain niya ang mga Israelita sa halip inutusan siyang sila ay pagpalain.
  • Gayon pa man, nagdala parin ng kasamaan si Balaam sa mga Israelita noong sila ay hinikayat niya na sumamba sa diyus-diyosan na si Baal-Peor.

Barabas

Si Barabas ay isang bilanggo sa Jerusalem sa panahon na si Jesus ay dinakip.

  • Si Barabas ay kriminal na nakagawa ng mga kasalanan ng pagpatay at paghihimagsik laban sa pamahalaan ng Roma.
  • Noong si Poncio Pilato ay nag-alok na palayain sinuman kina Barabas o si Jesus, pinili ng mga tao si Barabas.
  • Kaya hinayaan ni Pilato na makalaya si Barabas, ngunit nahatulan si Jesus na mamatay.

Barnabas

Si Barnabas ay isa sa mga unang Kristiyano na nabuhay sa panahon ng mga apostol.

  • Si Barnabas ay nagmula sa Israelitang tribu ni Levi at nagmula sa isla ng Cyprus.
  • Noong si Saulo (Pablo) ay naging Kristiano, hinimok ni Barnabas ang ibang mga mananampalataya na tanggapin siya bilang kapwa mananampalataya.
  • Si Barnabas at Pablo ay magkasamang naglakbay upang ipangaral ang mabuting balita tungkol kay Jesus sa iba't ibang lungsod.
  • Ang kaniyang pangalan ay Jose, ngunit tinawag siyang "Barnabas," na ang ibig sabihin ay "anak na nagpapalakas ng loob."

Bartolomeo

Si Bartolome ay isa sa labindalawang apostoles ni Jesus.

  • Katulad din ng ibang mga apostole, si Bartolome ay sinugo upang ipahayag ang ebanghelyo at gumawa ng mga milagro sa pangalan ni Jesus.
  • Siya din ay isa sa kanila na nakakita kay Jesus na bumalik sa langit.
  • Ilang linggo pagkatapos noon, kasama siya ng ibang mga apostole sa Jerusalem sa pentecostes nang ang Banal na Espiritu ay dumating sa kanila.

Baruk

Ang Baruk ay pangalan ng ilang mga lalaki sa Lumang Tipan.

  • Ang isang Baruk ay (anak ni Zabal) na nagtrabaho kasama ni Nehemias sa pag-ayos sa mga pader ng Jerusalem.
  • Sa panahon din ni Nehemias, may isa pang Baruk (anak ni Kolhose) na isa sa mga pinuno na nakatira sa Jerusalem pagkatapos na maitayo uli ang mga pader nito.
  • Isa pang Baruk ( na anak ni Neria) ay ang katuwang ng propetang si Jeremias, na tumulong sa kaniya sa ilang praktikal na mga gawain tulad ng pagsusulat sa mga mensahe na ibinigay ng Diyos kay Jeremias at basahin ito sa mga tao..

Bashan

Ang Bashan ay isang rehiyon ng silangang lupain ng Dagat ng Galilea. Sakop nito ang isang lugar na bahagi na ngayon ng Syria at ng Golan Heights.

  • Ang lunsod-kanlungan sa Lumang Tipan na tinawag na "Golan" ay matatagpuan sa rehiyon ng Bashan.
  • Ang Bashan ay napaka-yamang rehiyon na kilala dahil sa kaniyang mga puno ng ensina (encina) at sa pagpapastol ng mga hayop.
  • Itinatala ng Genesis 14 na ang Bashan ay ang lugar ng digmaan sa pagitan ng ilang mga hari at ng kanilang mga bansa.
  • Sa panahon ng paggala ng Israel sa ilang, pagkatapos nilang makatakas mula sa Egipto, inangkin nila ang bahagi ng rehiyon ng Bashan.
  • Pagkalipas ng maraming taon, kumuha si Haring Solomon ng mga kagamitan mula sa rehiyon na ito.

Batsheba

Si Batsheba ay asawa ni Urias na isang kawal sa hukbo ni Haring David. Pagkatapos ng kamatayan ni Urias, naging asawa siya ni David, at ina ni Solomon.

  • Nagkasala si David ng pangangalunya kasama si Batsheba habang siya ay kasal pa kay Urias.
  • Nang nagbuntis si Batsheba sa anak ni David, naging sanhi si David ng pagkamatay ni Urias sa labanan.
  • Pagkatapos, pinakasalan ni David si Batsheba at isinilang niya ang kanilang anak.
  • Pinarusahan ng Diyos si David sa kaniyang kasalanan sa pamamagitan ng pagiging sanhi sa kamatayan ng bata ng ilang mga araw pagkatapos niyang maipanganak.
  • Hindi nagtagal, nanganak si Bathsheba sa isa pang anak na lalaki, si Solomon, na lumaki upang maging hari pagkatapos ni David.

Beelzebul

Si Beelzebul ay isang pinuno ng mga demonyo at isa pang pangalan ni Satanas, o ng diyablo.

  • Ang Beelzebul ay ibinabaybay ding Beelzebub sa ilang mga salin (bersyon) ng Biblia.
  • Literal itong nangangahulugan na "panginoon ng mga langaw" na ang kahulugan ay, "pinuno ng mga demonyo."
  • Sapagkat ito ay pangalan, ito ay dapat isalin bilang isang pangalan.
  • Maaari rin itong isalin na "Beelzebul, ang diyablo" upang malinaw kung sino ang tinutukoy.

Beerseba

Sa panahon ng Lumang Tipan, ang Beerseba ay isang lungsod na matatagpuan mga 45 milya patimog-kanluran ng Jerusalem sa isang disyertong lugar na ngayon ay tinatawag na Negeb.

  • Ang disyertong nakapaligid sa Beerseba ay ang ilang na lugar kung saan gumala sina Hagar at Ishmael pagkatapos silang paalisin ni Abraham sa kaniyang mga tolda.
  • Ang pangalan ng lungsod na ito ay nangangahulugang "balon ng panunumpa." Naibigay ang pangalang ito nang sumumpa si Abraham na hindi parusahan ang mga tauhan ni Haring Abimelech dahil sa pagpapatigil sa pamamahala ng isa sa mga balon ni Abraham.

Benaias

Ang Benaias ay pangalan ng ilang mga lalaki sa Lumang Tipan.

  • Si Benaias na anak ni Joiada ay isa sa mga malalakas na tao ni David. Siya ay dalubhasang mandirigma at namahala sa mga guwardiya ni David.
  • Nang naging hari si Solomon, tinulungan siya ni Benaias upang pabagsakin ang kaniyang mga kalaban. Sa huli, siya ay naging kumander ng hukbo ng mga Israelita.
  • Kabilang ang tatlong Levita sa ibang mga lalaki sa Lumang Tipan na nagngangalang Benaias: isang pari, musikero, at isang kaapu-apuhan ni Asap.

Benjamin

Si Benjamin ay bunsong anak ni Jacob at ng kaniyang asawang si Raquel. Ang kaniyang pangalan ay nangangahulugang, "anak ng aking kanang kamay."

  • Siya at ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Jose lamang ang mga anak ni Raquel, na namatay pagkatapos maipanganak si Benjamin.
  • Ang kaapu-apuhan ni Benjamin ay naging isa sa mga labindalawang tribu ng Israel.
  • Si Haring Saul ay galing sa Israelitang tribu ni Benjamin.
  • Si apostol Pablo ay galing din sa tribu ni Benjamin.

Berea

Sa panahon ng Bagong Tipan, ang Berea (o Beroea) ay masaganang lungsod ng Griyego sa timog-silangan ng Masedonia, na mga 80 kilometros sa timog ng Tesalonica.

  • Sina Pablo at Silas ay tumakas sa lungsod ng Berea pagkatapos silang tulungan ng kanilang mga kapwa mananampalataya na makatakas mula sa mga Judiong naging sanhi ng kaguluhan sa kanila sa Tesalonica.
  • Nang narinig ng mga taong naninirahan sa Berea ang pangangaral ni Pablo, sinaliksik nila ang mga Kasulatan upang mapatunayan na ang kaniyang sinasabi sa kanila ay totoo.

Beth-semes

Ang Beth-semes ay pangalan ng lungsod sa Canaan na mga 30 kilometros sa kanluran ng Jerusalem.

  • Nabihag ng mga Israelita ang Beth-semes sa panahon ng pamumuno ni Josue.
  • Ang Beth-semes ay lungsod na ibinukod na lugar para sa tirahan ng mga Levitang mga pari.
  • Nang binabalik ng mga Filisteo ang kaban ng tipan sa Jerusalam, ang unang lungsod na kanilang hinintuan ay ang Beth-semes.

Bethania

Ang bayan ng Bethania ay matatagpuan sa ibaba ng silanganang libis ng Bundok ng mga Olibo, mga 2 milya sa silangan ng Jerusalem.

  • Ang Bethania ay malapit sa daanang matatagpuan sa pagitan ng Jerusalem at Jerico.
  • Madalas bumisita si Jesus sa Bethania kung saan nakatira ang kaniyang mga malapit na kaibigang sina Lazaro, Marta, at si Maria.
  • Ang Bethania ay bukod-tanging kilala bilang lugar kung saan binuhay ni Jesus si Lazaro mula sa mga patay.

Bethel

Ang Bethel ay lungsod na matatagpuan sa may hilaga ng Jerusalem sa lupain ng Canaan. Ito ay dating tinatawag na "Luz."

  • Pagkatapos matanggap ang pangako ng Diyos sa unang pagkakataon, si Abram (Abraham) ay nagtayo ng dambana sa Diyos malapit sa Bethel. Ang tunay na pangalan ng lungsod sa panahong iyon ay hindi pa Bethel, ngunit ito ay karaniwang tinatawag na "Bethel" kung saan mas kilala.
  • Nang tumatakas mula sa kaniyang kapatid na si Esau, namalagi si Jacob ng isang gabi malapit sa lungsod na ito at natulog sa lupa sa labas doon. Habang siya ay natutulog, siya ay nanaginip ng mga anghel na paakyat at pababa sa hagdanang patungong langit.
  • Ang lungsod na ito ay hindi pa tinatawag na "Bethel" hanggang sa matapos itong pangalanan ni Jacob. Upang malinaw ito, ang ilang mga salin ay maaaring isalin ito na "Luz (na hindi nagtagal tinawag na Bethel)" sa mga sipi na patungkol kay Abraham, gayun din nang unang dumating si Jacob doon (noong hindi pa niya pinalitan ang pangalan.)
  • Ang Bethel ay madalas na mabanggit sa Lumang Tipan at isang lugar na kung saan maraming mga mahahalagang pangyayari ang naganap.

Bethlehem, Efrata

Ang Bethlehem ay isang maliit na lungsod sa lupain ng Israel, malapit sa lungsod ng Jerusalem. Ito ay kilala rin bilang "Efrata," na marahil ay ang orihinal nitong pangalan.

  • Ang Bethlehem ay tinawag na "lungsod ni David," sapagkat naipanganak si Haring David doon.
  • Sinabi ng propetang si Mikas na ang Mesias ay magmumula sa "Betlhehem Efrata."
  • Sa pagtupad ng propesiya na iyon, naipanganak si Jesus sa Betlhehem, pagkatapos ng maraming taon.
  • Ang pangalang "Bethlehem" ay nangangahulugang "tahanan ng tinapay" o "tahanan ng pagkain."

Bethuel

Si Bethuel ay anak na lalaki ng kapatid ni Abharam na si Nahor.

  • Si Bethuel ay ang ama ni Rebeca at ng kaniyang kapatid na lalaki na si Laban.
  • Mayroon ding isang bayan na tinatawag na Bethuel, na maaaring matatagpuan sa timog ng Juda, hindi kalayuan mula sa bayan ng Beersheba.

Boaz

Si Boaz ay isang Israelitang lalaki na asawa ni Ruth, kalolololohan ni Haring David, at ninuno ni Jesu-Cristo.

  • Si Boaz ay namuhay sa panahon na may mga hukom sa Israel.
  • Siya ay kamag-anak ng isang Israelitang babae na nagngangalang Naomi na bumalik sa Israel pagkatapos mamatay ang kaniyang asawa at mga anak sa Moab.
  • "Tinubos" ni Boaz ang byudang manugang na babae ni Naomi na si Ruth sa pagpapakasal sa kaniya at pagbibigay sa kaniya ng kinabukasan kasama ang asawa at mga anak.
  • Siya ay pinakita bilang isang larawan kung paano tayo niligtas at tinubos ni Jesus mula sa kasalanan.

Bundok Hermon

Ang Bundok Hermon ay ang pangalan ng pinakamataas na bundok sa Israel.

  • Ito ay matatagpuan sa hilaga ng Dagat ng Galilea, sa pinakahilagang hangganan sa pagitan ng Israel at Syria.
  • Ang ibang mga pangalan na ibinigay sa Bundok Hermon ng ibang grupo ng tao ay "Bundok Sirion" at "Bundok Senir."
  • Ang Bundok Hermon ay mayroong tatlong pangunahing tuktok.

Bundok ng mga Olibo

Ang Bundok ng mga Olibo ay isang bundok o malaking burol na matatagpuan malapit sa silangang bahagi sa lungsod ng Jerusalem. Marahil pinangalanan ito dahil sa mga kakahuyan ng mga puno ng mga olibo na bumabalot dito.

  • Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo sa ilang pagkakataon upang manalangin at magpahinga.
  • Si Jesus ay dinakip sa Hardin ng Getsemni, na matatagpuan sa Bundok ng mga Olibo.
  • Ito ay maaari ring isalin na "Bundok ng Puno ng Olibo."

Caifas

Si Caifas ang punong pari ng Israel sa panahon ni Juan na Tagapagbautismo at ni Jesus.

  • Ginampanan ni Caifas ang pangunahing papel sa paglitis at paghatol kay Jesus.
  • Ang pinakapunong pari na si Anas at Caifas ay naroon sa paglilitis kina Pedro at Juan nang dakipin sila pagkatapos na pagalingin ang isang lalaking lumpo.
  • Si Caifas ang isa sa nagsabing na mas mabuting mamatay ang isang tao para sa buong bansa kaysa malipol ang buong bansa. Pinahintulutan siya ng Diyos na sabihin ito bilang isang pahayag tungkol sa kung paano mamamatay si Jesus upang iligtas ang kaniyang bayan.

Cain

Si Cain at ang kaniyang nakababatang kapatid na si Abel ay unang mga anak nina Adan at Eva na binanggit sa Bibliya.

  • Si Cain ay isang magsasaka ng mga pananim, samantalang si Abel ay isang pastol ng tupa.
  • Pinatay ni Cain ang kaniyang kapatid na si Abel sa silakbo ng pagka-inggit, dahil tinanggap ng Diyos ang handog ni Abel, ngunit hindi tinanggap ang handog ni Cain.
  • Bilang kaparusahan, pinalayas siya ng Diyos mula sa Eden at sinabi na ang lupa ay hindi na kailanman mamumunga ang mga pananim para sa kaniya.
  • Naglagay ang Diyos ng isang palatandaan sa noo ni Cain bilang isang tanda na pangangalagaan siya ng Diyos kung meron mang magtangkang pagpatay siya habang siya ay nagpapagala-gala.

Caldea, Caldean

Ang Caldea ay isang rehiyon sa dakong timog na bahagi ng Mesopotamia o Babilonia. Ang mga taong nabubuhay sa rehiyong ito ay tinatawag na mga Caldean.

  • Ang lungsod ng Ur kung saan galing si Abraham ay matatagpuan sa Caldea. Ito ay madalas tukuyin bilang "ang Ur ng mga Caldean."
  • Si Haring Nebucodonosor ay isa sa karaniwang Caldean na naging hari sa buong Babilonia.
  • Pagkatapos ng maraming taon, sa loob ng mga 600 bago ipinanganak si Cristo, ang katawagang "Caldean" ay naging "Babilonia."
  • Sa aklat ng Daniel, ang katawagan na "Caldean" ay tumutukoy din sa natatanging uri ng lalaki na mataas ang antas ng pinag-aralan at nag-aral ng mga bituin.

Caleb

Si Caleb ay isa sa labindalawang Israelita na espiya na isisniugo ni Moises upang saliksikin ang lupa sa Canaan.

  • Siya at si Joshua ang nagsabi sa mga tao na magtiwala sa Diyos na tutulungan sila na talunin ang mga Cananeo.
  • Sina Joshua at Caleb lamang ang mga lalaki sa kanilang angkan ang nakapasok sa Lupang Pangako ng Canaan.
  • Hiniling ni Caleb na ang lupain ng Hebron ay ibigay sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Alam niya na tutulungan siya ng Diyos na talunin ang mga taong naninirahan doon.

Cana

Ang Cana ay isang baryo o bayan sa lalawigan ng Galilea, na matatagpuan humigit-kumulang siyam na milya sa hilaga ng Nazaret.

  • Ang Cana ay ang bayang sinilangan ni Natanael, isa sa Labindalawa.
  • Dumalo si Jesus sa isang kasalan sa Cana at ginawa ang kaniyang unang himala doon nang gawin niyang alak ang tubig.
  • Minsa nang matapos iyon, bumalik si Jesus sa Cana at nakipagkita sa isang pinuno doon mula sa Capernaum nakiusap na pagalingin ang kaniyang anak na lalaki.

Canaan, Cananaeo, taga-Canaan

Si Canaan ay anak ni Ham, na isa sa mga anak ni Noe. Ang mga Cananeo ay mga kaapu-apuhan ni Canaan.

  • Ang salitang "Canaan" o "lupain ng Canaan" ay tumukoy din sa isang bahagi ng lupa sa pagitan ng Ilog Jordan at ng Dagat Mediteraneo. Umabot ito mula sa timog hanggang sa hangganan ng Egipto at hilaga mula sa hangganan ng Siria.
  • Ang lupaing ito ay tinitirhan ng mga Cananeo, gayon din ng ilang pangkat ng tao.
  • Ipinangako ng Diyos na ibibigay ang lupain ng Canaan kay Abraham at sa kaniyang mga kaapu-apuhan, na ang mga Israelita.

Capernaum

Ang Capernaum ay ang nayon na pinangingisdaan sa hilagang-kanlurang baybayin sa Dagat ng Galilea.

  • Si Jesus ay tumira sa Capernaum tuwing siya ay nagtuturo sa Galilea.
  • Ilan sa kaniyang mga alagad ay nagmula sa Capernaum.
  • Gumawa din si Jesus ng maraming mga himala sa lungsod na ito, kabilang ang isang patay na babae na muli niyang binuhay.
  • Ang Capernaum ay isa sa tatlong mga lungsod na sinaway ni Jesus ng hayagan dahil tinanggihan siya ng mga tao doon at hindi naniwala sa kaniyang mensahe. Binigyang niya sila ng babala na parurusahan sila ng Diyos dahil sa kawalan nila ng pananampalataya.

Carmelo, Bundok Carmelo

Ang "Bundok Carmelo" ay tumutukoy sa isang bundok na may malawak na pastulan na matatagpuan sa tabing baybayin ng Dagat Mediteranea sa hilagang Kapatagan ng Sharon. Ang pinakataas na tuktok nito ay 546 metro.

  • Mayroon ding isang bayan na ang tawag ay "Carmelo" na matatagpuan sa Judah, timog ng Dagat na Patay.
  • Ang mayamang si Nabal na nagmamay-ari ng mga lupa at ang kaniyang asawang si Abigail ay nakatira malapit sa bayan ng Carmelo kung saan si David at ang kaniyang mga tauhan ay tumulong upang bantayan ang mga mangugupit ng mga tupa ni Nabal.
  • Sa Bundok Carmelo, hinamon ni Elias ang mga propeta ni Baal sa isang paligsahan upang patunayan na si Yahweh ang tunay na nag-iisang Diyos.
  • Upang liwanagin ito na hindi lamang nag-iisang bundok ito, ang "Bundok Carmelo" ay maaariisinalin na, "bundok sa bulubundukin ng Carmelo" o " bulubundukin ng Carmelo".

Ceretheo

Ang mga Ceretheo ay isang pangkat ng mga tao na marahil ay kasapi ng mga taga Palestina. Isinulat din ito na "Keretheo."

  • Ang "Ceretheo at Peletheo" ay isang natatanging pangkat ng mga sundalo mula sa hukbo ni Haring David na bukod-tanging matapat sa kaniya bilang kaniyang mga tagabantay.
  • Si Benaiah na anak ni Jehoiada, na kabilang sa pangkat ng kapamahalaan ni David, ang pinuno ng mga Ceretheo at mga Peletheo.
  • Ang mga Ceretheo ay nanatiling kasama ni David nang siya ay kailangang tumakas sa Jerusalem dahil sa paghihimagsik ni Absalom.

Cesar

Ang salita na "Cesar" ay pangalan o titulo na ginagamit ng maraming mga pinuno sa Imperyo ng Roma. Sa Bibliya, tumutukoy ito sa tatlong iba't ibang mga pinuno ng Romano.

  • Ang unang pinunong Romano na pinangalanang Cesar ay si "Cesar Augusto," na namumuno sa mga panahong isinilang si Jesus.
  • Humigit kumulang tatlumpung taon ang nakalipas, nang panahong si Juan na Tagapabautismo ay nangangaral, si Tiberio Cesar ang pinuno ng Imperyo ng Roma.
  • Si Tiberio Cesar ang patuloy na namumuno sa Roma ng sabihin ni Jesus sa mga tao na magbayad kay Cesar kung ano ang nararapat sa kaniya at ibigay sa Diyos kung ano din ang nararapat.
  • Nang humiling si Pablo kay Cesar, ito ay tumutukoy sa Emperador Nero ng Roma, na may titulo ding "Cesar.
  • Kapag ang "Cesar" ay ginamit sa kaniyang sarili bilang titulo, maaari din itong isalin bilang: "ang Emperador" o "ang Pinuno ng Roma."
  • Sa mga pangalang katulad ng Cesar Augusto o Tiberio Cesar, ang "Cesar" ay maaaring baybayin sa paraan ng pagbaybay sa pambansang wika.

Cesarea, Cesarea ng Filipos

Ang Cesarea ay isang mahalagang lungsod sa baybayin ng Dagat Mediteraneo, humugit-kumulang 39 kilometro sa timog ng Bundok Carmelo. Ang Cesarea ng Filipos ay isang lungsod na matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi ng Israel, malapit sa Bundok Hermon.

  • Ang mga lungsod na ito ay ipinangalan para sa mga Cesar na namuno sa imperyo ng Roma.
  • Ang baybayin ng Cesarea na naging kabiserang lungsod ng lalawigan ng Roma sa Judea marahil sa panahon ng kapanganakan ni Jesus.
  • Ang apostol na si Pedro ang unang nangaral sa mga Gentil sa Cesarea
  • Naglayag si Pablo mula Cesarea hanggang sa Tarsus at dumaan din sa lungsod na ito ng dalawa beses sa kaniyang paglalakbay misiyon.
  • Naglakbay si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa rehiyong palibot sa Cesarea ng Filipos.

Chipre, Sayrus

Ang Chipre ay isang isla sa dagat Mediterraneo, na may 64 kilometro sa timog ng bansang tinatawag ngayon na Turkey.

  • Si Bernabe ay mula sa Chipre kaya marahil ang kaniyang pinsan na si Juan Marcos ay galing din doon.
  • Sina Pablo at Bernabe ay magkasamang nangaral sa isla ng Chipre sa simula ng kanilang unang paglalakbay para sa kanilang misyon. Dumating si Juan Marcos upang tulungan sila sa paglalakbay na iyon.
  • Hindi nagtagal, dumalaw muli sina Bernabe at Marcos sa Chipre.
  • Sa Lumang Tipan, ang ay binanggit bilang mayamang pinagkukunan ng mga puno ng sipres.

Cilicia

Ang Cilicia ay isang maliit na lalawigan ng mga Romano na matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Turkey ngayon sa makabagong panahon. Ito ay hangganan ng Dagat Aegean.

  • Si apostol Pablo ay mamamayan mula sa lungsod ng Tarsus na matatagpuan sa Cilicia.
  • Ginugol ni Pablo ang maraming taon sa Cilicia matapos niyang matagpuan si Jesus sa daan patungo sa Damasco.
  • Ilan sa mga Judio mula sa Cilicia ay kasama ng mga tumutol kay Esteban at nag-humikayat sa mga tao na batuhin siya hanggang sa mamatay.

Cirene

Ang Cirene ay isang lungsod ng Griyego sa hilagang baybayin ng Africa sa dagat Mediteraneo, sa timog ng islang Crete.

  • Sa panahon ng Bagong Tipan, ang mga Judio at mga Kristiyano ay nakatira sa Cirene.
  • Marahil ang Cirene ay pinakakilala sa Bibliya bilang tahanang lungsod ng lalaking nagngangalang Simon na bumuhat sa krus ni Jesus.

Ciro

Si Ciro ay isang hari ng Persia na nagtatag ng imperyo ng Persia ng halos 550 BC, sa pamamagitan ng pangmilitar na pananakop. Sa kasaysayan siya rin ay kilala bilang Ang Dakilang si Sayrus.

  • Sinakop ni Haring Ciro ang lungsod ng Babylonia, na naging daan sa pagpapalaya sa mga Israelita na ipinatapon doon.
  • Kilala si Ciro sa kaniyang mapagparayang uugali sa mga tao sa mga bansang kaniyang sinakop. Ang kaniyang kabutihan sa mga Judio ay naging daan sa muling pagpapatayo sa templo ng Jerusalem pagkatapos ng pagpapatapon.
  • Naghari si Ciro noong panahon na nabubuhay pa sina Daniel, Ezra, at Nehemias.

Colosas, mga taga-Colosas

Sa panahon ng Bagong Tipan, ang Colosas ay isang lungsod na matatagpuan sa lalawigan ng Phyrgia, isang lugar sa lupain na ngayon ay timog-kanlurang Turkey. Ang mga taga-Colosas ay ang mga taong naninirahan sa Colosas.

  • Matatagpuan halos 100 milya mula sa Dagat ng Mediterranean, ang Colosas ay nasa mahalagang daanan ng kalakalan sa pagitan ng lungsod ng Efeso at ng Ilog Euphrates.
  • Habang nasa bilangguan sa Roma, sumulat si Pablo ng isang liham sa "mga taga-Colosas" upang itama ang mga maling katuruan sa mga mananampalataya sa Colosas.
  • Nang isulat niya ang liham na ito, hindi nabisita ni Pablo ang iglesia sa Colosas, ngunit narinig niya ang tungkol sa mga mananampalataya doon mula sa kaniyang kamanggagawang si Epafras.
  • Marahil si Epafras ang Kristiyanong manggagawa na nagsimula ng iglesiya sa Colosas.
  • Ang aklat ng Filemon ay isang liham na isinulat ni Pablo para sa isanng nagmamay-ari ng alipin sa Colosas.

Corinto, mga taga-Corinto

Ang Corinto ay isang lungsod sa bayan ng Gresya, mga 50 milya sa kanluran ng Atenas. Ang mga taga-Corinto ay mga taong naninirahan sa Corinto.

  • Ang Corinto ang kinaroroonan ng isa sa mga naunang iglesya ng mga Kristiyano.
  • Ang mga aklat ng Bagong Tipan na 1 Corinto at 2 Corinto ay mga liham na isinulat ni Pablo para sa mga Kristiyanong naninirahan sa Corinto.
  • Sa una niyang paglalakbay pang-misyon, nanatili si Pablo sa Corinto nang halos 18 na buwan.
  • Nakilala ni Pablo ang mga mananampalatayang sina Aquila at Priscilla habang nasa Corinto.
  • Kasama sa ibang naunang mga pinuno ng iglesya na may kaugnayan sa Corinto sina Timoteo, Tito, Apolo, at Silas.

Cornelio

Isang Gentil si Cornelio, o taong hindi Judio na isang opisyal ng militar sa hukbong Romano.

  • Palagi siyang nananalangin sa Diyos at bukas-palad siyang nagbibigay sa mga mahihirap.
  • Nang marinig ni Cornelio at ng kaniyang pamilya na ipinaliwanag ni apostol Pedro ang ebanghelyo, naging mananampalataya sila kay Jesus.
  • Ang mga tao sa sambahayan ni Cornelio ang naging unang mga mananampalataya na hindi mga Judio.
  • Ipinapakita nito sa mga tagasunod ni Jesus na dumating siya upang iligtas ang lahat ng tao, kasama ang mga Gentil.

Dagat ng Asin, Patay na Dagat

Ang Dagat ng Asin (tinatawag ding Patay na Dagat) ay matatagpuan sa gitna ng katimugang Israel sa kanluran at Moab sa silangan.

  • Ang Ilog Jordan ay umaagos sa timog papunta sa Dagat ng Asin.
  • Dahil ito ay mas maliit kaysa sa karamihan ng mga dagat, maaari itong tawaging "Lawa ng Asin."
  • Ang dagat na ito ay may mataas na bilang ng mga mineral (o "mga asin") na nangangahulugang walang maaaring mabuhay sa tubig nito. Doon nanggaling ang pangalang "Patay na Dagat".
  • Sa Lumang Tipan, ang dagat na ito ay tinatawag ding "Dagat ng Araba" at ang "Dagat ng Negeb" dahil sa ito ay malapit sa lalawigan ng Araba at Negeb.

Dagat ng Galilea

Ang Dagat ng Galilea ay isang lawa sa silangang Israel. Ang tubig nito ay dumadaloy sa timog sa pamamagitan ng Ilog Jordan pababa sa Dagat na Patay.

  • Ang bayan ng Capernaum at Betsaida ay katabi ng Dagat ng Galilea.
  • Kabilang sa mga pangalan para sa Dagat ng Galilea ay: ang Dagat ng Tiberias, ang Dagat ng Cineret, at ang Lawa ng Genesaret.

Dagat ng mga Tambo

Ang "Dagat ng mga Tambo" ay matatagpuan sa pagitan ng Egipto at Arabia. Ito ngayon ay tinatawag na "Dagat na Pula."

  • Ang Dagat na Pula ay mahaba at makitid. Ito ay mas malaki kaysa sa lawa o ilog, ngunit mas maliit kaysa sa karagatan.
  • Ang mga Israelita ay kinailangang tumawid sa Dagat na Pula nang lumisan sila mula sa Egipto. Gumawa ng himala ang Diyos at nagdulot sa mga tubig ng dagat na mahati upang ang mga tao ay makapaglakad patawid sa tuyong lupa.
  • Ang lupa ng Canaan ay nasa hilaga nitong dagat.
  • Ito din ay maaring isalin bilang, "Tambong Dagat" o "dagat na puno ng mga tambo."

Damasco

Ang Damasco ay kabiserang lungsod ng bansang Siria. Ito ay nasa parehong lugar pa rin kung nasaan ito sa panahon ng Bibliya.

  • Ang Damasco ay isa sa mga pinakamatanda, patuloy na pinaninirahang mga lungsod sa mundo.
  • Noong kapanahunan ni Abraham, Damasco ang kabisera ng kaharian ng Aram (matatagpuan ngayon sa Siria).
  • Sa buong Lumang Tipan, mayroong maraming mga binangit sa pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga naninirahan sa Damasco at mga tao sa Israel.
  • May ilang mga propesiya sa bibliya ang nasabi tungkol sa pagkawasak ng Damasco. Ang mga propesiyang ito ay maaaring natupad nang sirain ng Assiria ang lungsod noong panahon ng Lumang Tipan, o maaari ring sa hinaharap ay maging ganap ang pagkawasak ng lungsod na ito.
  • Sa Bagong Tipan, ang Pariseo na si Saul (kalaunan ay kinilala bilang Pablo) ay nasa kaniyang daan upang dakipin ang mga Kristiyano sa lungsod ng Damasco nang harapin siya ni Jesus at naging dahilan upang siya ay maging isang mananampalataya.

Dan

Si Dan ang ikalimang anak ni Jacob at isa sa labindalawang lipi ng Israel. Ang rehiyon na kung saan nanirahan ang lipi ni Dan sa hilagang bahagi ng Canaan ay binigyan din ng pangalang ito.

  • Noong panahon ni Abram, mayroong isang lungsod na pinangalanang Dan na matatagpuan sa kanluran ng Jerusalem.
  • Lumipas ang maraming taon, noong panahong pumasok ang bansang Israel sa lupang pangako, ang iba pang lungsod na nagngangalang Dan ay matatagpuan sa halos 60 milya sa hilaga ng Jerusalem.
  • Ang mga Danita ay tumutukoy sa mga kaapu-apuhan ni Dan, na bahagi rin ng kaniyang angkan.

Daniel

Si Daniel ay isang propeta ng Israel na bilang isang binata ay naging bihag ng hari ng Babilonia na si Nebucudonosor humigit-kumulang 600 taon bago ipinanganak si Cristo.

  • Ito ay sa panahon na maraming ibang mga Israelita na nagmula sa Juda ang binihag sa Babilonia sa loob ng 70 taon.
  • Si Daniel ay binigyan ng Babilonia na pangalan na Belteshasar.
  • Si Daniel ay isang kagalang-galang at matuwid na binatang sumunod sa Diyos.
  • Binigyang kakayahan ng Diyos si Daniel na ipaliwanag ang ilang mga panaginip o mga pangitain para sa mga hari ng Babilonia.
  • Dahil sa kaniyang kakayahan at kagalang-galang na katangian, binigyan si Daniel ng mataas na katayuan ng pamumuno sa imperyo ng Babilonia.
  • Pagkalipas ng maraming taon, nilinlang ng mga kaaway ni Daniel si haring Dario ng Babilonia para sa paggawa ng batas na magbabawal sa pagsamba sa sinuman maliban sa hari. Nagpatuloy si Daniel sa pananalangin sa Diyos, kaya siya ay dinakip at ipinatapon sa kulungan ng mga leon. Ngunit sinagip siya ng Diyos at hindi siya nasaktan.

Dario

Dario ang pangalan ng ilang mga hari ng Persia. Maaaring ang "Dario" ay isang titulo at hindi isang pangalan.

  • Si "Dario na Mede" ang hari na nalinlang upang ipatapon si Daniel sa kulungan ng mga leon bilang kaparusahan sa pagsasamba sa Diyos.
  • Si "Dario na taga-Persia" ang tumulong sa pamamahala sa muling pagpapatayo ng templo sa Jerusalem sa panahon nina Ezra at Nehemias.

David

Si David ang pangalawang hari ng Israel na nagmahal at pinaglingkuran ang Diyos. Siya ang pangunahing manunulat sa libro ng mga Awit.

  • Nang bata pa lamang si David na nag-aalaga sa mga tupa ng kaniyang pamilya, pinili siya ng Diyos upang maging kasunod na hari ng Israel.
  • Si David ay naging mahusay na mandirigma at pinangunahan ang hukbo ng Israel sa mga digmaan laban sa kanilang mga kaaway. Kilalang-kilala ang pagtalo niya kay Goliat na isang Filisteo.
  • Sinubukan ni haring Saul na patayin si David ngunit iningatan siya ng Diyos at ginawa siyang hari pagkatapos mamatay si Saul.
  • Nakagawa si David ng malaking kasalanan ngunit nagsisi siya at pinatawad siya ng Diyos.
  • Si Jesus na Mesiyas, ay tinawag na "Anak ni David" dahil siya ay kaapu-apuhan ni Haring David.

Delilah

Si Delilah ay isang babaeng Filisteo na inibig ni Samson, ngunit hindi niya ito asawa.

  • Higit na inibig ni Delilah ang pera kaysa sa pag-ibig niya kay Samson.
  • Sinuhulan ng mga Filisteo si Delilah upang linlangin si Samson na sabihin sa kaniya kung papaano siya magiging mahina. Nang mawala ang kaniyang lakas, dinakip siya ng mga Filisteo.

Eden, hardin ng Eden

Sa mga sinaunang panahon, ang Eden ay ang rehiyon na may hardin kung saan nilagay ng Diyos ang unang lalaki at babae upang manirahan.

  • Ang hardin kung saan nanirahan sina Adan at Eva ay bahagi lamang ng Eden.
  • Hindi tiyak kung saan matatagpuan ang rehiyon ng Eden, ngunit ang mga ilog Tigris at Euphrates ay dumadaloy dito.
  • Ang salitang "Eden" ay nagmula sa salitang Hebreo na ang nangangahulugang "labis na magalak sa."

Edom, Idumeo

Ang Edom ay isa pang pangalan para kay Esau; ang mga Idumeo ay ang kaniyang mga angkan. Ang bansa ng Edom ay kilala rin bilang "Idumeo" o "Seir."

  • Ang Edom ay mabundok at matatagpuan sa timog at silangan ng Israel.
  • Ang salita na Edom ay nangangahulugang "pula", na maaaring tumukoy sa katotohanang si Esau ay nabalutan ng pulang buhok nang siya ay ipinanganak o ito ay maaaring tumukoy sa nilagang pulang patani na kapalit sa karapatan ni Esau bilang panganay.
  • Sa Lumang Tipan, ang bansang Edom ay madalas na nababanggit bilang kaaway ng Israel.
  • Ipinagkaloob ng Diyos sa mga propeta sa Lumang Tipan ang maraming mga hindi magandang propesiya laban sa Edom. Ang buong aklat ng Obadias ay tungkol sa pagkawasak ng Edom.

Efeso

Ang Efeso ay isang sinaunang Griyegong lungsod sa kanlurang bahagi na ngayon ay bansang Turkey.

  • Sa panahon ng mga naunang Kristiyano, ang Efeso ay kabisera ng Asia na ay isang maliit na probinsiya ng Roma sa panahong iyon.
  • Dahil sa lokasyon nito, ang lungsod na ito ay isang mahalagang sentro ng kalakalan at paglalakbay.
  • Ang isang kilalang paganong templo para sa pagsamba sa diyosang si Artemis (Diana) ay matatagpuan sa Efeso.
  • Namuhay si Pablo at nagtrabaho sa Efeso sa mahigit dalawang taon at kinalaunan, hinirang si Tito upang manguna sa mga bagong mananampalataya doon.
  • Ang aklat ng Efeso sa Bagong Tipan ay isang liham na isinulat ni Pablo sa mga mananampalataya sa Efeso.

Efraim

Si Efraim ay pangalawang anak na lalaki ni Jose. Ang kaniyang mga kaapu-apuhan na mga Efraimita ay nabuo na isa sa labing dalawang tribu ng Israel.


Egipto, taga-Egipto

Ang Egipto ay isang bansa sa hilagang-silangang bahagi ng Africa, sa timog at kanluran sa kalupaan ng Canaan.

  • Ang taga-Egipto ay isang taong ipinanganak sa Egipto at ang mga ninuno nila ay mula sa Egipto.
  • Sa mga sinaunang panahon, ang Egipto ay isang makapangyarihan at mayamang bansa.
  • Ang sinaunang Egipto ay nahati sa dalawang bahagi, mababang bahagi at mataas na bahagi. Ang "mababang bahagi ng Egipto" ay ang kinaroroonan ng Ilog Nilo na umaaagos pababa ng Dagat Mediteraneo.
  • Sina Jose at Maria ay bumaba sa Egipto kasama ang batang si Jesus upang tumakas kay Herodes.
  • May ilang ulit na kapag kakaunti ang pagkain sa Canaan, ang mga patriyarko ng Israel ay naglalakbay patungong Egipto upang bumili ng pagkain para sa kanilang mga pamilya.

Ekron

Ang Ekron ay ang pangunahing lungsod ng mga Filisteo na matatagpuan sa siyam na milya mula sa Dagat Mediteraneo.

  • Ang isang templo ng diyus-diyusan na si Beelzebub ay matatagpuan sa Ekron.
  • Minsan, inagaw ng mga Palestina ang kaban ng tipan at dinala ito sa Ekron.
  • Dahil dito, ang Diyos ang nagdulot ng sakit sa maraming tao na nasa lungsod ng Ekron at mamatay sila, kaya ipinadala ng mga Filisteo ang kaban ng tipan pabalik sa Israel.

Elam

Si Elam ay anak ni Sem at apo ni Noe.

  • Ang mga kaupu-apuhan ni Elam ay tinatawag na "taga-Elam" at sila ay naninirahan sa rehiyon na tinatawag ring "Elam."
  • Ang rehiyon ng Elam ay matatagpuan sa timog-silangan ng Ilog Tigris na ngayon ay kanluranin ng Iran.

Eleazar

Ang Eleazar ay pangalan ng ilang mga lalaki sa Bibliya.

  • Si Eleazar ay ang pangatlong anak ng kapatid ni Moises na si Aaron. Matapos mamatay si Aaron, si Eleazar ang naging punong pari sa Israel.
  • Ang Eleazar ay isa rin sa pangalan ng "malalakas na mga kalalakihan" ni David.
  • Ang isa pang Eleazar ay isa sa mga ninuno ni Jesus.

Eliakim

Ang Eliakim ay pangalan ng dalawang lalaki na nasa Lumang Tipan.

  • Ang isang pinangalanang Eliakim ay ang tagapamahala ng palasyo sa ilalim ng pamumuno ni Haring Hezekiah.
  • Ang isa pang lalaking pinangalanang Eliakim ay anak ni Haring Josias. Siya ay hinirang na hari ng Juda sa pamamagitan ng taga-Egiptong Paraon na si Necho.
  • Pinalitan ni Necho ang pangalan ni Eliakim na Jehoiakim.

Elias

Si Elias ay isa sa mga pinaka-mahalagang propeta ni Yahweh. Si Elias ay nakapagpropesiya sa panahon ng paghahari ng ilang mga hari sa Israel o Juda kabilang si Haring Ahab.

  • Maraming ginawang himala ang Diyos sa pamamagitan ni Elias kabilang ang pagbuhay sa batang lalaki mula sa kamatayan.
  • Sinaway ni Elias si Haring Ahab sa pagsamba sa diyus-diyusan na si Baal.
  • Hinamon niya ang ang mga propeta ni Baal sa isang pagsubok na nagpatunay na si Yahweh lamang ang tunay na Diyos.
  • Sa katapusan ng buhay ni Elias, kahima-himala siyang idinala ng Diyos sa langit habang siya ay buhay pa.
  • Daan-daang mga taon ang lumipas, si Elias, kasama ni Moises, ay nagpakita kay Jesus sa isang bundok at sila ay nag-usap tungkol sa nalalapit na paghihirap at kamatayan ni Jesus sa Jerusalem.

Elisabet

Si Elisabet ay ina ni Juan na Taga-pagbautismo. Ang pangalan ng kaniyang asawa ay Zacharias.

  • Si Zacharias at si Elisabet ay wala ng kakayahan upang magkaroon ng anak, ngunit sa kanilang katandaan, nangako ang Diyos kay Zacharias na magdadalang tao si Elisabet ng kaniyang anak na lalaki.
  • Tinupad ng Diyos ang kaniyang pangako, at hindi nagtagal si Zacharias at Elisabet ay nagka-anak, at nagsilang siya ng isang batang lalaki. Pinangalanan nila ang sanggol na Juan.
  • Si Elisabet ay kamag-anak din ni Maria na ina ni Jesus.

Eliseo

Si Eliseo ay isang propeta sa Israel sa panahon ng paghahari ng ilang mga hari ng Israel: sina Ahab, Ahaziah, Jehoram, Jehu, Jehoahaz, at Jehoash.

  • Sinabihan si propeta Elias ng Diyos na basbasan si Eliseo bilang propeta.
  • Nang si Elias ay dinala sa langit ng isang karwaheng apoy, si Eliseo ay naging propeta ng Diyos sa mga hari ng Israel.
  • Gumawa ng maraming mga himala si Eliseo, kabilang ang isang taong pinagaling mula sa Siria na mayroong ketong at binuhay mula sa patay ang isang anak ng babae mula sa Shunem.

En Gedi

Ang En Gedi ay ang pangalan ng isang lungsod sa ilang ng Juda sa timog-silangan ng Jerusalem.

  • Ang En Gedi ay matatagpuan sa kanluran ng dalampasigan ng Dagat Asin.
  • Bahagi ng pangalan nito ay nangangahulugang "pinagmumulan," na tumutukoy sa isang bukal ng tubig na umaagos mula sa lungsod hanggang sa dagat.
  • Ang En Gedi ay kilala na may magagandang ubasan at ibang matatabang lupa, marahil dahil sa patuloy na pagdilig sa pamamagitan ng pinagmumulan ng tubig.
  • May mga matitibay na tanggulan sa En Gedi kung saan tumakas si David nang siya ay hinabol ni Haring Saul.

Enoc

Ang Enoc ay ang pangalan ng dalawang tao sa Lumang Tipan.

  • Ang isang taong pinangalanang Enoc ay kaapu-apuhan ni Set. Siya ay ama ng lolo ni Noe.
  • Si Enoc ay nagkaroon ng malapit na kaugnayan sa Diyos at nang siya ay 365 na taon, dinala siya ng Diyos patungo sa langit na hindi namatay.
  • Ang isa pang tao na pinangalanang Enoc ay ang anak ni Cain.

Esau

Si Esau ay isa sa kambal na lalaking anak ni Isaac at Rebeka. Siya ang unang sanggol na ipinanganak. Ang kaniyang kambal na kapatid ay si Jacob.

  • Ibinenta ni Esau ang kaniyang karapatan bilang unang isinilang sa kaniyang kapatid na si Jacob kapalit ang isang mangkok na pagkain.
  • Dahil naunang ipinanganak si Esau, nararapat na bigyan sa kaniya ng kaniyang ama na si Isaac ang isang mahalagang basbas. Ngunit nilinlang ni Jacob si Isaac sa pagbibigay sa kaniya ng basbas na iyon. Sa una, si Esau ay labis na nagalit na nais niyang patayin si Jacob, ngunit hindi nagtagal pinatawa niya siya.
  • Si Esau ay nagkaroon ng maraming anak at mga apo, at ang mga kaapu-apuhan niya ay nabuo ang isang malaking grupo ng mga tao na maninirahan sa lupain ng Canaan.

Esteban

Si Esteban ay pinakanaaalalang unang Kristiyanong martir, iyon ay, ang unang taong pinatay dahil sa kaniyang pananampalataya kay Jesus. Ang mga impormasyon tungkol sa kaniyang buhay at pagkamatay ay naitala sa aklat ng mga Gawa.

  • Si Esteban ay napili sa unang Iglesia sa Jerusalem para maglingkod sa mga Kristiyano bilang isang dyakono para magbigay ng makakain para sa mga balo at iba pang mga Kristiyano na nangangailangan.
  • May mga Judio na inakusahan ng mali si Esteban na nagsasabi siya laban sa Diyos at laban sa Kautusan ni Moses.
  • Si Esteban ay hayag na sinabi ang katotohanan tungkol kay Jesus na Mesias, na simula sa kasaysayan ng pakikitungo ng Diyos sa Israel.
  • Ang mga pinunong Judio ay galit na galit at pinatay si Esteban sa pamamagitan ng pagbato sa kaniya hanggang sa mamatay sa labas ng lungsod.
  • Ang kaniyang kamatayan ay nasaksihan ni Saul ng Tarso na naging si apostol Pablo.
  • Si Esteban ay kilala rin sa kaniyang huling mga salita bago siya mamatay "Panginoon, pakiusap huwag mong ipataw ang kasalanan na ito laban sa kanila," kung saan nagpapakita ng kaniyang pag-ibig para sa iba.

Esther

Si Esther ay isang babaeng Judio na naging reyna sa kaharian ng Persian sa panahon ng pagkabihag ng mga Judio sa Babylonia.

  • Ang aklat ng Esther ay nagkukwento kung paano naging reyna si Esther hari ng Persia na si haring Ahasuerus at kung paano siya ginamit ng Diyos upang iligtas ang kaniyang bayan.
  • Si Esther ay isang ulila na pinalaki ng kaniyang maka-diyos na nakakatandang pinsan na si Mordecai.
  • Ang kaniyang pagiging masunurin sa kaniyang ama-amahan ang tumulong sa kaniya upang maging masunurin sa Diyos.
  • Sumunod si Esther sa Diyos at itinaya ang kaniyang buhay upang iligtas ang kaniyang kababayan na mga Judio.
  • Ang kuwento ni Esther ay naglalarawan sa makapangyarihang kakayahan ng Diyos sa lahat ng mga pangyayari sa kasaysayan, lalo na kung paano niya protektahan ang kaniyang bayan at kumilos sa mga sumusunod sa kaniya.

Etiopia, taga-Etiopia

Ang Ethiopia ay isang bansa sa Africa na matatagpuan sa timog ng Egipto, sa kanluran sa gilid ng ilog Nilo at sa silangan ng Dagat na Pula. Ang taong mula sa Etiopia ay tinawag na "taga-Etiopia."

  • Ang sinaunang Etiopia ay matatagpuan sa timog ng Egipto at kasama ang lupain na ngayon ay bahagi ng ilang kasalukuyang mga bansa ng Africa, tulad ng Sudan, makabagong Etiopia, Somalia, Kenya, Uganda, Sentro ng Republika ng Africa, at Chad.
  • Sa Biblia, ang Etiopia ay minsan tinawag na "Cush" o "Nubia."
  • Ang bansang Etiopia ('Cush') at ang Egipto ay madalas na magkasamang nababanggit sa Bibliya, marahil, dahil matatagpuan ang mga ito na kasunod sa isa't isa at ang kanilang mga tao ay maaaring mayroong iisang kanunu-nunuan.
  • Ipinadala ng Diyos si Felipe na nangangaral ng ebanghelyo sa disyerto kung saan ibinahagi niya ang mabuting balita tungkol kay Jesus kasama ang isang eunuko na taga-Etiopia.

Eufrates

Ang Eufrates ay ang pangalan ng isa sa apat na ilog na umaagos sa Hardin ng Eden. Ito ay ilog na madalas mabanggit sa Bibliya. Minsan ito ay tinatawag lamang na "ang ilog."

  • Ang makabagong panahon na ilog na tinawag na Eufrates ay matatagpuan sa Middle East at ito ang pinakamahaba at pinakamahalagang ilog sa Asya.
  • Kasama ang Ilog Tigris, ang Eufrates ay isang hangganan ng rehiyon ng lupaing kilala bilang Mesopotamia.
  • Ang sinaunang lungsod ng Ur kung saan nanggaling si Abraham ay nasa bukana ng Ilog Eufrates.
  • Ang ilog na ito ay isa sa hangganan ng lupain na ipinangako ng Diyos na ibibigay kay Abraham (Genesis 15:18).

Eva

Ito ay ang pangalan ng unang babae. Ang ibig sabihin ng kaniyang pangalan ay "buhay" o "nabubuhay."

  • Personal na ginawa ng Diyos si Eva mula sa tadyang na kinuha niya kay Adan.
  • Nilikha si Eva upang maging "katuwang" ni Adan. Dumating siya sa tabi ni Adan upang tulungan siya sa gawain na ibinigay ng Diyos sa kaniya upang gawin.
  • Si Eva ay tinukso ng ahas (Satanas) at unang nagkasala sa pamamagitan ng pag-kain sa prutas na sinabi ng Diyos na hindi dapat kainin.

Ezekiel

Si Ezekiel ay isang propeta ng Diyos sa panahon ng pagpapatapon ng maraming mga Judio na dinala sa Babilonia.

  • Si Ezekiel ay pari na namumuhay sa kaharian ng Juda nang siya at ang maraming iba pang mga Judio ay binihag ng mga sundalong taga-Babilonia.
  • Sa loob ng dalawampung taon, siya at ang kaniyang asawa ay nakatira sa Babilonia malapit sa ilog, at ang mga Judio ay pumupunta sa kaniya para sa propesiyang karunungan.
  • Higit sa lahat ng mga bagay, si Ezekiel ay nagpropesiya tungkol sa pagkawasak at pagpapanumbalik ng Jerusalem at ng templo.
  • Siya din ay nagpropesiya tungkol sa kaharian ng Mesiyas sa hinaharap.

Ezequias

Si Ezequias ay ika 13 na hari ng kaharian ng Judah. Siya ay isang hari na nagtitiwala at sumusunod sa Diyos.

  • Si Haring Ezequias ay iba sa nagtatag ng maka-diyos na pagbabago sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga sinasambang diyus-diyosan sa Juda.
  • Nang si Ezequias ay seryosong nanalangin, pinagaling siya ng Diyos sa kaniyang sakit at pinahintulutan pang mabuhay ng 15 pa na taon.
  • Bilang isang palatandaan kay Ezequias na ito ay mangyari, pinakilos ng Diyos pabalik ang araw sa sundial na isang uri ng orasan noong panahon ni Ezekias na naka kwadranteng pang-araw.

Ezra

Si Ezra ay Israelitang pari at dalubhasa sa kautusan ng mga Judio na nagtala ng kasaysayan ng pagbalik ng mga Israelita sa Jerusalem mula sa Babilonia kung saan naging bihag ang mga Israelita sa loob ng 70 taon.

  • Isinulat ni Ezra ang bahaging ito ng kasaysayan ng Israel, sa aklat ng Ezra sa Bibliya. Maaaring isinulat din niya ang aklat ng Nehemias, dahil ang dalawang aklat na ito ay orihinal na iisang libro.
  • Nang si Ezra ay bumalik sa Jerusalem, itinatag niyang muli ang Kautusan, dahil ang mga Israelita ay tumigil sa pagsunod sa mga batas ng Araw ng Pamamahinga at nakipag-asawa sa mga babaeng may paganong relihiyon.
  • Si Ezra ay tumulong sa muling pagpapatayo ng templo na winasak ng mga taga-Babilonia nang binihag nila ang Jerusalem.
  • May dalawa pang ibang mga lalaki na nagngangalang Ezra na nabanggit sa Lumang Tipan

Felipe, ang apostol

Si Felipe, na apostol, ay isa sa mga unang labindalawang alagad ni Jesus.

  • Si Felipe ay mula sa bayan ng Bethsaida; ipinakilala niya si Nathanael kay Jesus.
  • Minsan tinanong ni Jesus si Felipe kung paano magbigay ng pagkain para sa mahigit 5,000 na dami ng tao.
  • Sa huling hapunan ng Paskwa, si Jesus ay kumain kasama ang kaniyang mga alagad, nagsalita siya sa kanila tungkol sa Diyos na kaniyang Ama. Tinanong ni Felipe si Jesus na ipakita sa kanila ang Ama.
  • Ang ilang mga wika ay maaaring baybayin ang pangalang Felipe sa ibang paraan mula sa isa pang Felipe (ang ebanghilista) para makaiwas sa pagkalito.

Felipe, ang ebanghilista

Sa unang Kristianong iglesia sa Jerusalem, si Felipe ay isa sa pitong namumunong pinili upang mangalaga sa mga mahihirap at nangangailangan na mga Kristiano, lalong-lalo na sa mga babaeng balo.

  • Ginamit ng Diyos si Felipe upang magbahagi ng ebanghelyo sa mga tao sa maraming iba't-ibang mga bayan ng mga probinsya ng Judea at Galilea, kabilang ang lalaking taga Etyopya na natagpuan sa disyerto papuntang Gaza mula sa Jerusalem.
  • Lumipas ang mga tao, si Felipe ay nanirahan sa Cesarea nang si Pablo at ang kaniyang mga kasamahan ay nanatili sa kaniyang bahay sa kanilang pagbalik papuntang Jerusalem.
  • Karamihan sa mga taong dalubhasa sa Bibliya ay nagpapalagay na si Felipe na ebanghelista ay iba sa apostol ni Jesus na may ganoong pangalan. Ang ibang mga wika ay mas gustong gamitin ang magkaibang baybay sa pangalan ng dalawang lalaking ito upang maging malinaw na sila ay magkaibang tao.

Filipos

Ang Filipos ay isang lungsod na matatagpuan sa hilagang bahagi ng sinaunang Gresya.

  • Sina Pablo at Silas ay naglakbay papuntang Filipos upang mangaral tungkol kay Jesus sa mga tao doon.
  • Sina Pablo at Silas ay dinakip sa Filipos, ngunit himala silang pinalaya ng Diyos.
  • Sinulat ni Pablo ang liham sa mga taga Filipos sa Bibliya para sa mga Kristiyano sa Filipos.

Filisteo

Ang Filisteo ay mga grupo ng mga tao na naninirahan sa rehiyon na kilala sa Filistia sa gawi ng baybaying dagat ng Mediteraneo. Ang kanilang pangalan ay nangangahulugang "mga tao ng dagat."

  • Ang lungsod ng Asdod ay nasa hilagang bahagi ng Filistia, at ng lungsod ng Gaza ay nasa katimugang bahagi.
  • Ang mga Filisteo ay marahil mas nakilala ng maraming taon sa kanilang pakikidigma laban sa mga Israelita.
  • Si Haring David ay madalas nanguna sa mga digmaan laban sa mga Filisteo, kasama na ang panahon ng kaniyang kabataan noong kaniyang tinalo ang mandirigma ng Filisteo, na si Goliath.

Filistia

Ang Filistia ay ang pangalan ng malaking rehiyon sa lupain ng Canaan, matatagpuan ito sa baybayin ng dagat Mediteraneo.

  • Ang rehiyon ay matatagpuan sa gawi ng mayabong na baybaying patag na umaabot sa Joppa sa hilaga patungong Gaza sa timog. Ito ay mayroong 64 km ang haba at 16 km ang lapad.
  • Ang Filistia ay tinirhan ng mga "Filisteo" isang makapangyarihang grupo ng mga tao na laging kaaway ng mga Israelita.

Finehas

Ang Finehas ay ang pangalan ng dalawang lalaki sa Lumang Tipan.

  • Isa sa mga apo ni Aaron na lalaki ay ang paring nagngangalang Finehas, na mariing tumutol sa pagsamba ng mga hindi tunay na diyos sa Israel.
  • Iniligtas ni Finehas ang mga Israelita sa salot na pinadala ni Yahweh upang parusahan sila dahil sa pag-aasawa ng mga Midianitang babae at pagsamba sa hindi tunay na diyos.
  • May mga kaganapan na sumama si Finehas sa mga kawal ng Israelita upang sugpuin ang mga Midianita.
  • Ang isa pang Finehas na binanggit sa Lumang Tipan ay isa sa mga masamang anak na lalaki ni Eli na pari sa panahon ng propetang Samuel.
  • Si Finehas at ang kaniyang kapatid na si Hopni ay parehong napatay noong sinalakay ng mga Filisteo ang Israel at ninakaw ang Kaban ng Tipan.

Gabaa

Ang Gabaa ay pangalan ng isang lungsod na matatagpuan sa hilaga ng Jerusalem at timog ng Bethel.

  • Ang Gabaa ay nasa teritoryo ng angkan ni Benjamin.
  • Ito ay ang pook ng isang malaking labanan sa pagitan ng mga lipi ni Benjamin at Israel.

Gabaon, taga-Gabaon

Ang Gabaon ay isang lungsod at isang rehiyon sa lupain ng Canaan kung saan naninirahan ang mga taga-Gabaon.

  • Ang "taga-Gabaon" ay nangangahulugang "isang tao na mula sa rehiyon na tinatawag na Gabaon."
  • Narinig ng mga taga-Gabaon ang tungkol sa kung paanong winasak ng Israel ang Jerico, at sila ay natakot. Kaya ang mga taga-Gabaon ay lumapit sa mga pinuno ng Israel at nagkunwaring mga tao mula sa isang napakalayong bansa.
  • Gumawa ng isang kasunduan ang Israel kasama ang mga taga-Gabaon at hindi sila pinuksa.

Gabriel

Gabriel ang pangalan ng isa sa mga anghel ng Diyos.

  • Ipinadala ng Diyos si Gabriel upang sabihin ang napakahalagang mensahe sa propetang si Daniel, sa paring si Zacarias, at sa birheng si Maria.
  • Sa Lumang Tipan siya ay inilarawan na parang tao at may kakayahang lumipad.

Gad

Gad ang pangalan ng isa sa mga anak na lalaki ni Jacob o Israel. Ang pamilya ni Gad ay isa sa mga labindalawang tribu ng Israel.

  • Ang isa pang lalaki sa Bibliya na pinangalanang Gad ay isang propeta na pinagsabihan si Haring David tungkol sa kaniyang kasalanan na pagkuha ng sensus sa mga Israelita.
  • Mayroon ding "Lambak ng Gad" na nabanggit sa Bibliya.

Galaad

Ang Galaad ay ang pangalan ng isang bulubunduking rehiyon sa silangan ng ilog Jordan, kung saan ang tribo ng mga Israelita ng Gad, Ruben, at Manases ay naninirahan.

  • Ang "bansang burol ng Galaad" o "bundok ng Galaad" ay mga paraan na ang rehiyong ito ay tinukoy dahil sa maburol na kalikasan ng kalupaan nito.
  • Ang "Galaad" ay ang pangalan din ng ilang mga lalaki sa Lumang Tipan. Isa sa mga lalaking ito ay apo ni Manases.

Galacia

Sa panahon ng Bagong Tipan, ang Galacia ay Romanong probinsiya na matatagpuan sa sentrong bahagi ng bansa na kilala ngayon na bansa ng Turkey.

  • Sumulat si apostol Pablo ng liham sa mga Kristiyano na nakatira sa probinsiya ng Galacia. Ang liham na ito ay ang aklat ng Bagong Tipan na tinawag na Mga Taga-Galacia.
  • Ang mga Gentil na Kristiyano sa Galacia ay nahihikayat ng mga Judiong Kristiyano doon upang gawin ang ibang mga kautusan ng Judio.
  • Ang isang dahilan kung bakit sumulat ng liham si Pablo sa mga taga-Galacia ay upang muling bigyang-diin ang ebanghelyo ng kaligtasan na ito ay sa pamamagitan ng biyaya at hindi sa pamamagitan ng mga gawa.

Galilea, taga-Galilea

Ang Galilea ay ang pinakahilagang bahagi ng Israel, mas hilaga kaysa sa Samaria.

  • Ang silangan ng Galilea ay pinaliligiran ng isang malaking lawa na tinawag na "ang Dagat ng Galilea."
  • Si Jesus ay lumaki at nanirahan sa bayan ng Nazaret sa Galilea.
  • Ang isang taga-Galilea ay tao na naninirahan sa Galilea.

Gat

Ang Gat ay isa sa limang pangunahing lungsod ng mga Filisteo. Ito ay matatagpuan sa hilaga ng Ekron at silangan ng Asdod at Ashkelon.

  • Ang kampeon ng mga Filisteo, si Goliath, ay mula sa lungsod ng Gat.
  • Sa panahon ni Samuel, ninakaw ng mga Filisteo ang kaban ng tipan mula sa Israel at dinala ito sa kanilang paganong templo sa Asdod pagkatapos ay sa Gat. Ngunit pinarusahan ng Diyos ang mga tao sa mga lungsod na iyon ng mga sakit kung kaya't binalik nila itong muli sa Israel.
  • Nang tumatakas si David mula kay Haring Saul, nagtungo siya sa Gat at nanirahan doon ng sandaling panahon kasama ang kaniyang dalawang asawa.

Gaza

Sa panahon ng Bibliya, ang Gaza ay isang mahalagang lungsod ng mga Filisteo na matatagpuan sa dalampasigang bahagi ng dagat Mediteraneo, mga 77 kilometro timog-kanluran ng Jerusalem at 38 kilometro timog ng Ashdod.

  • Sa sinaunang panahon, ang Gaza ay nagsilbing daan pangmilitar at pangkalakalan sa pagitan ng Asia at Egipto.
  • Sa ngayon, ang lungsod ng Gaza ay nananatiling mahalagang daungan sa Gaza, na isang rehiyon ng kalupaan na matatagpuan sa dalampasigan ng Dagat Mediteraneo na pinaligiran ng Israel sa hilaga at silangan at ng Egipto sa timog.
  • Ang Gaza ay ang lungsod kung saan dinala ng mga Filisteo si Samson pagkatapos siyang huliin.
  • Si Felipe na tagapagturo ng ebanghelyo ay naglalakad sa disyertong daan papuntang Gaza noong makilala niya ang isang eunoko na taga-Ethiopia.

Gerar

Ang Gerar ay isang lungsod at rehiyon sa lupain ng Canaan na matatagpuan sa timog-kanluran ng Hebron at sa hilagang-kanluran ng Beer-seba.

  • Si Haring Abimelec ang pinuno ng Gerar nang sina Abraham at Sara ay doon nanirahan.
  • Ang mga Filisteo ang nangibabaw sa rehiyon ng Gerar sa panahon na ang mga Israelita ay naninirahan sa Canaan.

Gergeseo

Ang Gergeseo ay isang tribu sa lupain ng Canaan na binubuo ng mga kaapu-apuhan ng Canaan, na anak ni Noe na si Ham.

  • Ang Gergeseo ay nabanggit ng ilang ulit sa Lumang Tipan sa talaan ng mga kaapu-apuhan ni Noe at ng kaniyang tatlong mga anak na lalaki.
  • Ang Gergeseo ay isa sa ilang mga grupo ng tao na tinatawag na mga "Cananeo".

Gesur

Sa panahon ni Haring David, ang Gesur ay isang maliit na kaharian na matatagpuan sa silangan ng Dagat ng Galilea sa pagitan ng mga lungsod ng Israel at Aram.

  • Nakipagkasundo si David kay Gesur sa pamamagitan ng pagpapakasal kay Maaca na anak ng hari dito.
  • Si Maaca ay nagsilang ng isang batang lalaki para kay David na si Absalom.
  • Pagkatapos niyang patayin ang kaniyang kapatid sa ama na si Amnon, tumakas si Absalom patungong hilagang-silangan mula sa Jerusalem hanggang sa Gesur, na halos 88 milya ang layo.

Getsemani

Ang Getsemani ay isang hardin ng mga puno ng olibo sa silangan ng Jerusalem sa ibayo ng lambak ng Kidron at malapit sa Bundok ng mga Olibo.

  • Ang hardin ng Getsemani ay isang lugar kung saan pumupunta si Jesus at ang kaniyang mga tagasunod upang makapag-isa at mapag-pahinga na malayo mula sa maraming tao.
  • Ito ay kung saan naghinagpis sa panalangin si Jesus bago siya ipagkanulo ni Judas at doon ay dinakip.

Gideon

Si Gideon ay isang taong Israelita na inihanda ng Diyos upang iligtas ang Israel mula sa mga kaaway.

  • Namuhay si Gideon ng maraming taon sa panahon pagkatapos na lumipat ang mga Israelita sa Canaan, nang isang grupo ng mga tao na tinatawag na mga Midianita ay patuloy na sumasalakay sa kanila.
  • Si Gideon ay labis na natakot sa Midianita, ngunit ginamit siya ng Diyos upang pangunahan ang Israelita upang makipaglaban sa Midianita at talunin sila.

Gilgal

Ang salitang Gilgal ay isang bayan sa hilaga ng Jerico at ang unang lugar kung saan nagkampo ang mga Israelita pagkatapos tawirin ang Ilog Jordan upang pumasok sa Canaan.

  • Sa Gilgal, si Josue ay nagtayo ng labing dalawang mga bato na kinuha mula sa tuyong Ilog ng Jordan na kanilang tinawid.
  • Ang Gilgal ay ang lungsod kung saan si Elias at si Eliseo ay umalis sa kanilang pagtawid sa Jordan nang si Elias ay dinala sa langit.
  • Mayroon ding ilang mga lugar na tinawag na "Gilgal" sa Lumang Tipan.
  • Ang salitang "gilgal" ay nangangahulugang "bilog ng mga bato," marahil tumutukoy sa isang lugar kung saan ang pabilog na dambana ay itinayo. Ito ay kaugnay din sa salita para sa isang bagay na gumugulong.
  • Ang salita ay halos madalas tumutukoy sa mga salitang, "ang gilgal," kung saan maaaring ipinapahiwatig na ito ay pangkalahatang pagtukoy sa isang natatanging lugar, kaysa sa pangalan ng isang tiyak na lugar.

Golgota

Ang salitang "Golgota" ay pangalan ng lugar na kung saan ipinako si Jesus. Ito ay mula sa salitang Aramaic na nangangahulugang "Bungo" o "Lugar ng Bungo."

  • Ang Golgota ay matatagpuan sa labas ng mga pader ng lungsod ng Jerusalem, marahil sa isang bahaging Bundok ng mga Olibo.
  • Sa ilang lumang bersyon ng Biblia sa Ingles, ang Golgota ay naisalin bilang "Kalbaryo," kung saan galing sa salitang Latin para sa bungo.
  • Maraming bersyon ng Biblia ang gumagamit na katulad ng salitang "Golgota" yamang ang kahulugan nito ay naipaliwanag sa teksto ng Biblia. At saka tingnan ang dugtong sa ibaba hinggil sa paano naisalin ang mga pangalan sa Biblia.

https://read-dev.bibletranslationtools.org//u/WA-Catalog/tl_tm/translate.html#translate-names


Goliat

Si Goliath ay isang malaking sundalo sa hukbo ng mga Palestino na pinatay ni David gamit ang isang tirador at bato.

  • Si Goliat ay nasa dalawa at tatlong metro ang tangkad. Siya ay madalas tukuyin bilang isang higante dahil sa kaniyang kahanga-hangang laki.
  • Bagaman si Goliat ay may mas magandang sandata at mas malaki kaysa kay David, binigyan ng Diyos si David ng lakas at galing upang talunin si Goliat.
  • Naipahayag na matagumpay ang mga Israelita sa mga Palestino dahil sa kinalabasan ng katagumpayan ni David laban kay Golia.

Gomorra

Ang Gomorra ay isang lungsod na matatagpuan sa matabang lambak sa silangang rehiyon ng Babilonia.

  • Ang Gomorra ay halos laging nabanggit kasama ang lungsod ng Sodoma; Ang mga tao sa mga lungsod na ito ay may reputasyon sa pagiging masama.
  • Maraming mga hari na nagdigmaan sa rehiyon kung saan matatagpuan ang Sodoma at Gomorra.
  • Nang nabihag ang pamilya ni Lot sa hindi pagkakasundo sa pagitan ng Sodoma at ibang mga lungsod, sinagip sila ni Abraham at ng kaniyang kasamang mga lalaki.
  • Hindi nagtagal, ang Sodoma at Gomorra ay winasak ng Diyos dahil sa kasamaan ng mga taong naninirahan doon.

Gosen

Ang Gosen ay ang pangalan ng rehiyon ng lupa na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng bansang Egipto.

  • Nang si Jose ang namumuno sa Egipto, ang kaniyang ama at mga kapatid at ang kanilang mga pamilya ay pumunta upang manirahan sa Gosen para makatakas sa kagutuman sa Canaan.
  • Sila at kanilang mga kaapu-apuhan ay nanirahan sa Gosen mahigit sa 400 taon at pagkatapos napilitan magpaalipin sa Paraon ng Egipto.
  • Ito ay labas sa Goshen nang tulungan ni Moises ang mga tao ng Israel upang makatakas sa pagkakaalipin sa mga taga Egipto.

Grecia

Sa panahon ng Bagong Tipan, ang Grecia ay isang lalawigan sa Imperyo ng Roma.

  • Katulad ng makabagong bansa ng Grecia, ito ay matatagpuan sa isang peninsula na napapalibutan ng mga dagat ng Mediteraneo, Aegean, at lonia.
  • Maraming mga iglesia ang naitatag sa Grecia sa panahon ng unang siglo; kabilang dito ang mga iglesia na inumpisahan ni apostol na si Pablo sa lungsod ng Corinth, Tesalonica, at Filipos.
  • Ang mga tao na mula sa Grecia ay tinawag na Griego. Mayroon ding maraming mga tao na mula sa ibang lalawigan ng Roma na nagsasalita ng Griego, kasama ang ilang mga Judio.

Griego, Taga-Gresya, Hellenistic

Sa mga panahon ng Bagong Tipan, ang wikang Griyego ang wikang ginagamit sa Grecia at sa buong Imperyo ng Roma; ang orihinal na mga teksto ng Bagong Tipan ay isinulat sa Griyego.

  • Ang salitang "Griego" ay ginamit din minsan sa Bibliya na tumukoy sa pangkalahatang tao na hindi Judio. Ito ay dahil sa panahong iyon, karamihan sa mga taong hindi Judio sa Imperyong Romano ay nagsasalita ng Griyego, kahit na sila ay may magkaibang nasyonalidad. Ang halimbawa nito ay ang taga Syro-Feniciang babae sa Marcos 7.
  • Kapag ginamit sa pamamaraang ito, para sa isang tao na hindi Judio, ang ibang mga pamamaraan upang isalin ang "Griego" ay maaaring, "Gentil" o "hindi Judio."
  • Ang isang "taga- Grecia" na Judio ay isang nagsasalita ng Griyego at lumaki sa kulturang Griyego. Gumamit ang ilang Ingles bersyon ng salitang "Hellenistic" sa halip ng Griyego, ito ay pagsasatitik ng salitang Griego. [TA: transliteration] Ito ay taliwas sa mga "maka-Judio" na mga Judio, na nagsasalita lamang ng wikang Hebreo.

Habakkuk

Si Habakkuk ay isang propeta sa Lumang Tipan na marahil ay nabuhay sa panahon ng paghahari ni Haring Jehoiakim ng Juda.

  • Ang propetang ito ang sumulat sa aklat ng Habakkuk bago masakop ang Jerusalem ng mga taga-Babilonia sa loob ng mga 600 taon bago ipinanganak si Cristo.
  • Karamihang hinulaan ni Habakkuk ang tungkol sa mga Caldeo (taga-Babilonia) at ito ang naging kasabayan ng propetang si Jeremias.
  • Ang isa sa pinaka-mainpluwensyang salalaysay ni Habakkuk ay: " ang matuwid na tao ay mamumuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya."

Hagai

Si Haggai ay isang propeta ng Juda sa panahon nang ang mga Judio ay nakabalik mula sa Israel pagkapatapos ng pagkakabihag ng mga taga-Babilonia.

  • Sa panahong iyon nang si Hagai ay nagpapahayag ng propesiya, si Haring Uzias ang naghahari sa buong Juda.
  • Pinayuhan ni Hagai ang mga Judio na muling umpisahan na itayo ang templo.
  • Ang aklat ng Hagai ay nasa bahagi ng Lumang Tipan na tinawag na mga hindi pangunahing propeta.

Hagar

Si Hagar ay sariling alipin ni Sarai.

  • Si Sarai na, hindi nagtagal ay pinangalanang Sara, ay ibinigay si Hagar sa kaniyang asawang na si Abram, bilang isang asawang alipin.
  • Nais ni Sarai na magkaanak si Hagar para sa kaniya at kay Abram.
  • Nagsilang si Hagar ng lalaking anak ni Abram na si Ismael.

Ham

Si Ham ay pangalawang anak ni Noe sa kaniyang tatlong mga anak na lalaki na nabanggit sa Lumang Tipan.

  • Sa panahon ng pangdaig-digang baha na bumalot sa buong mundo, si Ham at ang kaniyang mga kapatid na lalaki ay kasama ni Noe sa arka, kasama ang kanilang mga asawa.
  • Pagkatapos ng baha, may isang pagkakataon na kung saan si Ham ay labis na lumapastangan sa kaniyang ama na si Noe. Bilang bunga, isinumpa ni Noe ang anak ni Ham na si Canaan at ang lahat ng kaniyang mga kaapu-apuhan na sa huli ay kinilala bilang mga taga-Cananan.

Hamat, Lebo Hamat

Ang Hamat ay isang mahalagang lungsod sa hilagang Siria, sa hilaga ng lupain ng Canaan. Ang makabagong panahong pangalan ng lungsod ay Hamah.

  • Ang pangalang "Lebo Hamat" ay maaaring tumutukoy sa isang daanan sa bundok na malapit sa lungsod ng Hamat.
  • Isinalin sa ibang bersiyon ang "Lebo Hamat" na "pasukan sa Hamat"
  • Ang mga "Hamateo" ay nagmula sa anak ni Noe na si Ham at sa kaniyang apong lalaki na si Canaan.
  • Tinalo ni Haring David ang mga kaaway ni Haring Tou na taga-Hamat, na naging dahilan ng kanilang magagandang samahan.
  • Ang Hamat ay isa sa mga tinuturi na bodega ni Solomon sa mga lungsod kung saan nakatago ang mga pangangailangan nila.
  • Ang lupain ng Hamat ay kung saan napatay ni haring Nebucadnezar si Haring Zedekias at kung saan nahuli si Haring Jehoahaz ng Paraon ng Egipto.

Hamor

Si Hamor ay isang hindi Judio na kapit-bahay ni Jacob.

  • Pagkatapos bumalik ni Jacob sa kaniyang kinalakihang lupain kasama ang kaniyang asawa't mga anak, bumili siya ng isang pampamiliyang libingan mula sa mga anak na lalaki ni Hamor.
  • Ginahasa ni Shechem na anak ni Hamor si Dina na anak na babae ni Jacob; naghiganti ang kaniyang mga kapatid na lalaki kay Hamor at sa kaniyang pamilya.

Hananias

Sa aklat ni Daniel, si Hananias ay isang kabataang Hebreo na marunong na dinala sa Babilonia sa panahon ng pagkabihag. Siya ay mas kilala sa pangalang Shadrach. Binigyan si Hananias ng katungkulan ng mga taga Babilonia bilang isang maharlikang lingkod dahil sa kaniyang napakahusay na pag-uugali at mga kakayahang ibinigay ng Diyos.

  • Si Hananias ay pinangalanan Sadrach ng hari ng Babilonia.
  • Kasama ng mga kasamahan niyang Judio , si Shadrach ay itinapon sa apoy sa loob ng isang pugon dahil tumangi silang sumamba sa hari. Ipinakita ng Diyos ang kaniyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagprotekta sa kanila na hindi masaktan.
  • Mayroong nga mas hindi kilalang mga kalalakihan na nagngangalang Hananias sa ibat't ibang nakasulat sa Lumang Tipan.
  • May isang lalaking nagngangalang Hananias na isang bulaang propeta sa panahon ni propetang Jeremias.

Haran

Si Haran ay nakakabatang kapatid ni Abraham na ang ama ni Lot.

  • Ang Haran ay pangalan din ng bayan na kung saan ay pansamantalang nanirahan si Abraham at ang kaniyang pamilya sa kanilang paglalakbay mula sa lungsod ng Ur patungo sa lupain ng Canaan.

Hebron

  • Ang Hebron ay isang lungsod na matatagpuan sa mataas, at mabatong mga burol na may 20 milya sa timog ng Jerusalem.
  • Ang lungsod ay naitayo noong 2,000 taon bago ipinanganak si Cristo sa panahon ni Abram. Ito ay nabanggit ng maraming beses sa makasaysayang salaysay na binigay sa Lumang Tipan.
  • Ang Hebron ay may napaka-halagang ginampanan sa buhay ni Haring David. Ang ilan sa kaniyang mga anak, kasama na si Absalom, ay ipinanganak doon.
  • Ang lungsod ay nawasak sa pamamagitan ng mga Romano noong 70 na taon pagkatapos na ipinanganak si Cristo.

Herodes Antipas

Si Herodes Antipas ay ang pinunong Romano ng Judea noong panahon ni Jesus. Siya ay minsang tinukoy bilang "Haring Herodes" bagaman hindi siya tunay na hari.

  • Mayroong ilang mga tao na nagngangalang "Herodes" sa Bibliya. Ang Dakilang Haring Herodes ay ama ni Herodes Antipas. Siguraduhing malinaw sa pagsasalin na ang dalawang Herodes na ito ay magkaibang mga tao.
  • Si Herodes Antipas ay namahala sa ika-apat na bahagi ng Imperyo ng Roma, kaya siya tinawag na Herodes na Tetrarka."
  • Si Antipas ang Herodes na nagbigay ng utos para patayin si Juan na tagapagbautismo sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo.
  • Siya rin ang Herodes na nagtanong kay Jesus bago siya pinako sa krus.

Herodias

Si Herodias ay asawa ni Haring Herodes (Antipas) sa Judea sa panahon ni Juan na Tagapagbautismo.

  • Si Herodias ay orihinal na asawa ni Herodes Filipe na kapatid ni Herodes, ngunit sa halip, ay kinasal kay Herodes na hindi naaayon sa batas.
  • Pinagsabihan ni Juan tagapagbautismo sina Herodes at Herodias sa kanilang pagsasama na di naaayon sa batas ng pag-aasawa. Dahil dito, pinakulong ni Herodes si Juan at sa huli ay pinapugutan niya ito ng ulo.

Heteo

Ang mga Heteo ay mga kaapu-apuhan ni Ham sa kaniyang anak na si Canaan. Sila ay naging isang malaking imperyo na matatagpuan sa lugar na ngayon ay Turkey at hilagang Palestina.

  • Ang mga Heteo ay madalas na banta sa mga Israelita, sa parehong pisikal at espiritwal na kalagayan.
  • Bumili si Abraham ng kapirasong lupa mula kay Efron na Heteo upang mapaglibingan niya sa kaniyang namatay na asawang si Sara sa kweba na naroon. Kinalaunan si Abraham at ilan sa kaniyang mga kaapu-apuhan ay nailibing din sa kwebang iyon.
  • Nagdalamhati ang mga magulang ni Esau nang magpakasal siya sa dalawang babaeng Heteo.
  • Ang isa sa mga magigiting na tauhan ni David ay nagngangalang Uria na Heteo.
  • Ang ilan sa mga dayuhang babae na nasa harem sa tahanan ni Solomon ay mga Heteo. Ang mga babaeng ito ang nagpalayo sa puso ni Solomon mula sa Diyos dahil sa mga diyus-diyosan na kanilang sinamba.

.


Hilcias

Hilcias ay ang pangalan ng pinakapunong pari noong panahon ng paghahari ni Haring Josias.

  • Nang ang templo ay ipinapaayos, natagpuan ni Hilcias na pinakapunong pari ang aklat ng kautusan at iniutos na dalhin ito kay Haring Josias.
  • Pagkatapos basahin ang aklat ng Kautusan sa kaniya, nalungkot si Josias at ito ang naging dahilan upang ang mga tao sa Juda ay muling nagpuri at sumunod sa kaniyang mga kautusan.
  • May isa pang lalaking nagngangalang Hilcias na anak ni Eliacim at nagtatrabaho sa palasyo nang panaghon ni Haring Ezechias

Hivita

Ang mga Hivita ay isa sa pitong pangunahing pangkat ng mga lahi ng mga tao na namumuhay sa lupain ng Canaan nang pinamunuan ni Josue ang mga Israelita upang sakupin ang lupain.

  • Ang mga Hivita ay mga inapo mula sa anak ni Noe na si Ham.
  • Ang mga Israelita ay nalinlang sa isang kasunduan sa mga Hivita sa halip na sakupin sila.
  • Ang babaeng anak ni Jacob na si Dina ay ginahasa ni Sichem na Hivita, at ang kaniyang mga kapatid na lalaki ay pumatay ng maraming mga Hivita sa paghihiganti.

Horeb

Ang Bundok ng Horeb ay isa pang pangalan ng Bundok ng Sinai, kung saan ibinigay ng Diyos kay Moises ang mga tapyas ng bato na may sampung utos.

  • Ang Horeb ay ang lugar kung saan nakita ni Moises ang mababang punong kahoy na may nagniningas na apoy nang siya ay nagbabantay ng tupa.
  • Ito rin ang lugar na kung saan sinabi ng Diyos kay Moises na hampasin ang bato upang lumabas ang tubig para sa nauuhaw na mga Isrelita habang sila ay naglalakad sa disyerto ng paikot-ikot.
  • Hindi alam ang tamang kinaroroonan ng Bundok na ito, ngunit ito ay maaaring nasa katimugang bahagi ng Peninsula ng Sinai .
  • Ang inaakala ng ilang mga dalubhasa na ang "Horeb" ay ang tunay na pangalan ng bundok at ang "Bundok Sinai" o "bundok ng Sinai" ay tumukoy sa kinaroroonan nito sa disyerto ng Sinai.

Hosea

Si Hosea ay ang hari ng Israel sa loob ng siyam na taon kabilang sa paghahari ni Ahaz at Ezechias, na mga hari ng Judah.

  • May isa pang lalaking nagngangalang Hosea na anak ni Nun na mula sa tribo ni Efraim.
  • Pinalitan ni Moises ang pangalan ni Hosea sa Josue bago siya ipinadala kasama ang labingisang lalaki upang magmasid sa lupain ng mga taga-Cananeo.
  • Pagkatapos mamatay si Moises, pinangunahan ni Josue ang mga tao ng Israel upang sakupin ang lupain ng Canaan.

Hoseas

Isang propeta ng Israel si Hoseas ng halos 750 na taon nakaraan bago ang panahon ni Cristo.

  • Ang kaniyang ministeryo ay nagtagal ng maraming taon sa pamamagitan ng paghahari ng ilang mga hari ng Israel at Judah na gaya nila Jeroboam, Zecharias, Uzzia, Jotham, at Hezekia.
  • Sinabi ng Diyos kay Hoseas na pakasalan ang isang nagbebenta ng aliw na nagngangalang Gomer at patuloy na mamahalin siya, kahit na hindi siya matapat sa kaniya.
  • Ito ay ang isang larawan ng pag-ibig ng Diyos para sa hindi matapat niyang mga tao na ang Israel.
  • Nagpropesiya si Hoseas laban sa mga tao ng Israel, binalaan sila na lumayo mula sa pagsamba sa mga diyus-diyosan.

Iconio

Ang Iconio ay isang lungsod sa timog sentral sa Asia Minor (ngayon ay ang bansa ng Turkey).

  • Ang Iconio ay matatagpuan kung saan matatagpuan ang modernong lungsod ng Konya ngayon.
  • Nang paalisin ng mga Judio sina Pablo at Bernabe mula sa rehiyon ng Antioquia pagkatapos ng kanilang matagumpay na ministeryo sa mga Gentil sa Antioquia sa unang paglalakbay nila bilang misyonaryo, pumunta sila sa Iconio.
  • Ang mga hindi naniniwalang mga Judio at Gentil sa Iconio ay nagbabalak na batuhin si Pablo at ang kaniyang mga kapwa manggagawa, ngunit nakatakas sila sa kalapit na lungsod ng Listra. Pagkatapos, pumunta rin ang mga tao mula sa Iconio at Antioquia sa Listra upang kumbinsihin ang mga tao roon na batuhin si Pablo.

Ilog Jordan

Ang Ilog Jordan ay isang ilog na dumadaloy mula hilaga hanggang timog, at binubuo ang silangang hangganan ng lupain na tinawag na Canaan.

  • Ngayon, ang Ilog Jordan ang naghihiwalay sa Israel sa kanluran at Jordan sa silangan.
  • Dumadaloy ang Ilog Jordan mula sa Dagat ng Galilea at umaabot hanggang sa Patay na Dagat.
  • Noong pinangunahan ni Josue ang mga Israelita papunta sa Canaan, kinailangan nilang tumawid sa Ilog Jordan habang ito ay bumabaha at napakalalim. Dahil sa ito ay napakalalim upang tawirin, mahimalang pinatigil ng Diyos ang tubig mula sa pagdaloy upang sila ay makatawid.

Ilog Nilo, Ilog ng Egipto

Ang Nilo ay sobrang haba at malawak na ilog sa hilagang-silangan ng Africa. Ito ay mas kilala bilang pangunahing ilog ng Egipto.

  • Ang Ilog Nilo ay dumadaloy sa hilaga sa pamamagitang ng Egipto at nababakante papuntang Dagat Mediteraneo.
  • Ang mga pananim ay lumalaki ng maayos sa mayabong na lambak.
  • Karamihan ng mga taga-Egipto ay nakatira malapit sa Ilog Nilo dahil ito ay mahalagang pinanggagalingan ng tubig at pananim na makakain.
  • Bilang sanggol, si Moises ay nilagay sa sisidlan sa gitna ng bukawin ng Nilo.

Isaac

Si Isaac ang anak na ipinangako ng Diyos na ibibigay kina Abraham at Sara kahit na sila ay napakatanda na.

  • Ipinangako ng Diyos na ang kasunduang ginawa niya kay Abraham ay aabot kay Isaac at sa lahat ng mga inapo ni Isaac magpakailanman.
  • Sinubok ng Diyos ang pananampalataya ni Abraham sa pamamagitan ng pagsasabi sa kaniya na ialay si Isaac.
  • Ang anak ni Isaac na si Jacob ay nagkaroon ng labindalawang anak. Ang kanilang mga inapo ay di nagtagal naging labindalawang tribo ng bansan Israel.
  • Ang ibig sabihin ng Isaac ay "tumatawa siya." Nang sinabi ng Diyos kay Abraham na siya at si Sara ay magkakaroon ng anak, tumawa siya dahil napakatanda na nilang dalawa.

Isacar

Si Isacar ay ang ika-siyam na anak ni Jacob na si Israel.

  • Siya ang anak ng aliping ni Lea na naging kinakasamang aliping babae ni Jacob.
  • Ang tribo ni Isacar ay isa sa labindalawang tribo ng Israel.

Isaias

Si Isaias ay propeta ng Diyos.

  • Maraming propesiya ang naisulat ni Isaias tungkol sa Israel na nagkatotoo habang siya ay nabubuhay.
  • Kilala si Isaias lalo na sa mga naisulat niyang mga propesiya tungkol sa Mesiyas na nagkatotoo 700 taon ang nakalipas nang namuhay si Jesus sa mundo.
  • Binanggit ni Jesus at ng kaniyang mga alagad ang propesiya ni Isaias upang magturo sa mga tao tungkol sa Mesiyas.
  • Ang Aklat ni Isaias ay isa sa mga pangunahing aklat ng Bibliya.

Ismael

Si Ismael ang anak ni Abraham atni Agar na lingkod ni Sara.

  • Ang pangalang "Ismael" ay nangangahulugang, "naririnig ng Diyos."
  • Natanggap ni Ismael ang kapakinabangan ng banal na pangako na ginawa kay Agar tungkol sa kaniyang sarili at sa kaniyang hinaharap.
  • Gayunman, hindi si Ismael ang anak kung saan tutuparin ng Diyos ang kaniyang pangako kay Abraham na gagawin niyang kasing dami ng mga bituwin ang kaniyang mga inapo.

Jacob, Israel

Si Jacob ang nakababaatang kambal na anak ni Isaac at Rebeca.

  • Ang pangalang Jacob ay nangangahulugang "mandaraya" o "manlilinlang."
  • Tuso at mapanlinlang si Jacob. Nakahanap siya ng mga paraan upang kunin ang pamanang karapatan ng pagkapanganay at ang pagpapala mula sa kaniyang nakakatandang kapatid na si Esau.
  • Nagalit si Esau at binalak siyang patayin, kaya umalis si Jacob sa kaniyang sariling bayan. Subalit di nagtagal bumalik siya at namuhay ng mapayapa kasama ang kaniyang kapatid.
  • Pinalitan ng Diyos ang pangalan ni Jacob ng Israel na nangangahulugang, "nakipagbuno siya sa Diyos."
  • Iningatan ng Diyos ang kaniyang kasunduan kay Abraham at sa kaniyang mga inapo sa pamamagitan ng anak ni Abraham, na si Isaac, at sa mga anak ni Isaac, na si Jacob.
  • Nagkaroon ng labindalawang mga anak na lalaki si Jacob. Ang kanilang mga inapo ay ang naging labindalawang tribo ng Israel.

Jafet

Si Jafet ay isa sa tatlong anak na lalake ni Noe na nabanggit sa Lumang Tipan.

  • Sa panahon ng pandaigdigang baha na nagtabon sa buong mundo, si Jafet at ang dalawa niyang kapatid na lalake ay kasama ni Noe sa loob ng arka, kasama ang kanilang mga asawa.
  • Hindi malinaw kung siya ang bunso o panganay na kapatid na lalake.

Jebuseo

Ang mga Jebuseo ay isang tribo sa lupain ng Canaan, na nagmula sa isang lalaking nagngangalang Jebus.

  • Nasakop ni Jebus ang sinaunang lungsod ng Jerusalem at isinunod ang pangalan nito sa kaniyang sarili, kaya tinawag itong "Jebus" pansamantala. Hindi nagtagal ibinalik ang pangalan nito.
  • Si Melchizedek, ang pari na hari sa Luma at Bagong Tipan, ay nagmula sa Jebuseo.

Jefta

Si Jefta ay isang mandirigma mula sa Galaad na naglingkod bilang isang hukom, o pinuno sa buong Israel.

  • Si Jefta ay itinanyag sa Hebreo 11:32 bilang isa sa mga punong tagapagligtas ng kaniyang mga tao.
  • Sinagip niya ang mga Israelita mula sa mga Ammonita at pinangunahan ang kaniyang mga tao upang talunin ang mga Efraimita.
  • Gayunman, si Jefta ay gumawa ng isang kahangalan, sumumpa sa Diyos ng madalian na humantong sa pagsasakripisyo ng kaniyang anak na babae.

Jehoiakim

Si Jehoiakim ay isang masamang hari na naghari sa buong kaharian ng Juda, simula ng taong 608 bago pa ipinanganak si Cristo. Siya ay anak ni Haring Josias. Ang una niyang pangalan ay Eliakim

  • Ang paraon ng Egipto na si Neco ang nagpalit ng pangalan ni Eliakim sa Jehoiakim at ginawa siyang hari ng Juda.
  • Pinilit ni Neco si Jehoiakim na magbayad ng mataas na buwis sa Egipto.
  • Noong ang Juda ay nasakop na ni Haring Nebucadnezar, si Jehoiakim ay isa sa mga nabihag at dinala sa Babilonia.
  • Si Jehoiakim ay isang hari na hindi maka-diyos na nanguna sa Juda upang lumayo kay Yahweh. Si Jeremias na propeta ay nagsalita ng propesiya laban sa kaniya.

Jehoiakin

Si Jehoiakin ay isa sa mga hari na namuno sa kaharian ng Juda.

  • Naging hari si Jehoiakin nang siya ay 18 taong gulang. Naghari lamang siya ng tatlong buwan at pagkatapos ay nabihag siya ng mga hukbo ng Babilonia at dinala sa Babilonia.
  • Sa panahon ng kaniyang maikling paghahari, gumawa ng masasamang bagay si Jehoiakin tulad ng kaniyang lolo na si Haring Manases at ang ginawa ng kaniyang ama na si Haring Jehoiakim.

Jehoram

Jehoram ay pangalan ng dalawang magkaibang mga hari sa Lumang Tipan.

  • Ang isa ay anak ni Jehoshafat at naging hari sa Juda.
  • Ang isa pang Jehoram ay anak ni Ahab at naging hari ng Israel. Ang haring ito at kilala rin bilang "Joram."

Jehoshafat

Jehoshafat ay pangalan ng dalawang lalaki sa Lumang Tipan.

  • Ang pinakakilalang tao sa pangalang ito ay si Haring Jehoshafat na ika-apat na hari na namuno sa kaharian ng Juda.
  • Ibinalik niya ang kapayapaan sa pagitan ng Juda at Israel, at winasak ang mga altar ng mga diyus-diyosan.
  • Ang isa pang Jehoshafat ay isang katulong sa pamamahala para kay Haring David at Haring Solomon.

Jehu

Jehu ay pangalan ng dalawang lalaki sa Lumang Tipan.

  • Isang tao na nagngangalang Jehu ay isang propeta sa panahon ng paghahari ni Haring Ahab ng Israel at Haring Jehoshafat ng Juda.
  • Mayroon ding isang heneral na nagngangalang Jehu na naging hari sa Juda at naghari ng dalawamput-walong taon.
  • Pinatay ni Jehu ang lahat ng kamag-anak ng dating si Haring Ahab, kasama ang masamang reyna na si Jezebel.
  • Pinatay din niya ang dalawang masasamang hari na kamag-anak ni Ahab: Si Joram ng Israel at si Ahazias ng Juda.

Jeremias

Si Jeremias ay isang propeta ng Diyos sa kaharian ng Juda.

  • Gaya ng karamihan ng mga propeta, madalas na binabalaan ni Jeremias ang mga tao na sila ay parurusahan ng Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan.
  • Nagpahayag ng propesiya si Jeremias na masasakop ng Babilonia ang Jerusalem, na kung saan nagalit ang ilan sa mga tao sa Juda. Kaya inilagay nila siya sa isang tuyong balon at iniwan siya doon para mamatay. Ngunit iniutos ng hari ng Juda sa kaniyang mga alipin na sagipin si Jeremias mula sa balon.

Jerico

Ang Jerico ay isang makapangyarihang lungsod sa Lupang Ipinangako na Canaan.

  • Ito ang unang lungsod sa lupain ng Canaan na sinabi ng Diyos sa Israelita para sakupin.
  • Tulad ng lahat ng mga Cananeo, ang mga tao sa Jerico ay sumamba sa mga diyus-diyosan.
  • Nang pangunahan ni Josue ang mga Israelita laban sa Jerico, gumawa ang Diyos ng isang dakilang himala upang tulungan silang talunin ang lungsod.

Jeroboam

Si Jeroboam na anak ni Nebat ang unang hari ng hilagang kaharian ng Israel noong taong 900-910 bago pa ipinanganak si Cristo. Isa pang hari na nagngangalang Jeroboam na anak ni Joas ay namuno sa Israel pagkalipas ng 120 taon. Minsan sila ay tinukoy bilang "Jeroboam 1" at "Jeroboam 2."

  • Si Jeroboam na anak ni Nebat ang naging dahilan upang ang sampung tribo ng Israel sa hilaga ay humiwalay sa ibang tribu ng Israel at para sumunod sa kaniya bilang kanilang pinuno. Napakasama niyang hari. Hinimok niya ang mga tao sa kaharian ng Israel na sumamba sa diyus-diyosan, sa halip na sumamba kay Yahweh.
  • Ang mga hari na namuno sa Israel pagkatapos ni Jeroboam ay sumunod sa kaniyang masamang halimbawa.
  • Halos 120 mga taon ang nakalipas, isa pang hari na nagngangalang Jeroboam ang nagsimulang mamuno sa hilagang kaharian ng Israel. Ang Jeroboam na ito ay anak ni Haring Joas at masama gaya ng lahat ng nakaraang mga hari ng Israel.
  • Sa kabila ng mga ito, nahabag ang Diyos sa Israel at tinulungan itong haring si Jeroboam upang magtamo ng lupain at magtayo ng mga hangganan para sa kanilang nasasakupan.

Jerusalem

Ang Jerusalem ay ang dating sinaunang lungsod ng Cananeo na naging pinaka mahalagang lungsod ng Israel. Ito parin ang kabisera ng lungsod sa kasalukuyang panahon sa Israel.

  • Ang lungsod ng Salem sa Lumang Tipan ay maaaring katulad ng lungsod ng Jerusalem. Ang magkatulad na pangalan ay may pinanggalingang kahulugan ng "kapayapaan."
  • Inihandog ni Abraham ang kaniyang anak na si Isaac sa Bundok ng Moria na bahagi ng lungsod ng Jerusalem.
  • Sinakop ni Haring David ang Jerusalem mula sa mga Jebuseo at ginawa niya itong kabiserang lungsod.
  • Ang anak ni David na si Solomon ang nagtayo ng unang templo sa Bundok ng Moria sa Jerusalem.
  • Winasak ng mga taga-Babilonia ang Jerusalem, subalit pagkalipas ng 70 taon pinahintulutan sila ng Diyos na bumalik at muling itinayo ang lungsod.
  • Dahil ang templo ay matatagpuan doon, ang Jerusalem ang centro para sa pagdiriwang ng mga pangunahing kapistahan ng mga Judio.
  • Sa Bagong Tipan, inihandog si Jesus bilang isang sanggol sa templo sa Jerusalem at sa Jerusalem din siya inilagak upang litisin at hinatulan na mamatay sa krus.
  • Pagkatapos muling mabuhay ni Jesus, ang Jerusalem ay isa sa pangunahing mga lugar na kung saan si Jesus nag-ukol ng panahon kasama ang kaniyang mga alagad bago siya bumalik sa langit.
  • Yamang ang Jerusalem ay matatagpuan sa mga bulubundukin ng Israel, pang karaniwangang tinutukoy ng mga tao ang pagpunta sa Jerusalem gaya ng " paakyat patungo sa Jerusalem."

Jesse

Si Jesse ay apo ni Boaz at ang ama ng Haring si David.

  • Si Jesse ay mula sa bayan ng Bethlehem at sa tribo ng Juda.
  • Nagbigay ng may mahabang propesiya si Isaias tungkol sa isa sa mga inapo ni Jesse.
  • Si Jesus ay inapo ni Jesse na tumupad sa propesiyang iyon.

Jetro, Reuel

Ang mga pangalang Jetro at Reuel ay kapwa tumutukoy sa ama ng asawa ni Moses, na si Zephora. Posibleng Reuel ang pangalan ng kaniyang angkan.

  • Nang nagpapastol si Moises sa lupain ng Midian, napangasawa niya ang anak na babae ng isang Midianita na nagngangalang Reuel. Hindi nagtagal siya ay tinawag bilang "Jethro, ang pari ng Midian."
  • Minsan, nang nagbantay si Moises sa mga tupa ni Jetro, siya ay kinausap ng Diyos mula sa nag-aalab na mababang punongkahoy.
  • Mga ilang panahon ang lumipas, matapos iligtas ng Diyos ang mga Israelita mula sa Egipto, lumapit si Jetro kay Moises sa ilang at nagbigay ng mabuting payo tungkol sa paghatol ng usapin ng mga tao.
  • Naniwala si Jetro sa Diyos nang marinig niya ang lahat ng mga himala ng Diyos na naganap sa Egipto.
  • Ang Lumang Tipan ay nakapagtala ng ilang mga kalalakihan na may pangalang Reuel, kabilang ang isa sa mga lalaking anak ni Esau. Sa ilang mga nagsasalin maaaring magpasiya na baybayin sa magkakaibang pangalan para sa mga lalaking ito, para maging malinaw na sila ay magkakaibang tao.

Jezebel

Si Jezebel ay ang masamang asawa ni Haring Ahab ng Israel.

  • Hinikayat ni Jezebel si Ahab at ang iba pa sa Israel upang sumamba sa mga diyus-diyosan.
  • Marami rin siyang pinatay na mga propeta ng Diyos.
  • Si Jezebel ang naging dahilan upang mamatay ang isang inosenteng tao na nagngangalang Nabot upang manakaw ni Ahab ang kaniyang ubasan.
  • Si Jezebel ay tuluyang pinatay dahil sa lahat ng mga masasamang bagay na kaniyang nagawa. Ipinahayag ni Elias ang tungkol sa kung papaano siya mamamatay at eksakto ang nangyari tulad ng kaniyang ipinahayag.

Jezreel

Ang Jezreel ay pangalan ng isang mahalagang lungsod ng Israelita sa lupain ng tribo ni Issachar na matatagpuan sa timog-kanluran ng Dagat ng Asin. Nandoon ang mga palasyo ng ilang mga hari ng Israel.

  • Ang lungsod ng Jezreel ay isa sa mga kanlurang bahagi sa Kapatagan ng Megiddo, kung saan ay tinawag ding Lambak ng Jezreel.
  • Ang ubasan ni Nabot ay matatagpuan sa Jezreel, malapit sa palasyo ni Haring Ahab. Doon nagpahayag si propetang Elias laban kay Ahab.
  • Ang masamang asawa ni Ahab na si Jezebel ay pinatay sa Jezreel.
  • Maraming ibang mga makabuluhang pangyayari ang nangyari sa lungsod na ito pati na rin ang ilang mga labanan.

Joab

Si Joab ay isang mahalagang pinuno ng hukbo para kay Haring David sa kabuuan ng kaniyang paghahari.

  • Bago naging hari si David, si Joab ay isa na sa mga tapat niyang tagasunod.
  • Di nagtagal, sa panahong ng paghahari ni David sa buong Israel, si Joab ang naging pinuno ng hukbo ni Haring David.
  • Ang ina ni Joab ay si Zeruias, na isa sa mga kapatid na babae ni Haring David. Kaya si Joab ay pamangkin din ni David.
  • Nang magtaksil ang anak na lalaki ni David na si Absalom sa pamamagitan ng pagtatangkang kunin ang kaniyang pagkahari, pinatay ni Joab si Absalom upang mapangalagaan si Haring Dabid.
  • Si Joab ay isang napaka-agresibong mandirigma at pumatay ng maraming tao na mga kaaway ng Israel.

Joas

Joas ang pangalan ng ilang mga lalaki sa Lumang Tipan.

  • Ang isang Joas ay ang ama ng tagapagligtas ng mga Israelita na si Gideon.
  • Ang isa pang tao na nagngangalang Joas ay isang kaapu-apuhan ni Jacob mula sa kaniyang bunsong anak na lalaki na si Benjamin.
  • Ang pinaka-kilalang Joas ay naging hari ng Juda sa edad na pito. Siya ang anak na lalaki ni Ahazias, ang hari ng Juda, na pinatay.
  • Bilang isang bata, iniligtas siya ng tiyahin ni Joas mula sa kamatayan sa pamamagitan ng pagtatago sa kaniya hanggang siya ay may sapat nang gulang upang koronahan bilang hari.
  • Sa simula ng kaniyang paghahari, sinunod ni Haring Joas ang Diyos. Ngunit kalaunan ay hindi na siya sumusunod sa Diyos at muling nagsimulang sumamba ang mga Israelita sa mga diyus-diyusan.
  • Pagkatapos masugatan sa labanan, Si Haring Joas ay pinagtaksilan at pinatay ng kaniyang dalawang opisyal na nagsilbi sa kaniya.
  • Tandaan na ang haring ito ay iba mula sa Haring Jehoas ng Israel na namuno sa parehong panahon.

Job

Si Job ay isang tao na inilalarawan ng Biblya bilang walang kasalanan at matuwid sa harap ng Diyos. Siya ay kilalang-kilala dahil sa pagtitiyaga niya sa kaniyang pananampalataya sa Diyos sa mga panahon ng malubhang paghihirap at kalungkutan.

  • Iniisip ng iba na si Job ay nabuhay sa mundo pagkatapos ng malawakang pagbaha sa mundo sa panahon ni Noe at bago ang panahon ni Abraham.
  • Si Job ay maaaring higit dalawandaang taong gulang nang siya ay mamatay.
  • Ang aklat ng Job sa Biblia ay tumutukoy tungkol sa paghihirap ni Job dahil sa maraming sakuna na nangyari sa kaniyang buhay. Sinasabi din dito kung paano siya at ang iba na tumugon sa paghihirap ng iyon, gayon din ang pananaw ng Diyos bilang pinaka-makapangyarihang Lumikha at ang hari sa buong sansinukob.
  • Pagkatapos ng lahat ng mga sakuna, pinanumbalik din ng Diyos si Job at lubos niyang pinagpala sa pamilya at kayamanan.

Joel

Ang Joel ay pangalan ng isang propeta na sumulat ng isang aklat sa Lumang Tipan. Ang aklat ng Joel ay isa sa labindalawang maikling aklat ng propesiya na bumuo sa huling bahagi ng Lumang Tipan.

  • Ang tanging pansariling kaalaman na mayroon tayo tungkol kay propetang Joel ay Pethuel ang pangalan ng kaniyang ama.
  • Mula sa nilalaman ng kaniyang aklat, maaaring si Joel ay nagpahayag sa Juda na kung saan ito ay ang katimugang kaharian ng Israelita.
  • Hindi malinaw kung kailan nabuhay at nagpahayag si propeta Joel, ngunit ayon sa nilalaman ng kaniyang aklat, iniisip ng ilan na ito ay noong panahon ng paghahari ni Haring Joas.
  • Sa kaniyang sermon sa Pentecostes, si apostol Pedro ay nagbanggit ng mga bersikulo mula sa aklat ng Joel.
  • Mayroong ibang mga lalaki sa Biblia na nagngangalang Joel. Maaaring ang ibang wika ay ginawa ang kanilang mga pangalan na may kaunting pagkakaiba upang maipakita ng malinaw na sila ay magkakaibang tao.

Joiada

Si Joiada ay isang pari na tumulong na maitago at mapangalagaan ang anak ni Haring Ahazias na si Joas hanggang siya ay dumating sa hustong gulang upang mahayag na hari.

  • Inayos ni Joiada ang daan-daang bantay upang pangalagaan ang batang si Joas habang inihayag siya bilang hari ng mga tao sa loob ng templo.
  • Pinamunuan ni Joiada ang mga tao sa pagpapaalis ng lahat ng mga altar ng diyus-diyosan na si Baal.
  • Sa nalalabing bahagi ng kaniyang buhay, pinayuhan ng paring si Joiada si Haring Joas upang tulungan siyang sundin ang Diyos at pamahalaanan ng may katalinuhan ang mga tao.
  • Isa pang lalake ang nagngangalang Joiada ang ama ni Benaias.

Jonas

Si Jonas ay isang propetang Hebreo sa Lumang Tipan.

  • Kinukwento ng aklat ng Jonas ang tungkol sa kung kailan ipinadala ng Diyos si Jonas sa Ninive.
  • Sinabi ng Diyos kay Jonas na pumunta sa Ninive at sabihin sa mga tao na talikuran ang kanilang mga kasalanan.
  • Tumanggi si Jonas at sumakay sa isang barko upang pumunta sa isa pang bansa.
  • Itinapon ng mga lalaking nasa barko si Jonas palabas dito at isang malaking isda ang lumunok sa kaniya.
  • Si Jonas ay nasa loob ng tiyan ng isda ng tatlong araw.
  • Pumunta si Jonas sa Ninive at nangaral sa mga tao at sila ay tumalikod mula sa kanilang mga kasalanan.

Jonatan

Ang pangalang "Jonatan" ay lumitaw ng maraming beses sa Lumang Tipan. Nangangahulugan ito na, "nagbigay si Yahweh."

  • Ang pinaka-kilalang tao na nagngangalang Jonatan ay ang panganay na anak na lalaki ni Haring Saul. Siya ang pinakamatalik na kaibigan ni David.
  • Ang ibang mga Jonatan na nabanggit sa Lumang Tipan ay kabilang ang mga: isang apo ni Moises; isang pamangkin ni Haring David; isang anak na lalaki ng paring si Abiatar, na nagsilbi kay David; isang kalihim na kung saan ikinulong sa kaniyang bahay si propetang Jeremias; at marami pang iba..

Joppa

Sa panahon ng Bibliya, ang lungsod ng Joppa ay isang mahalagang daungang pangkalakal na matatagpuan sa Dagat ng Mediterranean, nasa 30 na milya sa hilagang-kanluran ng Jerusalem.

  • Ang sinaunang pook ng Joppa ay ang kasalukuyang lungsod ng Jaffa, na ngayon ay bahagi na ng lungsod ng Tel Aviv.
  • Sa Lumang Tipan, ang Joppa ay ang lungsod kung saan sumakay si Jonas sa bangka papunta sa Tarsis.
  • Sa Bagong Tipan, sa Joppa ang lugar kung saan muling binuhay ni Pedro ang isang Kristiyanong babae na nagngangalang Tabita.

Joram

Si Joram, ay kilala din bilang Jehoram, isang hari ng Israel, ang anak na lalaki nina Ahab at Jezebel.

  • Naghari si Haring Joram at sa parehong panahon ay bilang isang naiibang Jehoram, na hari ng Juda.
  • Si Joram ay isang masamang hari na sumasamba sa mga hindi totoong diyos at nagdulot sa Israel upang magkasala.

Jose (ng Bagong Tipan)

Si Jose ang ama ni Jesus dito sa mundo na nagpalaki kay sa kaniiya.

  • Si Jose ay isang kaapu-apuhan ni Haring David.
  • Si Jose ay naitakdang maipakasal sa isang birheng babae na nagngangalang Maria, na siyang pinili ng Diyos na magiging ina ni Jesus na ang Mesias.
  • Isang anghel ang nagsabi kay Jose na ang Banal na Espiritu ang himalang kumilos upang magdalang tao si Maria, at ang sanggol ni Maria ay ang Anak ng Diyos.
  • Pinaniwalaan ni Jose ang anghel at sinunod ang Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap kay Maria bilang kaniyang asawa.
  • Pinanatiling birhen ni Jose si Maria hanggang maipanganak si Jesus.

Jose (sa Lumang Tipan)

Si Jose ay ang pang labing-isang anak na lalaki ni Jacob at ang unang anak sa kaniyang asawa na si Rachel.

  • Si Jose ang paboritong anak ng kaniyang ama kaya't ang kaniyang mga kapatid ay nainggit sa kaniya; siya ay kanilang ibinenta sa pagkaalipin.
  • Dumaan si Jose sa mga mahihirap na pagkakataon, kasama na ang pagiging isang alipin at isang bilanggo sa Egipto, gayun paman ay nanatili siyang matapat sa Diyos.
  • Dinala siya ng Diyos sa pangalawang pinakamataas na katungkulan sa Egipto at siya ay ginamit upang iligtas ang Egipto, at ang pamilya ng kaniyang ama mula sa pagkagutom.

Josias

Si Josias ay isang maka-diyos na hari na naghari sa kaharian ng Juda sa loob ng tatlumpu't isang taon. Marami siyang ginawang mga bagay upang hikayatin ang mga tao ng Juda upang magsisi at sumamba kay Yahweh.

  • Pagkatapos patayin ang kaniyang ama na si Haring Amon, Si Josias ay naging hari ng buong Juda sa edad na walong taong gulang.
  • Sa ika-labinwalong taon ng kaniyang paghahari, inutusan ni Haring Josias ang punong pari na si Hilkias na muling itayo ang templo ng Panginoon. Habang ito ay malapit nang matapos, ang mga aklat ng Kautusan ay natagpuan.
  • Nang ang mga aklat ng Kautusan ay binasa kay Josias, nagdalamhati siya sa kung paano sinuway ng kaniyang mga tao ang Diyos. Iniutos niya na sirain ang lahat ng mga lugar na pinagsasambahan sa mga diyus-diyusan at patayin ang mga pari ng mga hindi totoong diyos.
  • Iniutos din niya sa mga tao na simulang ipagdiwang muli ang pista ng Paskua.

Josue

May mga ilang lalaking Israelita na nagngangalang Josue sa Biblia. Ang pinaka kilala ay si Josue na anak ni Nun, na katulong ni Moises at siya ay naging isang mahalagang pinuno ng mga tao ng Diyos.

  • Si Josue ay isa sa labindalawang espiya na siyang ipinadala ni Moises upang libutin ang Lupang Pangako.
  • Kasama si Caleb, ipinakita ni Josue ang kaniyang katapangan at tiwala sa Diyos noong hinikayat niya ang mga Israelita na sumunod sa utos ng Diyos na pumasok sa Lupang Pangako at talunin ang mga Cananeo.
  • Maraming taon ang lumipas, pagkatapos mamatay ni Moises, pinili ng Diyos si Josue upang pangunahan ang mga tao ng Israel papunta sa Lupang Pangako.
  • Sa una at pinakatanyag na labanan laban sa mga Cananeo, pinangunahan ni Josue ang mga Israelita upang talunin ang lungsod ng Jerico, gaya ng sinabi ng Diyos na gawin niya.
  • Ang aklat ng Josue sa Lumang Tipan ay naisulat patungkol sa mga pangyayari na nangyari sa panahon ng pamumuno ni Josue, kasama na din ang pagsakop sa Lupang Pangako at ang pagkakahati ng lupain para sa mga tribu ng Israel.
  • Ang ibang tao na nagngangalang Josue ay nabanggit sa Lumang Tipan, sa aklat ng Hagai at Zacarias. Ang Josue na ito ay isang punong pari na tumulong upang muling itayo ang mga pader ng Jerusalem. Siya ang anak ni Josadak.

Jotam

Sa Lumang Tipan, mayroong tatlong lalaki na nagngangalang Jotam.

  • Ang isang lalaki na nagngangalang Jotam ay ang pinakabatang anak ni Gideon. Tumulong si Jotam na talunin ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Abimelec, na siyang pataksil na pumatay sa kanilang ibang mga kapatid.
  • Ang isa pang lalaki na nagngangalang Jotam ay isang hari ng buong Juda sa loob ng labing-anim na taon matapos mamatay ang kaniyang ama na si Uzzias (na kilala din bilang Asarias)
  • Tulad ng kaniyang ama, si Haring Jotam ay sumunod sa Diyos at isang mabuting hari.
  • Gayun paman, tulad din ng kaniyang ama, hindi tinanggal ni Haring Jotam ang mga lugar ng sambahan ng mga diyus-diyosan at ito ang naging dahilan ng kaniyang mga tao upang muling tumalikod sa Diyos. Ang isa pang bunga ng pagsamba sa diyus-diyusan ay ang anak ni Jotam na si Ahas. Siya ay isang masamang hari.
  • Si Jotam ay isa sa mga ninuno na nakatala sa talaan ng lahi ni Jesu-Cristo sa aklat ng Mateo.

Juan (ang apostol )

Si Juan ay isa sa labindalawang apostol ni Jesus at isa sa pinakamalapit kaibigan ni Jesus.

  • Si Juan at ang kaniyang kapatid ay mga anak na lalaki ni Zebedeo.
  • Si Juan ay ibang tao sa Juan na Tagapagbautismo.
  • Pagkatapos bumalik ni Jesus sa langit, si Juan (ang apostol) ay nagturo sa mga tao tungkol kay Jesus.
  • Nagsulat din si Juan ng dalawang aklat at ang ilang mga sulat tungkol kay Jesus na isinama sa Biblia.

Juan (na Tagapagbautismo)

Si Juan ay ang anak ni Zacharias at Elisabet. Yamang ang "Juan" ay isang pangkaraniwang pangalan, madalas siyang tinatawag na "Juan na Tagapagbautismo" upang maiba ang pagkakakilala sa kaniya mula sa iba pang mga tao na nagngangalang Juan, tulad ni Apostol Juan.

  • Si Juan ay ang propeta na isinugo ng Diyos upang ihanda ang mga tao na maniwala at sumunod sa Mesias.
  • Sinabi ni Juan sa mga tao na aminin ang kanilang mga kasalanan, bumalik sa Diyos at huminto sa pagkakasala upang maging handa sila na tanggapin ang Mesias.
  • Binautismuhan ni Juan ang maraming tao sa tubig bilang palatandaan na sila ay nagsisisi sa kanilang mga kasalanan at tinatalikuran nila ang mga ito.\
  • Si Juan ay tinawag na "Juan na Tagapagbautismo" dahil binautismuhan niya ang maraming tao.\
  • Siguraduhin na maiintindihan ng mga tao na ang "Tagapagbautismo" ay hindi tumutukoy sa iglesiya sa pangalang ito. Mas naaangkop na sabihing, "Juan ang Tagapagbautismo" o, "Juan na siyang nagbabautismo."

Juan Marcos

Si Juan Marcos, kilala din bilang Marcos ay isa sa mga lalaki na naglakbay kasama ni Pablo sa kaniyang mga paglalakbay na pangmisyon. Malamang na siya ang may-akda ng Ebanghelyo ng Marcos.

  • Sinamahan ni Juan Marcos ang kaniyang pinsang si Bernabe at si Pablo sa kanilang unang paglalakbay na pangmisyon.
  • Noong mabilanggo si Pedro sa Jerusalem, ipinapanalangin siya ng mga mananampalataya doon sa bahay ng ina ni Juan Marcos.
  • Si Marcos ay hindi original na apostol, ngunit tinuruan nina Pablo at Pedro at nagtrabahong kasama nila sa ministeryo.

Juda

Si Juda ay ang pang-apat sa labindalawang anak ni Jacob. Ang kaniyang ina ay si Lea.

  • Naging lipi ng Juda ang mga kaapu-apuhan ni Juda.
  • Ang salitang "Judio" ay nagmula sa pangalang "Juda."
  • Nang mahati ang bansa ng Israel matapos magwakas ang paghahari ni Solomon, ang kaharian ng Juda ay ang katimugang bahagi.

Juda, Kaharian ng Juda

Ang Juda ang pinakamalaki sa labindalawang tribo ng Israel. Pagkatapos mamatay ni Haring Solomon, ang mga Israelita ay nahati sa dalawang kaharian: Ang Israel at ang Juda. Ang kaharian ng Juda ay ang katimugang bahagi, binubuo ng mga tribo ni Juda at Benjamin.

  • Ang kabisera ng lungsod ng kaharian ng Juda ay ang Jerusalem.
  • Ilan sa mga hari ng kaharian ng Juda ay sumunod sa Diyos at pinangungunahan ang mga tao na sumamba sa kaniya. Ngunit marami sa mga hari ng Juda ay masasama.
  • Sa higit 120 na taon pagkatapos matalo ng Asiria ang Israel (ang hilagang kaharian), nasakop ng bansang Babilonya ang Juda. Sinira ng mga taga-Babilonia ang lungsod at ang templo, at dinala ang halos lahat ng mga tao mula sa kaharian ng Juda papunta ng Babilon bilang mga bihag.

Judas ang anak ni Santiago

Si Judas, na anak ni Santiago, ay isa sa labindalawang pinakamalapit na alagad ni Jesus. Tandaan na hindi ito si Judas Iscariote.

  • Madalas sa Biblia, ang mga lalaki na may parehong pangalan ay nakikilala sa pamamagitan ng pagbanggit ng kung kaninong anak sila. Dito, kinilala si Judas bilang, "anak ni Santiago"
  • Ang isa pang lalaki na nagngangalang Judas ay ang kapatid ni Jesus na kilala din bilang "Judas."
  • Ang aklat sa Bagong Tipan na tinawag na "Judas" ay marahil isinulat ng kapatid ni Jesus na si Judas, yaman na kinilala niya ang kaniyang sarili bilang "kapatid ni Santiago." Si Santiago ay isa pang kapatid ni Jesus.
  • Maaari din na ang aklat ng Judas ay isinulat ng alagad ni Jesus na si Judas, ang anak ni Santiago.

Judas Iscariote

Si Judas Iscariote ay isa sa labindalawang apostol ni Jesus. Siya ang nagkanulo kay Jesus sa mga pinuno ng mga Judio.

  • Ang pangalang "Iscariote" ay maaaring mangahulugang "mula sa Kerioth," marahil tumutukoy sa lungsod kung saan lumaki si Judas.
  • Si Judas Iscariote ay isang magnanakaw; pinamamahalaan niya ang mga pera ng mga apostol at karaniwang ninanakaw ang ilan sa mga ito upang gamitin sa kaniyang sarili.
  • Ipinagkanulo ni Judas si Jesus sa pamamagitan ng pagsasabi sa mga pinuno ng relihiyon kung nasaan si Jesus upang siya ay kanilang madakip.
  • Pagkatapos hatulan ng mga pinuno ng relihiyon si Jesus upang mamatay, nagsisi si Judas na ipinagkanulo niya si Jesus, kaya siya ay nagpakamatay.
  • May mga ilan na nagngangalang Judas sa Bibliya, tulad ng kapatid ni Jesus at isa pa sa labindalawang alagad.

Judea

Ang saliatng "Judea" ay nagmula sa pangalang Juda na isa sa labindalawang lipi ng Israel. Ito ay ginamit sa iba't ibang kahulugan.

  • Minsan, ang "Judea" ay ginamit upang tukuyin lamang ang probinsiya na matatagpuan sa katimugang bahagi ng sinaunang Israel sa kanluran ng Patay na Dagat. Ang ilang mga pagsasalin ay tinawag itong lalawigan ng "Juda."
  • Maraming pagkakataon na ang "Judea" ay tumutukoy sa lahat ng lalawigan ng sinaunang Israel, kasama ang Galilea, Samaria, Perea, Idumea at Judea (Juda).

Kung gusto ng mga tagasalin ng malinaw na pagkakaiba, ang mas malawak na kahulugan ng Judea (halimbawa sa Lucas 1:5) ay maaaring isalin na "Bansa ng Judea" at kung ang lalawigan lamang ang tinutukoy (halimbawa sa Lucas 1:39) maaaring isalin na "lalawigan ng Judea" o "lalawigan ng Juda".


Kades

Ang Kades o Kades-Barnea ay ang pangalan ng isang mahalagang lungsod sa kasaysayan ng Israel na matatagpuan sa bansa ngayon ng Syria.

  • Ang Kades ay isang oasis sa gitna ng ilang ng Zin.
  • Si Abraham ay naglakbay sa pamamagitan ng Kades sa kaniyang mga paglalakbay.
  • Ang Israel ay nagkampo sa Kades sa panahon na sila ay gumagala-gala sa disyerto.
  • Sa Kades hindi pinayagan si Moises na pumasok sa lupang ipinangako dahil sa pagsuway sa mga tagubilin ng Diyos hinggil sa pagpapalabas ng tubig mula sa isang bato.

kaharian ng Israel

Pagkatapos mamatay si Haring Solomon, nahati ang mga Israelita sa dalawang kaharian. Ang kaharian ng Israel ay ang hilagang kaharian, na binubuo ng sampu sa mga tribu ng Israel.

  • Lahat ng mga hari sa kaharian ng Israel ay masama. Hinikayat nila ang mga tao na huminto sa pagsasamba sa Diyos na nasa Templo sa Jerusalem at sa halip ay maglingkod sa mga diyus-diyosan at sa mga hindi totoong diyos. Kaya sa huli, pinadala ng Diyos ang mga taga-Asiria upang lusubin sila at upang dalhin ang marami sa kanila bilang mga bihag.
  • Nagdala ang mga taga-Asiria ng mga dayuhan upang manirahan na kasama ng ilan pa sa natitirang mga mamamayan ng kaharian ng Israel. Ang mga dayuhang ito ang nakipag-asawa sa mga Israelita, at ang kanilang mga kaapu-apuhan ang naging mga taong Samaritano.

Kedar

Ang Kedar ay pangalan ng pangalawang anak na lalaki ni Ismael at ang malaking lahi ay nagmula sa kaniya. Mayroon din isang tanyag na lungsod na pinangalanang Kedar.

  • Ang lungsod ng Kedar ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Arabia malapit sa katimugang hangganan ng Palestina. Sa mga panahon ng Bibliya, kilala ito sa kaniyang kadakilaan at kagandahan.
  • Ang mga salitang "madilim na mga tolda ng Kedar" ay tumutukoy sa mga tolda na tinitirahan ng mga mamamayan ng Kedar na gawa sa itim na buhok ng mga kambing.
  • Sa pahahon ng Bibliya, ang parirala na " ang kaluwalhatian ng Kedar" ay tumutukoy sa kadakilaan ng lungsod at ng mga mamamayan nito.

Kedesh

Ang Kedesh ay isang lungsod ng mga Cananeo na sinakop ng mga Israelita nang sila ay pumasok sa lupain ng Canaan.

  • Ang Kedesh ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng teritoryo ng Israel at ibinigay sa tribu ng Neptali.

Ang kedesh ay ibinukod bilang isang lungsod ng kanlungan at isa rin sa mga lungsod kung saan nanirahan ang mga paring Levitico.


Korah

Ang Korah ay pangalan ng dalawang lalaki sa Lumang Tipan.

  • Ang isa sa mga anak na lalaki ni Esau ay nagngangalang Korah. Naging pinuno siya sa kaniyang komunidad.
  • Si Korah ay isa rin sa inapo ni Levi at naglingkod sa tabernakulo bilang isang pari. Siya ay nainggit sa posisyon at kapangyarihan na ibinigay ng Diyos kay Moises at Aaron.
  • Nakipagsabwatan siya kina Datan at Abiram upang hikayatin ang mga mamamayan ng Israel na magrebelde laban sa ibinigay na mga pinuno ng Diyos.

Krite, Krito

Isang isla ang Krite na matatagpuan mula sa dakong timog ng Gresya. Ang isang "Krito" ay taong naninirahan sa islang ito.

  • Naglakbay ang apostol na si Pablo sa isla ng Krite sa panahon ng kaniyang paglalakbay pang-misyon.
  • Iniwan ni Pablo ang kaniyang kamanggagawa na si Tito sa Krite upang magturo sa mga Kristiyano at upang tumulong sa pagtatalaga ng mga pinuno para sa iglesya doon.

Kush

Si Kush ang pinakamatandang anak ni Ham na anak ni Noah. Siya rin ang ninuno ni Nimrod. Dalawa sa kaniyang mga kapatid ay pinangalanan na Egypto at Canaan.

  • Sa panahon ng Lumang Tipan, "Kush" ang pangalan ng malaking rehiyon sa timog na lupain ng Israel. Marahil ang lupang ito ay pinangalanan hango sa anak ni Ham na si Kush.
  • Ang sinaunang rehiyon ng Kush ay may sakop na kalupaan na maaaring sa ibang mga panahon ay isinama ang mga bahagi ng lupain na tinatawag ngayon na mga bansang Sudan, Egypto, Etiopia, at maaaring Saudi Arabia.
  • Isa pang lalaking nagngangalang Kush ang nabanggit sa mga Awit. Siya ay isang Benjaminita.

Laban

Sa Lumang Tipan, si Laban ay tiyuhin at biyenan ni Jacob.

  • Nanirahan si Jacob kasama ang sambahayan ni Laban sa Padan Aram at namahala sa kaniyang mga tupa at mga kambing bilang kasunduan ng pakikipag-asawa sa anak na mga babae ni Laban.
  • Ang gusto ni Jacob ay maging asawa ang anak ni Laban na si Rachel.
  • Nilinlang ni Laban si Jacob at una niyang ginawang asawa ang kaniyang nakakatandang anak na babae na si Lea bago ibinigay si Rachel upang maging asawa niya.

Lamec

Ang Lamec ay ang pangalan ng dalawang lalaking nabanggit sa aklat ng Genesis.

  • Ang unang Lamec na nabanggit ay isang inapo ni Cain. Nagyabang siya sa kaniyang dalawang asawa na nakapatay siya ng isang lalaki.
  • Ang pangalawang Lamec ay isang inapo ni Set. Siya rin ang ama ni Noe.

Lazaro

Si Lazaro ay kaibigan ni Jesus na kaniyang muling binuhay mula sa patay.

  • Si Lazaro ay may dalawang kapatid na babae na nagngangalang Maria at Marta, na naniniwala din kay Jesus.
  • Pagkatapos na muling buhayin ni Jesus si Lazaro mula sa patay, nagalit ang mga pinuno ng mga Judio at sinubukan nilang humanap ng paraan upang patayin silang dalawa.

Lea

Si Lea ay isa sa mga asawa ni Jacob. Siya ang ina ng sampung lalaki na pinagmulan ng ilan sa mga tribu ng Israel.

  • Si Laban ang ama ni Lea na kapatid na lalaki ni Rebeka na asawa ni Isaac.
  • Bagaman hindi minahal ni Jacob si Leah gaya ng kaniyang kapatid na si Raquel, siya ay pinagpala ng Diyos ng masagana at binigyan siya ng maraming anak.

Lebanon

Ang Lebanon ay isang magandang bulubunduking rehiyon na matatagpuan sa tabi ng Dagat Mediteraneo sa hilaga ng Israel. Makapal din ang mga kahoy sa rehiyon na ito noong panahon ng Bibliya.

  • Nagpadala si Solomon ng mga manggagawa sa Lebanon upang mamutol ng mga puno ng sedar para gamitin sa pagpapatayo ng templo ng Diyos.
  • Ang sinaunang Lebanon ay tinirhan ng mga taong Poeniko na dalubhasa sa paggawa ng mga barko na ginamit para sa matagumpay na kalakalang industriya.
  • Matatagpuan sa Lebanon ang mga lungsod ng Tiro at Sidon. Sa mga lungsod na ito unang ginamit ang isang mamahalin na lilang pangkulay.

Leviatan

Tumutukoy ang salitang "Leviatan" sa pinakamalaking hayop na hindi na nabubuhay ngayon na nabanggit sa sinaunang mga sulat ng Lumang Tipan.

  • Inilarawan ang Leviatan bilang isang malaking nilalang, malakas at mabangis at may kakayahang "pakuluin" ang tubig sa paligid niya. Ang paglalarawan nito ay katulad sa dinosauro.
  • Tinutukoy ni propetang Isaias ang Leviatan bilang "ang dumadausdos na serpyente."
  • Sumulat si Job mula sa sarili niyang kaalaman tungkol sa Leviatan, kaya ang hayop ay malamang buhay noong panahon na nabubuhay siya.

Levita, Levi

Ang isang Levita ay isang miyembro ng lipi ng Israelita na ang ninuno ay si Levi.

  • May pananagutan ang mga Levita sa templo at sa mga relihiyosong seremonya.
  • Lahat ng mga paring Judio ay mga lalaking bahagi ng mga Levita. (Hindi lahat ng mga Levita ay mga pari.)
  • Ang mga paring Levita ay inihiwalay at itinalaga para sa natatanging gawain ng paglilingkod sa Diyos sa templo.

Listra

  • Ang Listra ay pangalan ng isang lungsod sa sinaunang Asya Minor kung saan minsan ay binisita ni Pablo sa kaniyang misyonerong na paglalakbay. Ito ay matatagpuan sa rehiyon ng Lycaonia na ngayon sa modernong-panahon ay bansa ng Turkey.
  • Sa paglalakbay na ito patungong Listra, nakilala ni Pablo si Timoteo na naging kapwa mangangaral ng ebanghelyo at nagsaisimula ng mga iglesia.
  • Pagkatapos na pagalingin ni Pablo ang isang taong lumpo, sinubukang sambahin ng mga tao sa listra sina Pablo at Bernabe bilang mga diyos, ngunit nahinto dahil sa matinding pagsaway at pagtanggi ng mga apostol sa kanilang pagsamba.

Lot

Sa Biblia, si Lot ay ang pamangkin ni Abraham.

  • Si Lot ay ang ninuno ng mga Moabita at mga Ammonita.

Lucas

Si Lucas ang may-akda sa dalawang aklat sa Bagong Tipan: ang ebanghelyo ni Lucas at ang aklat ng mga Gawa.

  • Sa kaniyang liham para sa mga taga-Colosas, tinutukoy ni Pablo si Lucas bilang isang manggagamot. Binanggit din ni Pablo si Lucas sa dalawa sa kaniyang ibang mga liham.
  • Sinamahan ni Lucas si Pablo sa kaniyang dalawang paglalakbay na pangmisyonaryo at tinulungan siya sa kaniyang mga gawain.
  • Ang ilang mga liham sa sinaunang iglesiya, sinasabi nito na si Lucas ay ipinanganak sa lungsod ng Antioquia sa Syria.

Lungsod ni David

Ang mga salitang "Lungsod ni David" ay isa pang pangalan ng Jerusalem at Betlehem.

  • Nanirahan si David sa Jerusalem habang pinamumunuan niya ang Israel.
  • Ipinanganak si David sa Betlehem.

Macedonia

Sa mga panahon ng Bagong Tipan, ang Macedonia ay dating lalawigan ng Roma na matatagpuan sa hilaga ng sinaunang Griyego.

  • Ilan sa mga mahalagang lungsod ng Macedonia na nabanggit sa Biblia ay ang Berea, Filipos at Tesalonica.
  • Pumunta ang mga apostol sa mga lungsod na ito upang ipangaral ang ebanghelyo at upang tulungan ang mga bagong mananampalataya na bumuo ng Kristiyanong komunidad upang sasamba at magbahagi ng mga katuruan ng Diyos.
  • Sa Biblia, may mga liham na isinulat si Pablo para sa mga mananampalatayang taga-Filipos at taga-Tesalonica.

Malakias

Si Malakias ay isa sa mga propeta ng Diyos sa bansang Israel.

  • Nagpropesiya si Malakias sa panahon noong ang templo ng Israel ay itayong muli pagkatapos makabalik mula sa pagkabihag sa Babilonia.
  • Si Malakias ay marahil namuhay sa panahon noong nabubuhay pa si Nehemias at Ezra.
  • Ang aklat ng Malakias ay ang huling aklat ng Lumang Tipan at kaugalian nang sinasabi na kasama ito sa mga pangkat ng "ikalawang grupo ng mga propeta" o "mga maiikling aklat na sinulat ng ilang mga propeta."

Manasses

Mayroong limang lalaki ang nagngangalan ng Manasses sa Lumang Tipan:

  • Manasses ay pangalan ng panganay ng lalaking anak ni Jose.
  • Sina Manasses at ang kaniyang nakababatang kapatid na lalaki na si Efraim ay kinupkop ng ama ni Jose, na si Jacob kung saan ibinigay sa kanilang mga kaapu-apuhan ang karapatang mapabilang sa labindalawang lipi ng Israel.
  • Ang mga inapo ni Manasses ang bumuo ng isa sa mga lipi ng Israel.
  • Ang lipi ni Manasses ay madalas tawagin na "kalahating lipi ni Manasses" dahil ilang bahagi lang ng lipi ang nanirahan sa lupain ng Canaan, sa kanlurang bahagi ng Ilog Jordan. Ang ilang bahagi ng lipi ay sa silangang bahagi ng Jordan.
  • Isa sa mga Hari ng Judah ay nagngangalan ding Manasses.
  • Si Haring Manasses ay isang masamang hari na nag-alay ng kaniyang sariling mga anak bilang susunuging handog para sa mga diyus-diyosan.
  • Pinarusahan ng Diyos si Haring Manasses sa pamamagitan ng pagpapahintulot na madakip siya ng isang hukbo ng kaaway. Nanumbalik sa Diyos si Manasses at sinira ang mga altar kung saan sinasamba ang mga diyus-diyosan.
  • Dalawa sa nagngangalang Manasses ay nabuhay sa panahon ni Ezra na ang bawat isa ay nagpakasal sa isang dayuhan. Kinakailangang makipaghiwalay ang mga kalalakihang ito sa kanilang mga asawa dahil sa masamang impluwensiya ng kanilang mga dayuhang diyus-diyosan.
  • Ang isa pang Manasses ay ang lolo ng ilan sa mga Danita na mga pari ng mga bulaang diyus-diyosan.

Maria (kapatid ni Marta)

Si Maria ay isang babaeng mula sa Betania na sumunod kay Jesus.

  • Si Maria ay may kapatid na babae na nagngangalang Marta at isang kapatid na lalaki na nagngangalang Lasaro na sumusunod din kay Jesus.
  • May isang pagkakataon, pinuri ni Jesus si Maria sa pagpili na makinig sa kaniya sa halip na maging abala sa paghahanda ng pagkain para sa kaniya.
  • Sa isang pakakataon, nang si Jesus ay nasa hapag-kainan sa Betania, binihusan ni Maria ng mamahaling pabango ang mga paa ni Jesus upang sambahin siya. Pinuri siya ni Jesus sa paggawa nito.

Maria Magdalena, Maria na taga Magdala

Si Maria Magdalena ay nagsimulang sumunod kay Jesus matapos nitong palayasin ang pitong demonyo mula sa kaniya.

  • Si Maria Magdalena at ilan sa mga babae na tumulong kay Jesus at sa kaniyang mga apostol sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila.
  • Si Maria Magdalena at ang ilang sa mga babae ay ang mga unang nakakita kay Jesus matapos siyang mabuhay muli.

Maria, na ina ni Jesus

Si Maria ay ang ina ni Jesus at asawa ni Jose.

  • Ang Banal na Espiritu ang mahimalang kumilos kay Maria upang magdalang tao habang siya ay birhen. Ang sanggol na nasa kaniyang sinapupunan ay ang Anak ng Diyos.
  • Pinakasalan ni Jose si Maria at naging kaniyang asawa, ngunit nanatiling birhen si Maria hanggang sa maisilang ang sanggol.
  • Nang ipinanganak ang sanggol, pinangalanan siyang Jesus ni Maria at Jose.

Marta

Si Marta ay isang babaeng mula sa Betania na sumusunod kay Jesus.

  • Si Marta ay may kapatid na babae na nagngangalang Maria at isang kapatid na lalaki na nagngangalang Lasaro na sumusunod din kay Jesus.
  • May isang pagkakataon na si Marta ay abalang-abala sa paghahanda ng pagkain habang ang kaniyang kapatid na si Maria ay naupo at nakinig sa itinuturo ni Jesus.
  • Nang mamatay si Lazaro, sinabi ni Marta kay Jesus na siya ay naniniwala na si Jesus ang Cristo, na Anak ng Diyos.

Mateo, Levi

Mateo ang pangalang ibinigay kay Levi na anak ni Alfeo. Si Mateo ay isa sa labingdalawang lalaki na pinili ni Jesus na maging apostol.

  • Si Mateo ay isang tagasingil ng buwis mula sa Capernaum bago niya makikala si Jesus.
  • Si Mateo ang sumulat ng ebanghelyong nagtataglay ng kaniyang pangalan.

Maylikha

Sa pangkalahatan, ang "Maylikha" ay sinuman na lumilikha o gumagawa ng mga bagay.

  • Sa Biblia, ang salitang "Maylikha" ay minsan ginamit bilang isang pangalan o titulo kay Yahweh, dahil nilikha niya ang lahat ng mga bagay.
  • Karaniwan ang salita na ito ay sinasamahan ng "kaniya" o "aking" o "iyong."

Mga Mungkahi sa Pagsasalin:

  • Ang salitang "Maylikha" ay maaring isalin bilang "ang Lumikha" o "Diyos na lumikha" o "ang Siyang gumawa ng lahat ng bagay."
  • Ang pariralang "kaniyang Maylikha" ay maaari din isalin na "Siya na lumikha sa kaniya" o "ang Diyos na lumikha sa kaniya."
  • Ang mga pariralang "ang iyong Maylikha" at "ang aking Maylikha" ay maaring isalin sa parehong paraan.

Medes, Media

Ang Media ay isang sinaunang imperyo na matatagpuan sa silangan ng Asiria at Babilonia, at sa hilaga ng Elam at Persia. Nasasakupan ng teritoryo nito ang ilang bahagi ng kasalukuyang Turkey, Iran, Syria, Iraq at Afghanistan.

  • Ang mga taong nanirahan sa imperyo ng Media ay tinatawag na "Medes."
  • Ang mga Medes ay may malapit na kaugnayan sa mga taga-Persia at ang dalawang imperyo ay nagsanib-puwersa upang sakupin ang imperyo ng Babilonia.
  • Ang pananakop sa Babilonia sa pangunguna ni Dario na Medes ay naganap sa panahon na naninirahan doon ang propetang si Daniel.

Melquisedec

Noong panahon na nabuhay si Abraham, si Melquisedec ay ang hari ng lungsod ng Salem, na hindi nagtagal ay tinawag na "Jerusalem."

  • Ang pangalan ni Melquisedec ay nangangahulugang, "hari ng katuwiran" at ang kaniyang titulo na "hari ng Salem" ay nangangahulugang "hari ng kapayapaan."
  • Siya ay tinatawag ding "pari ng Kataas-taasang Diyos."
  • Unang nabanggit si Melquisedec sa Bibliya nang bigyan niya ng tinapay at alak si Abram matapos na iligtas ni Abram ang pamangkin niyang si Lot mula sa mga makapangyarihang hari. Ibinigay ni Abram kay Melquisedec ang ikasampung bahagi ng kaniyang mga nasamsam mula sa kaniyang tagumpay.
  • Sa Bagong Tipan, si Melquisedec ay inilarawan bilang isang tao na walang ama o ina. Siya ay isang pari at hari na maghahari magpakailanman. Siya ay sinasabing may "pagkakahalintulad sa Anak ng Diyos."
  • Sinasabi rin sa Bagong Tipan na si Jesus ay isang pari ayon sa "pagkapari ni Melquisedec." Si Jesus ay hindi nagmula sa lipi ni Levi gaya ng mga Israelitang pari. Ang pagkapari niya ay mula sa Diyos.
  • Depende sa mga pagkakalarawan sa kaniya ng Biblia, si Melquisedec ay isang taong pari na itinalaga ng Diyos upang kumatawan o upang maglarawan kay Jesus, na ang walang hanggang Hari ng Kapayapaan at Katuwiran at ating Dakilang Pinakapunong Pari.

Mempis

Ang Mempis ay isang sinaunang lungsod na kabisera sa Egipto, sa tabi ng Ilog Nilo.

  • Ang Mempis ay matatagpuan sa ibabang bahagi ng Egipto, sa may bungad ng Ilog Nilo, kung saan ang lupa ay mataba at ang mga pananim ay mayayabong.
  • Dahil sa mahalagang lokasyon ng Mempisito ay naging pangunahing lungsod ng kalakalan at negosyo.

Meshec

Meshec ang pangalan ng anak na lalaki ni Jafet na anak ni Noe. Ang ibang taong nagngangalang Meshec ay apo ni Sem na anak ni Noe.

  • Tulad ng maraming pangalan ng mga tao, hindi nagtagal nagbanggit ang Bibliya ng mga rehiyon ng lupain na tinatawag na Meshec. Marahil ang lupaing ito ay napangalanan mula sa isa sa mga lalaki na may ganitong pangalan.
  • Ang ilan sa mga paraan upang gawing malinaw na ang pangalang ito ay tumutukoy sa iba't ibang bagay ay ang sabihing "ang rehiyong tinatawag na Meshec" o "ibang tao na nagngangalang Meshec."

Mesopotamia, Aram Naharaim

Ang Mesopotamia ay ang lupain sa pagitan ng Ilog Tigris at Ilog Eufrates. Ito ay matatagpuan sa rehiyon ng kasalukuyang Iraq.

  • Sa Lumang Tipan, ang rehiyon na ito ay tinatawag na "Aram Naharaim."
  • Ang salitang "Mesopotamia" ay nangangahulugang "sa pagitan ng mga ilog." Ang mga salitang "Aram Naharaim" ay nangangahulugang "ng dalawang ilog."
  • Si Abraham ay nanirahan sa Ur at Haran na mga lungsod ng Mesopotamia bago siya lumipat sa lupain ng Canaan.
  • Ang Babilonia ay isa pang mahalagang lungsod sa Mesopotamia.
  • Ang rehiyong tinawag na "Caldea" ay bahagi rin ng Mesopotamia.

Midian, mga Midianita

Ang Midian ay isang lahi ng mga tao na matatagpuan sa Disyerto ng hilagang Arabia sa timog ng lupain ng Canaan. Ang mga tao sa grupo na iyon ay tinatawag na "mga Midianita."

  • Ang mga Midian ay nabubuhay mga 19th hanggang sa 11th siglo bago ipinangank si Cristo.
  • Si Jose ay dinala sa Egipto ng isang pangkat ng mga Midianitang bumibili ng alipin.
  • Matapos ang maraming taon, sinalakay ng mga Midianita ang mga Israelita sa lupain ng Canaan. Pinangunahan ni Gideon ang mga Israelita sa pagtalo sa kanila.
  • Marami sa kasalukuyang panahon ng mga lipi ng mga Arabo ay mga inapo ng grupong ito.

Miguel

Si Miguel ay ang pinuno ng lahat ng banal at masunuring anghel ng Diyos. Siya lamang ang anghel na natatanging tinukoy bilang ang "arkanghel" ng Diyos.

  • Ang katawagang "arkanghel" ay nangangahulugang "punong anghel" o "anghel na tagapamahala."
  • Pinangunahan ni Miguel ang Israel laban sa mga taga-Persia; siya ang mamumuno sa hukbo ng Israel laban sa puwersa ng kasamaan sa huling labanan gaya ng nasabi noong una sa aklat ng Daniel.
  • Siya ay minsan ding inilarawan bilang tagapamagitan para sa mga tao sa harap ng Diyos.
  • May ilan ding mga kalalakihan sa Bibliya na may ganitong pangalan.

Mikias

Si Mikias ay isang propeta sa Juda mga 700 na taon bago ipinanganak si Cristo, nang si propeta Isaias ay nagmiministeryo rin sa Juda.

  • Ang aklat ni Mikias ay malapit sa huling bahagi ng Lumang Tipan.
  • Ipinahayag ni Mikias ang tungkol sa pagkakawasak ng Samaria sa pamamagitan ng mga taga-Asiria.
  • Sinaway ni Mikias ang mga taga-Juda dahil sa kanilang pagsuway sa Diyos at binalaan sila na sila ay sasalakayin ng kanilang mga kaaway.
  • Nagwakas ang kaniyang propesiya sa isang mensahe ng pag-asa sa Diyos, na tapat at nagliligtas ng kaniyang mga tao.

Miriam

Si Miriam ay ang nakatatandang kapatid na babae nina Aaron at Moises.

  • Noong siya ay bata, tinagubilinan si Miriam ng kaniyang ina upang bantayan ang kaniyang sanggol na kapatid na si Moises na nasa isang buslo na nasa gitna ng mga tambo sa Ilog Nilo. Noong natagpuan ng anak na babae ng paraon ang sanggol at nangailangan ng isang tao na mag-aalaga dito para sa kaniya, matalinong dinala ito ni Miriam sa kanyang ina upang siya ang mag-alaga nito.
  • Noong tumakas ang mga Israelita mula sa mga taga-Egipto at tumawid sa Dagat na Pula, pinangunahan ni Miriam ang mga Israelita ng isang sayaw ng kagalakan at pagpapasalamat.
  • Pagkalipas ng mga taon, habang ang mga Israelita ay naglalakbay sa disyerto, hindi naging masaya sina Miriam at Aaron na pinakasalan ni Moises ang isang babaeng Cushite at nagsimulang magsalita ng masama tungkol sa kaniya.
  • Dahil sa kaniyang paghihimagsik sa pagsasalita laban kay Moises, pinarusahan ng Diyos si Miriam ng sakit na ketong. Ngunit kalaunan ay pinagaling siya ng Diyos nang mamagitan si Moises para sa kaniya.

Misael

Ang Misael ay ang pangalan ng tatlong lalaki sa Lumang Tipan.

  • Si Misael ay isa sa mga pinsan ni Aaron, na kasama ng isa pang lalaki na tinagubilinan upang itapon ang mga katawan ng dalawang lalaki na lumapastangan sa altar.
  • Ang isa pang lalaki na nagngangalang Misael ay tumayo sa tabi ni Ezra noong binasa niya sa publiko ang muling natuklasang kautusan.
  • Si Misael ay isa sa tatlong kaibigan ni Daniel na kasama niyang itinapon sa Babilonia at siyang pinangalanang Mesak ng mga taga-Babilonia. Siya, kasama ang kaniyang mga kasamahan, sina Shadrak at Abednego, ay tumangging sambahin ang rebulto ng hari at ipinatapon sa umaalab na pugon.

Mispa

Ang Mispa ay pangalan ng ilang mga bayan na nabanggit sa Lumang Tipan. Ito ay nangangahulugan na, "lugar ng tanawan" o "toreng bantayan."

  • Noong tinutugis si David ni Saul, iniwan niya ang kaniyang magulang sa Mispa, sa ilalim ng pangangalaga ng hari ng Moab.
  • Ang isang lungsod na tinawag na Mispa ay matatagpuan sa hangganan sa pagitan ng mga kaharian ng Juda at Israel. Ito ay isang pangunahing kuta ng mga hukbo.

Moab, Moabita, Babaeng Moabita

Si Moab ang anak na lalaki ng nakatatandang anak na babae ni Lot. Ang kaniyang mga inapo ay tinawag na mga Moabita at ang lupain na kanilang tinirahan ay naging kilala din bilang "Moab."

  • Ang bansa ng Moab ay matatagpuan sa silangan ng Judea, sa tapat na bahagi ng Dagat na Patay. Ito ay Timog-silangan ng lungsod ng mga taga-Judea ng Bethlehem, kung saan nagmula ang pamilya ni Naomi.
  • Ang "babaeng Moabita" ay maaaring isalin na, "Moabita na babae" o "babae na mula sa Moab."

Moises

Si Moises ay isang propeta at pinuno ng mga Israelita sa loob ng mahigit 40 na taon.

  • Pinili ng Diyos si Moises upang palayain ang mga Israelita mula sa pagkakaalipin sa Egipto at pinangunahan sila papunta sa Lupang Pangako.
  • Binigyan ng Diyos si Moises ng mga tapyas na bato na naukit ang kaniyang mga kautusan para sa mga Israelita.
  • Nang malapit na siyang mamatay, sinuway ni Moises ang Diyos kaya hindi siya nakapamuhay sa Lupang Pangako, na ang Canaan.

Molec, Moloc

Ang Molec ay ang pangalan ng isa sa mga hindi totoong diyos na sinamba ng mga Cananeo. Ang ibang mga baybay ay "Moloc" at "Molek."

  • Inaalay ng mga tao na sumasamba kay Molec ang kanilang mga batang anak sa kaniya sa pamamagitan ng apoy.
  • Ang ilan sa mga Israelita ay sumamba din kay Molec sa halip na sa nag-iisang totoong Diyos, na si Yahweh.

Mordecai

Si Mordecai ay isang lalaking Judio na naninirahan sa bansa ng Persia. Siya ang tagapangalaga ni Ester na kaniyang pinsan, na kalaunan ay naging asawa ng hari ng Persia, na si Xerxes.

  • Habang nagtratrabaho sa palasyo ng mga maharlika, hindi sinasadyang narinig ni Mordecai ang mga lalaki na nagbabalak patayin si Haring Xerxes. Ibinalita niya ito kaya nailigtas ang buhay ng hari.
  • Ilang panahon ang lumipas, nalaman din ni Mordecai ang tungkol sa isang plano na papatayin ang lahat ng mga Judio sa kaharian ng Persia. Pinayuhan niya si Ester na magsabi sa hari upang mailigtas ang kaniyang mga kababayan.

Naaman

Si Naaman ay ang pinuno ng isang hukbo na isa sa mga kalaban ng Israel.

  • Si Naaman ay nagkaroon ng isang nakaka-kilabot na sakit sa balat na walang sinumang nakakaalam kung paano gamutin.
  • Sinabi ni Eliseo kay Naaman na maghugas siya sa Ilog Jordan. Nang sumunod si Naaman, pinagaling siya ng Diyos mula sa kaniyang karamdaman.
  • Si Naaman ay naniwala sa Diyos dahil siya ay pinagaling sa kaniyang sakit.

Nahor

Nahor ay ang pangalan ng dalawang lalaki sa Bibliya: ang lolo ni Abraham at ang kapatid niya. -* Ang asawa ni Isaac na si Rebeca ay apong-babae ni Nahor na kapatid ni Abraham.

-* Mayroon ding "lungsod ni Nahor," na marahil ay tumutukoy sa lolo ni Abraham. Ang maaaring kahulugan ng katagang ito ay, "ang lungsod na nagngangalang Nahor" o "ang lungsod kung saan si Nahor ay nanirahan" o "lungsod ni Nahor."


Nahum

Si Nahum ay isang propeta na nangaral sa panahon na namumuno ang masamang hari na si Manasseh sa Judah.

  • Si Nahum ay galing sa bayan ng Elkos, mahigit sa dalawampung milya mula sa Jerusalem.
  • Nakatala sa aklat ng Nahum ang kaniyang propesiya tungkol sa pagkasira ng lungsod ng Asiria ng Ninive.

Nathan

Si Nathan ay isang matapat na propeta ng Diyos na namuhay sa panahon nang si David ay hari ng Israel.

  • Pinadala ng Diyos si Nathan para harapin si David pagkatapos makagawa ng matinding pagkakasala kay Urias.
  • Sinaway ni Nathan si David, sa kabila ng katotohanan na si David ay ang hari.
  • Nagsisi si David sa kaniyang kasalanan matapos siya kausapin ni Nathan.

Nazaret, Nazareno

Nazaret ay isang bayan sa rehiyon ng Galilea sa hilangang Israel.

  • Si Jose at Maria ay galing sa Nazaret, at dito nila pinalaki si Jesus.
  • Marami sa mga tao sa Nazaret ay hindi nirespeto ang mga katuruan ni Jesus, dahil si Jesus ay lumaki kasama nila, at akala nila na siya ay karaniwang tao lamang.
  • Ang mga tao ng Nazaret ay sinubukang patayin si Jesus ng inangkin niya na siya ang Messias.

Nebucadnezar

Si Nebucadnezar ay isang hari ng Imperyo ng Babilonia. Ito ay makapangyarihan na imperyo sa panahon ng kaharian ng Israel at kaharian ng Juda.

  • Si Nebucadnezar ay mayroong nakapangyarihang hukbo na sumakop sa maraming pangkat ng mga tao.
  • Sa ilalim ng pamumuno ni Nebucadnezar, ang Babilonia ay sumugod at sinakop ang kaharian ng Juda, at kinuha ang karamihan ng mga tao sa Juda at dinala sa Babilonia bilang mga bihag. Itong "Pagtatapon sa Babilonia" ay tumagal ng pitumpong taon.

Negeb

Ang Negeb ay isang disyertong rehiyon sa timog na bahagi ng Israel.

  • Ang kahulugan ng pinagmulan ng salita nito ay "ang Timog" at ilang mga salin sa Ingles ay isinasalin ito sa ganitong paraan.

-* Maaari na ang timog na rehiyon ay hindi katulad ng kinalalagyan ng disyerto ng Negeb ngayon.

-* Nang nanirahan si Abraham sa lungsod ng Kades, siya ay nasa Negeb o timog na rehiyon.

-* Ang lipi ng mga Judio ng Juda at Simeon ay nanirahan sa timog na rehiyong ito.

-* Ang pinakamalaking lungsod sa rehiyon ng Negeb ay Bersiba.


Nehemias

Si Nehemias ay isang Israelita na nanirahan sa imperyo ng Babilonia nang ang mga tao sa Israel at ang Juda ay ginawang bihag ng mga taga-Babilonia.

  • Habang siya ang namamahala ng inumin para sa hari ng Persia, na si Artaxerxes, humingi si Nehemias sa hari ng pahintulot na bumalik sa Jerusalem.
  • Pinangunahan ni Nehemias ang mga Israelita sa muling pagtatayo ng pader ng Jerusalem na nasira ng mga taga-Babilonia.
  • Labindalawang taon siyang gobernador ng Jerusalem bago bumalik sa palasyo ng hari.
  • Ang Lumang Tipan na aklat ng Nehemias ay nagsasaad ng kuwento ng mga ginawa ni Nehemias sa muling pagtatayo ng mga pader at kaniyang pangangasiwa sa mga tao sa Jerusalem.
  • Nehemias ang pangalan ng ibang mga lalaki sa Lumang Tipan. Ang ibang mga lalaking ito ay kadalasang mayroong mga pangalan ng kanilang ama na isinasama sa kanilang pangalan, tulad ng, "Nehemias, anak ni Hakaliah."

Nephtali

Si Nephtali ay pang-anim na anak ni Jacob. Ang kaniyang kaapu-apuhan ay binuo ang tribo ni Nephtali, na isa sa labing-dalawang lipi ng Israel.

  • Nephtali ay ang tribo na nakatira sa pinakahilagang bahagi ng lupain ng Israel.
  • Ang tribong ito ay parehas na nabanggit sa Luma at Bagong Tipan ng Bibliya.
  • Ang pangalang Nephtali ay ginamit din para tukuyin ang lugar kung saan namuhay ang tribong ito . Ito ay maaring isalin bilang "ang lupaing pag-aari ng tribo ng Nephtali" o "ang lupain kung saan ang mga kaapu-apuhan ni Nephtali ay namuhay."
  • Ang pangalang Nephtali ay nangangahulugang "pakikipagbuno."

Ninive, taga-Ninive

Ang Ninive ay ang kabiserang lungsod ng Asiria. Ang mga taga-Ninive ay ang tao na nakatira sa Ninive.

  • Pinadala ng Diyos si propeta Jonas para balaan ang mga taga-Ninive na tumalikod sa kanilang mga masamang ginagawa. Ginawa nila ito, at hindi sila winasak ng Diyos.
  • Ang mga taga-Asiria ay huminto din sa paglilingkod sa Diyos. Nasakop nila ang kaharian ng Israel at dinala palayo ang mga tao sa Ninive.

Noe

Si Noe ay ang lalaki na nabuhay ng apat na libong taon na ang nakakaraan, sa panahon na nagpadala ang Diyos ng baha sa buong mundo para wasakin ang lahat ng mga masasamang tao sa mundo. Sinabi ng Diyos kay Noe na gumawa ng malaking bangka para siya at ang kaniyang pamilya ay mabuhay habang ang mundo ay natatakpan ng baha.

  • Si Noe ay matuwid na lalaki na sumunod sa Diyos sa lahat ng bagay.
  • Nang sinabi ng Diyos kay Noe kung paano gumawa ng malaking bangka, ginawa ito ni Noe na tamang-tama sa paraan ng pagkakasabi ng Diyos sa kaniya.
  • Sa loob ng bangka, si Noe at kaniyang pamilya ay nanatiling ligtas at pagkatapos ang kanilang mga anak at mga apo ay pinuno muli ang mundo ng mga tao.
  • Lahat ng mga tao na pinanganak mula ng baha ay kaapu-apuhan ng pamilya ni Noe.

Obadias

Si Obadias ay isa sa mga propeta ng Israel sa panahon ni Haring Zedekias.

  • Ang ibang mga propeta ng panahon an iyon ay sina Ezekiel at Daniel.
  • Si Obadias ay nagpropesiya laban sa mga tao ng Edom, na siyang kaapu-apuhan ni Esau.

Omri

Si Omri ay isang pinuno ng isang hukbo na naging ika-anim na hari ng Israel.

  • Si Omri ay naghari sa loob ng 12 taon sa lungsod ng Tirsa.
  • Katulad ng lahat ng hari ng Israel na nauna sa kaniya, si Omri ay isang napakasamang hari na pinamunuan ang mga tao ng Israel sa mas talamak na pagsamba sa diyos-diyosan.
  • Si Omri rin ang ama ng masamang hari na si haring Ahab.

Pablo, Saulo

Si Pablo ay isang pinuno ng sinaunang iglesia na pinadala ni Jesus para dalhin ang mabuting balita sa maraming ibang grupo ng mga tao.

  • Si Pablo ay isang Judio na ipinanganak sa lungsod ng Tarsus sa Roma, kung kaya isang mamamayan di siya ng Roma.
  • Si Pablo ay naunang tinatawag sa kaniyang Judiong pangalan, na Saulo.
  • Si Saulo ay naging isang pinunong pangrelihiyon ng mga Judio at nanghuli ng mga Judio na naging mga Kristiyano dahil hindi siya naniwala kay Jesus.
  • Tinagpo ni Jesus si Saulo sa pamamagitan ng isang nakakabulag na liwanag at sinabi sa kaniya na itigil ang pananakit sa mga Kristiyano. Pagkatapos ay nagpadala si Jesus ng isang Kristiyano para turuan si Saulo, at naniwala si Saulo kay Jesus.
  • Noong simula, nagturo si Saulo sa mga Judio tungkol kay Jesus.
  • Kinalaunan, pinadala ng Diyos si Saulo para turuan ang mga grupo ng mga tao patungkol kay Jesus sa maraming lungsod sa Roma. Matapos ay sinimulan niyang gamitin ang kaniyang pangalang Romano, na Pablo.
  • Sumulat din si Pablo ng mga liham para palakasin ang loob at turuan ang mga Kristiyano sa mga ilang lungsod. Ang ilan sa kaniyang mga liham ay nasa Bibliya.

Paddan Aram

Paddan Aram ay ang pangalan ng isang rehiyon kung saan ang pamilya ni Abraham ay nanirahan bago lumipat sa lupain ng Canaan.

  • Ang pamilya ni Nahor na kapatid na lalaki ni Abraham ay naiwan sa Paddan Aram. Nakilala sila bilang mga "Arameo" at ang kanilang wika ay tinawag na "Aramaic."
  • Ang lungsod ng Haran ay matatagpuan sa Paddan Aram at ang lugar kung saan ang kapatid na lalaki ni Rebeka na si Laban ay nanirahan.
  • Ang Paddan Aram ay marahil matatagpuan sa rehiyon ng modernong panahon ng Syria o sa timog-silangang Turkey.

Paran

Ang disyerto ng Paran ay isang ilang na lugar sa silangan ng Egipto at timog ng lupain ng Canaan. Mayroon din isang bundok ng Paran na maaaring isa ring pangalan para sa Bundok Sinai.

  • Ang alipin na si Agar at ang kaniyang anak na si Ismael ay nagpunta para manirahan sa disyerto ng Paran matapos iutos ni Sara kay Abraham na palayasin sila.
  • Nang pinangunahan ni Moises ang mga Israelita palabas ng Egipto, dumaan sila sa Ilang ng Paran.
  • Mula sa Kades-Barnea sa ilang ng Paran ng ipinadala ni Moises ang labindalawang lalaki upang maniktik sa lupain ng Canaan at bumalik para mag-ulat.
  • Ang Ilang ng Zin ay maaaring bahagi ng mas malawak na Ilang ng Paran.

Paraon, hari ng Egipto

Sa sinaunang panahon, ang mga hari na namuno sa bansang Egipto ay tinawag na mga paraon.

  • Lahat-lahat, higit sa 300 na mga paraon ang namuno sa Egipto sa loob ng mahigit 2,000 mga taon.
  • Ang mga haring ito ng Egipto ay napakamakapangyarihan at napakayaman.
  • Ilan sa mga paraon na ito ay binanggit sa Biblia.
  • Madalas ang titulong ito ay ginamit bilang pangalan kaysa sa titulo. Sa kalagayang ito, ito ay nakasulat sa malaking titik na "Paraon."

Pedro, Simon Pedro, Cefas

Ang mga pangalang ito ay tumutukoy sa iba't-ibang paraan kay Pedro, na isa sa labindalawang apostol ni Jesus. Isa siya sa mahalagang pinuno ng naunang Iglesia.

  • Bago siya tinawag ni Jesus para maging alagad, ang pangalan ng taong ito ay Simon.
  • Kinalaunan, pinangalanan din siya ni Jesus na Cefas, na ibig sabihin ay "bato" o "malaking bato" sa wikang Aramaico. Tinawag din siya na Pedro, na ang kahulugan ay "bato" o "malaking bato" sa wikang Griego.
  • Siya ay mas kilala sa mga pangalang Pedro o Simon Pedro.
  • Kumilos ang Diyos sa pamamagitan ni Pedro upang magpagaling ng mga tao at upang ipangaral ang mabuting balita tungkol kay Jesus.
  • Ang dalawang aklat sa Bagong Tipan ay mga liham na isinulat ni Pedro upang magpalakas at magturo sa mga kapwa mananampalataya.

Peor, Bundok ng Peor, Baal Peor

Ang Peor ay pangalan ng isang bundok na nasa rehiyon ng Moab, silangan ng Dagat ng Asin. Ito rin ang lupa na kung saan ang tribo ni Ruben ay nakatira.

  • Ang pangalang "Beth Peor" ay ibang pangalan para sa siyudad ng Peor.
  • "Baal Peor" ay isang diyus-diyosan ng mga Moabita na sinamba sa Bundok ng Peor.

Perezeo

Ito ay isang grupo ng mga tao na maraming beses na nakasalamuha ng mga Israelita sa Palestina. Ang grupong ito ay kailanman hindi binanggit na mayroong anuman paglalarawan sa kuung ano sila at kung sa anong lugar ang kanilang tinirhan.

  • Madalas silang binanggit sa aklat ng mga Hukom kung saan sinasabi na ang mga Perezeo ay nakipag-asawa sa mga Israelita at inudyukan silang maglingkod sa kanilang mga diyus-diyosan.
  • Ang mga Perizzies ay ibang grupo ng mga tao sa Perezeo. Maaaring kinakailangang baybayin ang mga pangalang ito sa magkaibang paraan upang ang mga ito ay maging malinaw.

Persia, Mga Persyano

Ang imperyo ng Persia ay naitatag sa pamamagitan ni Ciro na Dakila sa 550 taon bago ipinanganak si Cristo. Ang sentro nito ay matatagpuan sa modernong-panahon na bansa ng Iran. Ang mga tao ng Persya ay tinatawag na mga "Persyano."

  • Ang Imperyo ng Persia ay napakalaki at makapangyarihan.
  • Sa ilalim ng pag-uutos ni Haring Ciro, ang mga Judio ay pinalaya mula sa pagkakabihag sa Babilonia, at ang templo sa Jerusalem ay muling itinayo, na pinondohan ng Imperyo ng Persya.
  • Si Haring Artaxerxes ang pinuno ng imperyo ng Persia nang si Ezra at Nehemias ay bumalik patungong Jerusalem upang muling itayo ang pader ng Jerusalem.
  • Si Ester ay naging reyna ng imperyo ng Persia noong naging asawa siya ni Haring Ahasuerus.

Pilato

Si Pilato ay ang gobernador ng Roma na humatol kay Jesus upang mamatay.

  • Dahil si Pilato ay isang gobernador, mayroon siyang kapangyarihan na ilagay ang mga kriminal sa kamatayan.
  • Gusto ng mga namumunong relihiyosong Judio na ipapako ni Pilato si Jesus sa krus, kaya sila ay nagsinungaling at sinabi na si Jesus ay isang kriminal.
  • Napagtanto ni Pilato na si Jesus ay walang kasalanan, ngunit takot siya sa mga tao, kaya inutusan niya ang kaniyang mga kawal na ipako sa krus si Jesus.

Ponecia

Sa sinaunang panahon, ang Ponecia ay mayamang bansa sa gawi ng baybaying dagat ng Mediteraneo. Ito ay matatagpuan sa kanlurang rehiyon ng bansang Lebanon sa kasalukuyang panahon.

  • Sa mga panahon ng Bagong Tipan, ang kabisera ng Ponecia ay Tiro. Isang mahalagang lungsod ng Ponecia ay ang Sidon.
  • Ang Ponecia ay kilalang-kilala dahil sa mga puno ng cedar, lilang tina, at sa kanilang kakayahan na maglakbay at mangalakal sa dagat. Sila ay mga dalubhasa sa paggawa ng bangka.

Ponto

Ang Ponto ay isang probinsya sa Roma sa loob ng panahon ng Imperyo ng Roma at ng unang Iglesiya. Ito ay matatagpuan sa tabi ng baybayin ng Itim na Dagat, sa hilagang bahagi na ngayon ay ang bansang Turkey.

  • May ilang mga tao mula sa probinsya ng Ponto ang naroon sa Jerusalem nang ang Banal na Espiritu ay unang dumating sa mga apostol sa araw ng Pentecostes.
  • Ang Kristiyanong Griego na si Apolo ay mula sa Ponto.
  • Si Pedro ay sumulat sa lahat ng mga Kristiyano na nakakalat sa iba't ibang mga rehiyon katulad ng Ponto.

Potipar

Si Potipar ay isang mahalagang opisiyal ng paraon ng Egipto sa panahon kung saan si Jacob, ang kaniyang mga asawa, at kaniyang mga anak ay naninirahan sa lupa ng Cananeo. Si Potipar ay ang kapitan ng mga bantay.

  • Binili ni Potipar ang anak ni Jacob na si Jose bilang isang alipin at inatasan siyang mamahala ng kaniyang sambahayan.
  • Nang si Jose ay inakusahan na gumagawa ng mali, pinilagay ni Potipar si Jose sa kulungan.

Priscila

Si Priscila ay isang unang siglong Kristiyanong Judio na, kasama ang kaniyang asawang si Aquila, ay nagtrabaho kasama si Pablo sa kaniyang gawaing misyonero.

  • Nakilala ni Pablo sina Aquila at Priscila sa Corinto.
  • Si Aquila at Priscila ay nanirahan sa Roma sa isang panandaling panahon.
  • Ang mag-asawa ay nagtrabaho bilang mga manggagawa ng Tolda kasama si Pablo, pati narin ang pagtulong sa kaniya sa kaniyang gawaing misyonero.
  • Kapwa sina Aquila at Priscila ay nabanggit ng ilang beses sa Bagong Tipan, bilang mga kamanggagawa ni Pablo.
  • Si Priscila ay kadalasang nabanggit bilang halimbawang isang babaeng guro sa unang Iglesia.

Rabba

Ang Rabba ang pinakamahalagang lungsod ng mga taong Ammonita.

  • Ang Rabba ay malimit na lusubin sa mga digmaan laban sa mga Ammonita.
  • Binihag ni Haring David ng Israel ang Rabba bilang isa sa kaniyang mga huling pagsakop.
  • Matagauan ang Rabba noon sa lungsod ngayon ng Amman Jordan.

Rahab

Si Rahab ay isang babae na nakatira sa Jerico nang salakayin ng Israel ang lungsod. Siya ay isang bayaran or babae na nagbebenta ng aliw.

  • Itinago ni Rahab ang dalawang taga-Israel na pumunta upang tiktikan ang Jerico bago salakayin ito. Tinulungan niya ang mga nagmamanman na makatakas pabalik sa kampo ng mga taga-Israel.
  • Si Rahab ay naging mananampalataya ni Yahweh at siya at ang kaniyang pamilya ay naligtas nang nasira ang Jerico. Namuhay sila kasama ang mga taga Israel.

Rama

Ang Rama ay ang sinaunang lungsod ng mga Israelita na matatagpuan ng may 8 kilometro hilaga ng Jerusalem sa Benjamin malapit sa Gabaon.

  • Ang Rama ay matatagpuan sa pook kung saan nanirahan ang mga apu-apuhan ni Raquel na asawa ni Jacob.
  • Nang ang mga Israelita ay dinalang bihag sa Babilonia, sila ay dinala muna sa Rama bago nagtungo sa Babilonia.
  • Ang Rama ay kung saan nakatira ang ina at ama ni Samuel.

Ramoth

Ang Ramoth ay isang mahalagang lungsod sa mga kabundukan ng Galaad. Tinatawag rin itong Ramoth Galaad.

  • Ang Ramoth ay pag-aari ng lipi ng Gad na mga Israelita at itinalaga bilang isang lungsod ng kanlungan.
  • Si Haring Ahab ng Israel at Haring Jehoshapat ng Judah ay nakipagdigmaan laban sa hari ng Aram sa Ramoth. Si Ahab ay napatay sa labanan na iyon.
  • Kinalaunan sinubukang kunin nina Haring Ahazias at Haring Joram ang lungsod ng Ramoth mula sa hari ng Aram pero si Joram ay nasugatan. Pareho silang napatay ni Jehu na siyang nabasbasan ng hari ng Israel sa Ramoth.

Raquel

Si Raquel ay isa sa mga asawa ni Jacob. Siya at ang kapatid niyang si Lea ang mga anak na babae ni Laban, tiyuhin ni Jacob.

  • Si Raquel ang ina nila Jose at Benjamin, na ang mga kaapu-apuhan ay naging dalawa sa mga tribo sa Israel.
  • Sa simula, si Raquel ay walang kakayanang magkaroon ng mga anak. Pagkatapos binigyan siya ng Diyos ng kakayahan na isilang si Jose.
  • Pagkaraan ng ilang mga taon, nang pinanganak niya si Benjamin, namatay si Raquel at inilibing siya ni Jacob malapit sa Bethlehem.

Rebeka

Si Rebeka ay isang anak ng isa sa mga pamangking lalaki ni Abraham. Ang kaniyang lolo ay kapatid na lalaki ni Abraham.

  • Pinili ng Diyos si Rebeka na maging asawa ng anak ni Abraham na si Isaac.
  • Iniwan ni Rebeka ang kaniyang bansa at sumama sa lingkod ni Abraham upang pumunta sa bansa ni Isaac, nagpakasal kay Isaac, at namuhay doon kasama ng kaniyang pamilya.
  • Matagal na panahong walang anak si Rebeka, pero sa huli ay pinagpala din siya ng Diyos ng kambal na lalaki, na sina Esau at Jacob.

Rehoboam

Si Rehoboam ay isa sa mga anak na lalaki ni Haring Solomon, at naging hari ng bansang Israel pagkatapos mamatay si Solomon.

  • Nang nagsalita ng marahas si Rehoboam sa bayan ng Israel, sampu sa mga tribo ay naghimagsik laban sa kaniya. Dahil dito, ang bansang Israel ay naging dalawang kaharian: ang kaharian ng Israel sa hilaga at ang kaharian ng Juda sa timog.
  • Nagpatuloy na maging hari si Rehoboam sa kaharian ng Juda, na kinabibilangan ng dalawang tribo na nanatiling tapat sa kaniya.
  • Si Rehoboam ay napakamasamang hari na hindi sumunod kay Yahweh, bagkus naglingkod sa mga diyus-diyosan.

Rimon

Ang Rimon ay pangalan ng isang tao at mga ilang Biblikal na lugar. Ito rin ay pangalan ng isang diyus-diyosan. Ang ibig sabihin nito ay ang prutas na "granada".

  • Ang lalaking nagngangalang Rimon ay isang Benjaminita mula sa lungsod ng Beerot sa Zebulun. Ang mga anak ng lalaking ito ay pinatay si Isboset, ang lumpong anak ni Jonatan.
  • Ang Rimon ay isang bayan sa katimugang bahagi ng Juda. Ang Malaking Bato ng Rimon ay isang lugar ng kaligtasan kung saan ang mga Benjaminita ay tumakas para hindi mapatay.
  • Rimon-Parez ay isang lugar na hindi alam kung saang banda ito sa ilang ng Judea.

Roma, Romano

Sa kasalukuyan, ang Roma ay isang kabiserang lungsod ng bansang Italia.

  • Sa panahon nila Jesus at ng mga apostol, ang Roma ay ang sentro ng Imperyo ng Roma.
  • Ang Imperyo ng Roma ay namuno sa lahat ng mga lalawigan sa palibot ng Dagat Mediteraneo, kasama ang Israel.
  • Ang salitang "Romano" ay tumutukoy sa anumang may kaugnayan sa mga lalawigan na pinamamahalaan ng pamahalaan sa Roma, kasama ang mga Romanong mamamayan at mga opisyales.
  • Si Apostol Pablo ay dinala sa bayan ng Roma bilang bilanggo dahil pinangaral niya ang mabuting balita tungkol kay Jesus.

Ruben

Si Ruben ay panganay na anak na lalaki ni Jacob. Ang kaniyang ina ay si Lea.

  • Nang binabalak ng mga kapatid niya na patayin ang kanilang nakababatang kapatid na lalaki na si Jose, niligtas ni Ruben ang buhay ni Jose sa pagsasabi sa kanila na sa halip ay ilagay na lang siya sa malalim na hukay.
  • Maya-maya ay bumalik si Ruben para iligtas si Jose, ngunit ang iba niyang mga kapatid ay ipinagbili na siya bilang alipin sa mga dumadaang negosyante.
  • Ang mga kaapu-apuhan ni Ruben ay naging isa sa labindalawang mga lipi ng Israel.

Ruth

Si Ruth ay isang Moabita na nabuhay sa panahon kung saan ang mga hukom ay namumuno sa Israel. Siya ay isang unang ninuno ni Jesu-Cristo.

  • Si Ruth ay higit na kilala sa kaniyang katapatan sa kaniyang biyanang babae na si Naomi. Si Ruth ay naglakbay kasama niya pabalik sa Israel at nagbigay tulong sa kaniya.
  • Binigay niya ang kaniyang sarili sa paglilingkod sa nag-iisang tunay na Diyos ng Israel.
  • Pinakasalan ni Ruth ang isang Israelita at nagsilang ng isang anak na lalaki na naging lolo ni Haring David.

Sadoc

Sadoc ay ang pangalan ng isang mahalagang pinakapunong pari sa Israel noong panahon ng paghahari ni Haring David.

  • Sinuportahan ni Sadoc si David noong si Absalom ay naghimagsik laban sa kaniya; tumulong siya para maibalik ang kaban ng tipan sa Jerusalem.
  • Pagkatapos ng ilang taon, nakibahagi rin siya sa seremonya ng pagpahid ng langis sa anak ni David na si Solomon bilang hari.
  • Dalawang tao na may pangalang Sadoc ay tumulong sa pagpapatayo muli ng mga pader ng Jerusalem noong panahon ni Nehemias.
  • Sadoc ay ang pangalan din ng lolo ni Haring Jotam.

Samaria, Samaritano, taga Samaria

Ang Samaria ay ang pangalan ng isang lungsod at kabilang ang pumapalibot sa rehiyon nito sa hilagang bahagi ng Israel. Ang rehiyon ay matatagpuan sa gitna ng Kapatagan ng Sharon sa kanluran nito at ang Ilog Jordan sa silangan nito.

  • Sa Lumang Tipan, ang Samaria ay ang kabiserang lungsod ng hilagang kaharian ng Israel. Kinalaunan ang rehiyong pumapalibot ay tinawag ding Samaria.
  • Noong sinakop ng mga taga-Asiria ang hilagang kaharian ng Israel, nasakop nila ang lungsod ng Samaria at napilitan ang marami sa mga Israelita na iwanan ang rehiyon at nilipat sila ng malayo sa iba't ibang mga lungsod ng Asiria.
  • Ang mga taga-Asiria ay nagdala rin ng maraming dayuhan sa rehiyon ng Samaria upang palitan ang mga nilipat na mga Israelita.
  • Ilan sa mga Israelitang nanatili sa rehiyon na iyon ay pinakasalan ang mga dayuhang lumipat doon, at ang kanilang kaapu-apuhan ay tinawag na mga Samaritano.
  • Mababa ang tingin ng mga Judio sa mga Samaritano dahil sila ay bahaging Judio lamang at dahil sinamba nila ang mga paganong diyos.
  • Sa panahon ng Bagong Tipan, ang rehiyon ng Samaria ay hangganan mula sa rehiyon ng Galilea sa hilaga at ang rehiyon ng Judea sa timog.

Samson

Si Samson ay isa sa mga hukom, o tagapagpalaya ng Israel. Siya ay mula sa lipi ng Dan.

  • Binigyan ng Diyos si Samson ng kahanga-hanga lakas na higit sa pangkaraniwang taong na ginamit niya upang labanan ang mga Filisteo na kaaway ng Israel.
  • Si Samson ay isinailalim sa panatang hindi kailanman puputulin ang kaniyang buhok at hindi kailanman iinom ng alak o iba pang pinaasim na inumin.
  • Noong sumuko siya sa pagsusumamo ng kaniyang mapanlinlang na asawa, na si Delilah, at sinabi sa kaniya ang lihim ng kaniyang lakas, pinutol niya ang buhok nito upang mawala ang kaniyang lakas.
  • Habang si Samson ay nasa pagkabihag, ibinalaki muli ng Diyos ang kaniyang lakas at binigyan siya ng pagkakataon na sirain ang templo ng diyus-diyosang si Dagon, kasama ang maraming Filisteo.

Samuel

Si Samuel ay isang propeta at ang huling hukom ng Israel; pareho niyang hinirang sina Saul at David bilang mga hari sa Israel.

  • Si Samuel ay isinilang kina Elkana at Ana sa bayan ng Rama.
  • Si Ana ay baog, ngunit si Samuel ay sinilang bilang sagot sa masidhing panalangin ni Ana na bigyan siya ng Diyos ng isang lalaking anak.
  • Sa panalangin ni Ana, nangako siya sa Diyos na itatalaga niya ang kaniyang anak na lalaki sa Panginoon.
  • Noong si Samuel ay bata pa, ipinadala siya ni Ana upang tulungan ang paring si Eli sa templo tulad ng kaniyang pinangako sa kaniyang panalangin.

Santiago (anak ni Alfeo)

Si Santiago, ang anak ni Alfeo ay isa sa labindalawang apostol ni Jesus.


Santiago (anak ni Zebedeo)

Si Santiago, isang anak na lalake ni Zebedeo, na isa sa labindalawang apostol ni Jesus. Mayroon siyang isang nakababatang kapatid na lalake na nagngangalang Juan na isa rin sa mga apostol ni Jesus.

  • Si Santiago at ang kaniyang kapatid na lalake na si Juan ay isang mangingisda kasama ang kaniyang ama na si Zebedeo.
  • Sina Santiago at Juan ay may mga palayaw na "Mga Anak ng Kulog," marahil dahil sa madali silang magalit.
  • Ito ay ibang Santiago kaysa sa sumulat ng isang aklat sa Bibliya. Maaaring isulat ng ilang mga wika ang kanilang mga pangalan ng magkaiba upang gawing malinaw na silang dalawa ay magkaibang tao.

Santiago (kapatid ni Jesus)

Si Santiago ay anak ni Maria at Jose, at isa sa mga kapatid ni Jesus sa ina.

  • Sa panahon ng pamumuhay ni Jesus sa lupa, si Santiago at ang kaniyang mga kapatid ay hindi naniwala na si Jesus ang Mesiyas.
  • Hindi nagtagal, pagkatapos na binuhay si Jesus mula sa mga patay, nanampalataya si Santiago sa kaniya at naging isang pinuno ng iglesia sa Jerusalem.
  • Sumulat si Santiago ng isang liham sa mga Kristiyano na naninirahan sa ibang mga bansa. Ang liham na iyon ay nasa Bibliya at tinawag na "Santiago."

Sara, Sarai

  • Si Sara ay ang asawa ni Abraham.
  • Ang pangalan noong una ni Sara ay "Sarai", ngunit pinalitan ito ng Diyos ng Sara.
  • Si Sara ay nagsilang ng anak na lalaki na ipinangako ng Diyos sa kaniya at kay Abraham.

Saul (sa Lumang Tipan)

Si Saul ay isang Israelitang lalaki na pinili ng Diyos para maging unang hari ng Israel.

  • Si Saul ay mataas at matipunong lalaki, at isang makapangyarihang sundalo. Siya ay ang uri ng tao na gusto ng mga Israelita na kanilang maging hari.
  • Bagamat siya ay naglingkod noong una sa Diyos, kinalaunan siya ay naging mayabang at sumuway sa Diyos. Dahil nito, itinalaga ng Diyos si David para pumalit kay Saul bilang hari.

Ilang daang taon ang nakalipas, mayroong isang Judio na ang pangalan ay Saul, ngunit ang kaniyang pangalan ay pinalitan ng Pablo matapos niyang makilala si Jesus.


Seba

Sa sinaunang panahon, Seba ay isang kabihasnan o rehiyon na matatagpuan sa bandang katimugang Arabia.

  • Ang Seba ay namalagi malapit sa tinatawag ngayong Yemen o Ethiopia, mula 1200 bago ipinanganak si cristo hanggang sa taong 275 ipinanganak si Cristo.
  • Marahil ang mga naninirahan dito ay ang mga kaapo-apuhan ni Ham.
  • Ang Reyna ng Seba ay nagpunta upang bisitahin si Haring Solomon nang kaniyang narinig ang tanyag niyang karangyaan at karunungan.
  • Mayroon ding ilang mga lalaki na nagngangalang "Seba" sa Lumang Tipan.

Sechem

Sechem ay isang bayan na nasa Canaan na matatagpuan halos 40 milya sa hilaga ng Jerusalem. Sechem ay isa ring pangalan ng isang lalaki sa Lumang Tipan.

  • Ang Sechem ay kung saan si Jacob nanirahan pagkatapos makipagkasundo sa kaniyang kapatid na si Esau.
  • Bumili si Jacob ng lupa mula sa mga anak na lalaki ni Hamor sa Sechem, pagkatapos ay naging lupang libingan ng kaniyang pamilya at kung saan inilibing si Jacob ng kaniyang mga anak.

Sedechias

Si Sedechias ay ang huling hari ng Juda (597-587 bago ipinanganak si Cristo.). Mayroon ding ilan pang mga lalaki na pinangalanang Sedechias sa Lumang Tipan.

  • Si Haring Sedechias ay dalawampu't-isang taong gulang nang maupo sa trono, pagkatapos patalsikin ni Nebucodonosor ang karamihan sa mga maharlika sa Babilonia.
  • Sumangguni si Sedechias kay Jeremias at Ezekiel, ngunit hindi siya naging mabuting pinuno.
  • Siya ay nabihag pagkatapos ng paglusob sa Jerusalem, dinala sa harapan ng hari ng Babilonia at hinatulan na panoorin ang kaniyang mga anak na lalaking pinapatay, pagkatapos kung saan siya ay binulag.

Sem

Si Sem ay isa sa tatlong anak na lalaki ni Noe na sumama sa kaniya sa loob ng arko habang lubog sa baha ang buong mundo na inilarawan sa Aklat ng Genesis.

  • Si Sem ay ang Ama ng mga pangkat ng taong Semitic na sa huli ay naging bayan ng Israel.
  • Itinala ng Bibliya ang haba ng buhay ni Sem ay halos 600 na taon.

Semei

Ilang mga lalaki sa Lumang Tipan ay pinangalanang Semei.

  • Semei na anak ni Gera, isang Benjamita na isinumpa si Haring David at naghagis ng mga bato sa kaniya habang siya at kaniyang anak na si Absalom ay tumatakas mula sa Jerusalem.
  • Ilan sa mga lalaki na pinangalanang Semei sa Lumang Tipan ay naglingkod bilang mga paring Levita.

Senaquerib

Si Senaquerib ay isang makapangyarihang hari ng Asiria na naging dahilan sa pagiging mayaman at mahalagang lungsod ng Nineve.

  • Si Haring Senaquerib ay kilala dahil sa kaniyang mga pakikidigma laban sa Babilonia at ang kaharian ng Juda.
  • Siya ay isang lubhang mapagmataas na hari at inalipusta niya si Yahweh.
  • Nilusob ni Senaquerib ang Jerusalem noong panahon ni Haring Hezekias at ng propetang Isaias.
  • Si Yahweh ang naging sanhi ng pagkawasak ng hukbo ni Senaquerib.
  • Ang mga Hari at mga Cronica na mga aklat sa Lumang Tipan ay nagtala ng ilang mga kaganapan sa kaniyang paghahari.

Set

Si Set ay ang pangatlong anak ni Adan at Eva na binanggit sa Biblia.

  • Sinabi ni Eva na si Set ay ibinigay sa kaniya bilang kapalit ni Abel, na pinatay ng kaniyang kapatid na si Cain.
  • Si Set ay ang ninuno ni Noe at ng bawat isa na nabuhay simula noon.
  • Ang mga kaapu-apuhan ni Set ay ang sinasabing mga unang "tumawag sa pangalan ng Panginoon."

Sharon, Kapatagan ng Sharon

Ang Sharon ay ang pangalan ng isang kapatagan, matabang lupa sa lugar sa gawing baybaying Dagat ng Mediteranio, timog ng Bundok ng Carmel. Ito rin ay kilala bilang "Kapatagang ng Sharon."

  • Ilang mga lungsod ang nabanggit sa Bibliya na matatagpuan sa Kapatagan ng Sharon, kasama ng Joppa, Lydda, at Caesarea.
  • Ito ay maaaring isalin bilang "Ang kapatagan na tinawag na Sharon" o " Kapatagang Sharon."
  • Ang mga tao na nanirahan sa rehiyon ng Sharon ay tinawag na "Sharonites."

Shinar

Shinar ay nangangahulugang "bansa ng dalawang ilog" at pangalan ng isang kapatagan o rehiyon sa dakong timog ng Mesopotamia.

  • Ang Shinar nang kinalaunan ay naging kilala bilang Caldea at pagkatapos, Babilonia.
  • Ang lungsod ng Babel ay marahil ang pinaka kilalang lungsod sa Shinar kung saan ang sinaunang mga tao na naninirahan doon ay nagtayo ng isang mataas na tore.
  • Si Abraham ay mula sa lungsod ng Ur sa rehiyong ito, nang sa mga panahon na iyon ay tinatawag nang Chaldea.

Sidon, mga taga-Sidon.

Si Sidon ay ang pinakamatandang anak na lalaki ni Canaan. Mayroon ding isang Cananeong lungsod na tinatawag na Sidon.

  • Ang lungsod ng Sidon ay matatagpuan sa baybaying Dagat Mediteranio sa isang rehiyon na ngayon ay kabahagi ng kasalukuyang bansa ng Lebanon.
  • Ang mga "taga-Sidon" ay isang pangkat ng mga tao na nanirahan sa sinaunang Sidon at sa mga lugar na napalilibutan nito. Ang mga taong ito ay mga Hentil.
  • Sa Bibliya, ang Sidon ay madalas na inuugnay sa lungsod ng Tiro, at itong dalawang ang mga lungsod ay kilala sa kanilang kayamanan at imoral na kaugalian ng kanilang mga tao.

Silas, Silvanus

Si Silas ay isang pinuno sa gitna ng mga mananampalataya sa Jerusalem.

  • Inatasan ng iglesiya sa Jerusalem si Silas na pumunta kasama si Pablo at Barnabe sa lungsod ng Antioquia.
  • Kinalaunan, si Silas ay naglakbay kasama ni Pablo sa ibang mga lungsod upang turuan ang mga tao patungkol kay Jesus.
  • Si Pablo at Silas ay ikinulong sa lungsod ng Filipos. Nagtiwala sila sa Diyos at umawit ng mga papuri sa kaniya habang sila ay naroon. Pinalaya sila ng Diyos mula sa kulungan, at ginamit sila upang maligtas ang bantay-bilangguan.

Silo

Ang Silo ay isang napapaderang lungsod ng Cananeo na nasakop ng mga Israelita sa ilalim ng pamumuno ni Josue.

  • Ang lungsod ng Silo ay matatagpuan sa kanluran ng Ilog Jordan at hilagang-silangan ng lungsod ng Bethel.
  • Sa panahon na si Josue ay nangunguna sa Israel, ang lungsod ng Silo ay isang tagpuan ng mga tao ng Israel.
  • Ang labindalawang tribo ng Israel ay nagkita-kita sa Silo upang makinig kay Josue para sabihin sa kanila kung anong bahagi ng lupa ng Canaan ang itinalaga sa bawat isa sa kanila.
  • Bago pa ang anumang Templo ay naitayo sa Jerusalem, ang Silo ay ang lugar kung saan nagpunta ang mga Israelita upang mag-alay sa Diyos.
  • Habang bata pa si Samuel ay dinala siya ng kaniyang inang si Hannah sa Silo upang ialay siya sa Panginoon. Siya ay nanatili roon kasama ang pari na si Eli upang sanayin na maglingkod sa Diyos.

Simeon

Sa Bibilya, may ilang mga lalaki na pinangalanang Simeon.

  • Sa Lumang Tipan, ang pangalawang anak na lalaki ni Jacob (Israel) at Lea ay pinangalanang Simeon. Ang kaniyang kaapu-apuhan ay naging isa sa labindalawang lipi ng Israel.

  • Ang sakop ng tribo ni Simeon ay ang pinaka dakong timog na lupain sa ipinangakong lupa ng Canaan, isang pook na bahagi ng mana ni Judah.

  • Sa Bagong Tipan, isang makadiyos na lalaki na pinangalanang Simeon ay nasa Templo sa Jerusalem nang dinala ni Jose at Maria ang sanggol na si Jesus doon upang ihandog siya sa Diyos. Binasbasan ni Simeon si Jesus at pinuri ang Diyos sa pagkakaloob sa Mesias na siyang magiging Tagapagligtas ng lahat ng Tao.

  • Upang gawing malinaw na ang mga ito at iba pang mga lalaki na may pangalan na Simeon ay tunay na magkaibang tao, ang ilang mga tagasalin ay maaaring piliin na baybayin ang kanilang mga pangalan na bahagyang mag-kaiba.


Simon na Makabayan

Si Simon na Makabayan ay isa sa pinakamalapit sa labindalawang alagad ni Jesus.

  • Kaunti lamang ang nalalaman patungkol kay Simon na Makabayan. Siya ay nabanggit ng tatlong beses sa listahan ng alagad ni Jesus.
  • Si Simon ay isa sa labing-isa na sama-samang nagkita pagkatapos bumalik ni Jesus sa langit.
  • Inaakala ng iba na ang salitang "makabayan" ay nangangahulugan na si Simon ay isang kasapi ng "ang mga Makabayan" na isang relihiyosong pangkat ng Judio na masidhi sa pagtataguyod ng pagtitibay ng Kautusan ni Moises habang matinding sumasalungat sa pamahalaang Romano.
  • Iniisip ng iba na ang salitang "makabayan" ay nagpapahayag ng masidhing pagkarelihiyoso ni Simon.

Sinai, Bundok Sinai

Ang Sinai ay ang pangalan ng isang bundok na marahil matatagpuan sa dakong timog na bahagi na ngayon ay tinawag na Tangway ng Sinai.

  • Ang mga Israelita ay dumating sa Bundok ng Sinai habang sila ay naglalakbay mula Ehipto patungo sa Lupang Pangako.
  • Ang Bundok Sinai ay bahagi ng isang malaki, mabatong desyerto.
  • Binigay ng Diyos ang Sampung Utos kay Moises sa Bundok ng Sinai.

Siria

Ang Siria ay isang bansa na matatagpuan sa hilagang-silangan ng Israel. Noong panahon ng Bagong Tipan, ito ay isang lalawigan na nasa ilalim ng pamamahala ng Imperyo ng Roma.

  • Sa panahon ng Lumang Tipan, ang mga taga-Siria ay mga malalakas na hukbo na kaaway ng mga Israelita.
  • Si Naaman ay pinuno ng hukbo ng Siria na napagaling sa ketong ng propetang Eliseo.
  • Maraming mga mamamayan ng Siria ay kaapu-apuhan ni Aram, na nagmula sa anak ni Noe na si Shem.
  • Ang Damasco na kabisera ng lungsod ng Siria,ay maraming beses na nabanggit sa Bibliya.
  • Si Saul ay nagpunta sa lungsod ng Damasco na may mga planong usigin ang mga Kristiyano doon pero pinigil siya ni Jesus.

Sodoma

Ang Sodoma ay isang lungsod sa katimugang bahagi ng Canaan kung saan ang pamangking lalaki ni Abraham na si Lot ay nanirahan kasama ang kaniyang asawa at mga anak.

  • Ang lupain sa rehiyon na pumapalibot sa Sodoma ay matubig at malago, kaya dito napili ni Lot na mamuhay noong siya ay unang nanirahan sa Canaan.
  • Ang tiyak na lokasyon ng lungsod na ito ay hindi kilala dahil ang Sodoma at ang karatig na lungsod ng Gomorra ay lubusang winasak ng Diyos, bilang parusa sa mga masasamang bagay na ginagawa ng mga tao doon.
  • Ang pinakamalaking kasalanan ng mga tao sa Sodoma at Gomorra na kanilang ginagawa ay ang kahalayan sa kaparehong kasarian.

Solomon

Si Solomon ay isa sa mga anak ni Haring David. Ang kaniyang ina ay si Batsheba.

  • Nang si Solomon ay naging hari, sinabi sa kaniya ng Diyos na hilingin ang anumang bagay na nais niya. Kaya humingi si Solomon ng karunungan upang pamunuan ang mga tao ng matuwid at maayos. Nasiyahan ang Diyos sa kahilingan ni Solomon at binigyan siya ng parehong karunungan at maraming kayamanan.
  • Si Solomon ay nagtayo ng templo para sa Diyos sa Jerusalem na binalak ipatayo ng kaniyang ama na si David.
  • Bagamat si Solomon ay namahala ng may karunungan sa simula ng kaniyang taon ng paghahari, kinalaunan hangal niyang pinakasalan ang maraming banyagang babae at nagsimulang sambahin ang kanilang mga diyos.
  • Dahil sa hindi naging tapat si Solomon sa Diyos, pagkatapos niyang mamatay, hinati ng Diyos sa dalawang kaharian ang mga Israelita: Israel at Juda. Ang mga kahariang ito ay madalas naglaban sa isa't isa.

Succoth

Succoth ay pangalan ng dalawang siyudad sa Lumang Tipan. Ang ibig sabihin ng salitang "succoth" (o "sukkoth") ay "mga kanlungan."

  • Ang unang siyudad na tinawag na Succoth ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Ilog Jordan.
  • Si Jacob ay tumira kasama ang kaniyang pamilya at mga kawan sa Succoth, nagtayo siya ng mga kanlungan para sa kanila doon.
  • Mga daang taon ang lumipas, si Gideon at ang mga pagod niyang tauhan ay tumigil sa Succoth habang hinahabol nila ang mga taga-Midian, ngunit ang mga tao roon ay tumanggi na bigyan sila ng kahit anong pagkain.
  • Ang pangalawang Succoth ay matatagpuan sa hilagang hangganan ng Egipto at isang lugar kung saan tumigil ang mga Israelita pagkatapos nilang tumawid sa Dagat na Pula habang tinatakasan nila ang pagka-alipin mula sa Egipto.

Tamar

Tamar ay pangalan ng ilang babae sa Lumang Tipan. Ito ay isa ring pangalan ng isang lugar na binanggit sa aklat ng Ezekiel.

  • Si Tamar ay manugang ni Juda. Isinilang niya si Parez na ninuno ni Jesu-Cristo.
  • Isa sa mga anak na babae ni Haring David ay may pinangalanan ding Tamar; ang kaniyang kapatid na lalaki sa ama ay si Amnon na gumahasa sa kaniya at iniwan siyang mapanglaw.

tao ng Diyos

Ang salitaing "tao ng Diyos" ay isang magalang na paraan sa pagtukoy sa isang propeta ni Yahweh.

  • Ito ay katawagan ng karangalan na ibinibigay sa maraming propeta sa Lumang Tipan.
  • Ito ay maaari ring isalin bilang "taong nabibilang sa Diyos." o "taong pinili ng Diyos" o "taong naglilingkod sa Diyos."

Tarsis

Tarsis ay pangalan ng apo ni Jafet na anak ni Noe.

  • Si Jonas sa Lumang Tipan ay sinubukang takasan ang utos ng Diyos sa pamamagitan ng pagsakay ng barko papuntang Tarsis.
  • Tarsis ay pangalan din ng isang daungang lungsod sa Biblia, pero hindi alam kung saan ito matatagpuan. Iniisip ng iba na tumutukoy ito sa Carthage o ilang lungsod ng Fenicia na may kalayuan sa Israel.
  • Si Haring Solomon ay nakipagkalakal sa Tarsis, na isang napakayamang lungsod, na makikita sa mga mahalagang mga produkto na nadala upang ipagbili o ikalakal doon.
  • Noong sabihin ng Diyos kay Jonas na pumunta siya sa Nineve, sa halip na pumunta doon, pumunta siya sa Joppa at sumakay sa isang barko na naglalayag patungong Tarsis.

Tarso

Ang Tarso ay isang sinauna at mayamang lungsod na matatagpuan sa lalawigan ng Romano ng Celicia, na ngayon ay gitnang-katimugang Turkey.

  • Ang kinalalagyan nito sa gawi ng pangunahing ilog at malapit sa baybayin ng Dagat Mediterano ay ang dahilan na naging napakahalagang daang pangkalakal ito.
  • Sa isang punto ng kasaysayan, ito ay nakilala bilang kabisera ng lungsod ng Celicia.
  • Ang Tarsus ay lugar ng kapanganakan ni apostol Pablo.

Terah

Si Terah ay kaapu-apuhan ni Sem na anak ni Noe. Siya ang Ama ni Abram, Nahor at Haran.

  • Iniwan ni Terah ang kaniyang tahanan sa Ur upang pumunta sa lupain ng Canaan kasama ang kaniyang anak na lalaki na si Abram, kaniyang pamangkin na si Lot, at si Sara na asawa ni Abram.
  • Sa daan patungong Canaan, sandali silang nanirahan sa lungsod ng Haran sa Mesopotamia, si Terah ay namatay sa Haran sa edad na 205.

Tesalonica, Taga-Tesalonica

Sa panahon ng Bagong Tipan, ang Tesalonica ay kabiserang lungsod ng Macedonia sa sinaunang Imperyo ng Roma. Ang mga taong naninirahan sa lungsod na iyon ay tinatawag na "mga taga-Tesalonica."

  • Ang lungsod ng Tesalonica ay isang mahalagang daungang-dagat at matatagpuan din sa isang pangunahing lansangang nagdurugtong sa Roma sa kabuuan ng Imperyo ng Roma sa silangan.
  • Si Pablo kasama sina Silas at Timoteo, ay bumisita sa Tesalonica sa kaniyang ikalawang lakbaying misyonero at bilang isang bunga, isang umuunlad na Iglesia ang itinatag doon. Pagkaraan, si Pablo ay bumisita rin sa lungsod na ito sa kaniyang ikatlong lakbaying misyonero.
  • Sumulat si Pablo ng dalawang liham sa mga Kristiyano sa Tesalonica. Ang mga liham na ito, Unang Tesalonica at Ikalawang Tesalonica, ay kasama sa Bagong Tipan.

Timoteo

Si Timoteo ay isang batang lalaki mula sa Listra na naging mananampalataya kay Cristo bilang bunga sa pangangasiwa ni Pablo sa kaniyang bayan. Kalaunan siya ay sumama kay Pablo sa maraming misyonerong mga paglalakbay at tumulong mangalaga sa samahan ng mga bagong mananampalataya.

  • Kapwa ang kaniyang lola na si Lois at ang kaniyang inang si Eunice ay mga Judio at mga mananampalataya kay Cristo, ngunit ang kaniyang ama ay isang Griego.
  • Sapagkat si Timoteo ay bahagyang Judio, siya ay tinuli ni Pablo sa gayon maaari siyang makitipon at mapaglingkuran ang mga Judio ng hindi masaktan ang damdamin nila.
  • Ang mga nakatatanda at si Pablo ay pormal na itinalaga si Timote para maging tagapangansiwa sa pamamagitan ng pagpapatong ng kanilang mga kamay sa kaniya at ipinapanalangin siya.
  • Dalawang aklat sa Bagong Tipan (1 Timoteo at 2 Timoteo) ay isinulat ni Pablo, nagbibigay patnubay kay Timoteo bilang batang pinuno ng lokal ng mga Iglesiya.

Tiquiko

Si Tiquiko ay isa sa mga kasamang lingkod ni Pablo sa ebanghelyo.

  • Sinamahan ni Tiquiko si Pablo sa isa sa kaniyang misyonerong paglalakbay sa Asya.
  • Inilarawan siya ni Pablo bilang "minamahal" o "tapat."
  • Dinala ni Tiquiko ang sulat ni Pablo sa Efeso at Colosas.

Tiro

Ang Tiro ay sinaunang lungsod sa Canaan sa baybayin ng dagat Mediteraneo na ngayon ay bansang Lebanon. Ang bahagi ng lungsod ay matatagpuan din sa isang isla sa dagat, halos isang kilometro mula sa baybayin.

  • Ang lungsod ng Tiro ay naitayo na bago pumunta ang mga Israelita sa Canaan. Nanatili itong lungsod ng mga Hentil.
  • Dahil sa kinalulugaran at mahahalagang likas na yaman nito, ang lungsod ng Tiro ay nagkaroon ng masaganang industriya at napakayaman.
  • Ang mga tao sa Tiro ay kilala sa pamumuhay na imoral.
  • Ang Tiro ay madalas sa naiuugnay sa sinaunang lungsod ng Sidon.

Tirsa

Ang Tirsa ay isang mahalagang Cananeong lungsod at kalaunan naging isa sa pansamantalang pangulong-bayan ng mga lungsod ng hilagang kaharian ng Israel.

  • Ang lungsod ng Tirsa ay matatagpuan sa lalawigan na sakop ng lipi ni Manase. Ang lungsod ay inaakalang nasa 10 milyang hilaga sa lungsod ng Sechem.
  • Ang Tirsa ay pangalan din ng isa sa apong mga babae ni Manase na humingi ng isang mana ng lupain yamang sila ay walang kapatid na mga lalaki na magmamana nito, na karaniwang kaugalian.

Tito

Si Tito ay isang naunang pinuno ng Iglesia na sinanay ni apostol Pablo.

  • Si Tito ay binigyan ng trabaho na maghirang ng mga pinuno ng Iglesia sa Krite.
  • Isang libro sa Bagong Tipan ay isang liham na isinulat ni Pablo para kay Tito .
  • Bilang isang pinunong Hentil ng Iglesia, si Tito ay hindi kinailangang magpatuli.

Tomas

Si Tomas ay isa sa labindalawang lalaki na pinili ni Jesus upang kaniyang maging mga alagad ( tinawag din mga apostol).

  • Si Tomas ay kilala sa ibang pangalang Didimo, isang salita na ang ibig sabihin ay "kambal."
  • Si Tomas ay mas kilala sa sinasabi niyang hindi siya maniniwala na si Jesus ay nabuhay muli malibang makita at maramdaman niya ang mga bahagi kung saan nasugatan si Jesus.
  • Si Tomas din ang humiling kay Jesus na ipaliwanag kung paano nila malalaman ang daan patungo sa Ama.

Troas

Ang lungsod ng Troas ay daungan na matatagpuan sa hilagang kanlurang baybayin ng sinaunang probinsiya ng Roma sa Asya.

  • Dinalaw ni Pablo ang Troas ng hindi bababa sa tatlong beses sa kaniyang misyonaryong paglalakbay.
  • Sa isang panahon doon, ginabi nang husto si Pablo sa kaniyang pangangaral at isang lalaki na nagngangalang Eutico ay nakatulog. Dahil siya ay nakaupo sa bukas na bintana, si Eutico ay nahulog at namatay. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, binuhay ni Pablo ang binatang ito.
  • Nang si Pablo ay nasa Roma, sinabihan niya si Timoteo na dalhin ang balumbon ng kasulatan at ang kaniyang balabal na naiwan niya sa Troas.

Tubal

Si Tubal ay anak na lalaki ni Jafet na anak ni Noe.

  • Ang Tubal ay pangalan din ng pangkat ng mga tao na binanggit ni Isaias at Ezekiel.
  • Ang lalaking ito ay iba kay Tubal-Cain na anak na lalaki ni Lamec.

Ur

Ang Ur ay isang mahalagang lungsod sa may Ilog Eufrates sa matandang rehiyon ng Caldea, na matatagpuan sa lugar na ngayon ay ang makabagong bansa ng Iraq.

  • Si Abraham ay galing sa lungsod ng Ur at mula doon tinawag siya ng Diyos

    upang umalis para magtungo sa lupa ng Canaan.

  • Si Haran, kapatid na lalaki ni Abraham at Ama ni Lot, ay namatay sa Ur. Malamang ito ang dahilan kaya si Lot na sumama kay Abraham noong lisanin niya ang Ur.


Urias

Si Urias ay isang matuwid na lalaki at isa sa pinakamahuhusay na sundalo ni David.

  • Si Urias ay mayroong napaka-gandang asawa na nagngangalang Batseba.

  • Nagkasalaa si David ng pangangalunya sa asawa ni Urias at siya ay nagdalang-tao sa anak ni David.

  • Ipinapatay ni David si Urias sa labanan upang mapagtakpan ang

    kaniyang kasalanan. Pagkatapos ay pinakasalan ni David si Batseba.


Uzias, Azarias

Bandang 800 taon bago ipinanganak si Cristo, si Uzias ay naging hari ng Juda sa gulang na 16, at namuno ng 52 taon sa Jerusalem, isang hindi pangkaraniwang tagal ng pamumuno. Kilala rin si Uzias bilang "Azarias."

  • Kilala si Haring Uzias sa kaniyang maayos at mahusay na hukbo. Nagpatayo

    siya ng mga tore upang pangalagaan ang lungsod at nagpalagay ng mga armas pandigma na may natatanging disenyo upang makapaghagis ng palaso at mga malalaking bato.

  • Hanggat pinaglingkuran ni Uzias ang Panginoon, siya ay sumagana.

    Subalit sa dakong huling bahagi ng kaniyang pamumuno, naging mapagmataas siya at sinuway ang Panginoon sa pamamagitan ng pagsusunog ng insenso sa templo, na tanging ang pari lamang ang dapat gumawa.

  • Dahil sa kasalanang ito, nagkasakit ng ketong si Uzias at kinailangang

    manirahan siya nang hiwalay sa ibang mga tao hanggang sa pagwawakas ng kaniyang pamunuan.


Vasti

Sa aklat na Ester sa Lumang Tipan, si Vasti ang asawa ni Xerxes na hari ng Persia.

  • Inalis si Vasti sa pagiging reyna nang tumanggi siyang sundin ang utos ni

    Haring Xerxes na pumunta sa kaniyang handaan at ipagparangya ang kaniyang kagandahan sa kaniyang mga lasing na panauhin.

  • Dahil dito, nagpahanap ang hari ng isang bagong reyna at

    kinalaunan si Ester ay napili na maging bagong asawa ng hari.


Zacharias (sa Bagong Tipan)

Si Zacharias ay isang paring Judio na ama ni Juan na Tagapagbawtismo.

  • Minahal ni Zacharias ang Diyos at sinunod siya.
  • Sa maraming taon, si Zacharias at ang kaniyang asawang si Elisabet, ay masugid na nagdasal para magkaroon ng anak, ngunit hindi nagkaroon nito. At nang sila ay napakatanda na, dininig ng Diyos ang kanilang panalangin at binigyan sila ng anak na lalaki.
  • Si Zacharias ay nagpropesiya na ang kaniyang anak na lalaki na si Juan ay ang propeta na magpapahayag at maghahanda ng daan para sa Mesias.

Zacharias (sa Lumang Tipan)

Ang Zacharias ay ang pangalan ng iba't-ibang lalaki sa Lumang Tipan. Kabilang sa mga ito ay:

  • Isang tanyag na bantay-pinto sa templo sa panahon ni David. (1 Mga Cronica 26:2,14).
  • Isang anak na lalaki ni Haring Jehoshafat na pinatay ng kaniyang kapatid na lalaki na si Jehoram (2 Mga Cronica 21:2).
  • Isang pari na binato ng mga tao nang kinagalitan niya sila sa kanilang pagsamba sa diyus-diyosan (2 Mga Cronica 24:20).
  • Isang hari ng Israel na pinatay pagkatapos lamang ng anim na buwan sa trono (2 Mga Hari 14:29).
  • Isang propeta na nagpropesiya sa panahon ng paghahari ni Haring Darius I ng Persia. Hinimok ng kaniyang propesiya ang mga bumabalik na itinapon na muling itayo ang tahanan ng Panginoon. Siya ay nabuhay sa kasabay na panahon ni Ezra, Nehemias, Zerrubbabel at ng propetang si Haggai.

Zaqueo

Si Zaqueo ay isang maniningil ng buwis na mula sa Jerico na umakyat sa isang puno upang makita si Jesus.

  • Si Zaqueo ay ganap na nabago noong nanalig siya kay Jesus.
  • Siya ay nangako na ibibigay ang kalahati niyang mga ari-arian sa mahihirap.
  • Nangako rin siya na kaniyang ibabalik sa mga tao ng maka-apat na beses ang

mga labis niyang nasingil sa kanilang binayarang mga buwis."


Zebedeo

Si Zebedeo ay isang mangingisda mula sa Galilea. Ang kaniyang mga anak na lalaki, na si Santiago at si Juan, ay nagtatrabaho sa kaniya. Pagkatapos iniwan nila ang trabaho at naging dalawang mga apostol ni Jesus.


Zebulon

Si Zebulon ay ang huling anak na lalaki na ipinanganak kina Jacob at Lea at ang pangalan ng isa sa labindalawang lipi ng Israel

  • Ang Israelitang lipi ni Zebulon ay ginawaran ng lupa na malapit sa kanluran ng Dagat na Patay.
  • Minsan ang pangalang Zebulon ay ginamit upang tumukoy sa lupa na kung saan naninirahan ang lipi ng mga Israelita.
  • Ang ibig sabihin ng Zebulon ay "matayog."

Zepania

Zepania ay ang pangalan ng iilang mga lalaki sa Lumang Tipan, kabilang ang mga pari at ang propeta. Ang aklat sa Lumang Tipan ng propetang si Zepanai ay naglalaman ng kaniyang mga pagpapahayag.

  • Ang propetang si Zepanaia ay nakatira sa Jerusalem at nagpahayag sa panahon ng paghahari ni Josiah, hari ng Juda.
  • Sinaway ni Zepania ang mga tao sa pagsasamba sa mga diyus-diyusan.

Zoar

Sa Lumang Tipan ang Zoar ay isang maliit na lungsod kung saan tumakbo si Lot nang winasak ng Diyos ang Sodom at Gomorrah.

  • Ang sinaunang kahulugan ng Zoar ay "maliit."
  • Ang Zoar ay pinaniniwalaan na matatagpuan sa dulong katimugan ng Dagat na Patay.

Zorobabel

Zorobabel ay ang pangalan ng dalawang lalaking Israelita sa Lumang Tipan.

  • Isa sa mga ito ay kaapu-apuhan ni Jehoiakim at Zedekias.
  • Ang iba pang Zorobabel, anak na lalaki ni Seatliel, ay ang pinuno ng tribu ng Judas sa panahon ng isa sa pagbabalik mula sa pagkakabihag nila ng mga taga-Babilonia.
  • Ang Zorobabel na ito ay nabuhay sa panahon nang pinakawalan ni haring Sayrus ng Persia ang mga Israelita mula sa kanilang pagkakabihag sa Babilonia.
  • Si Zorobabel at ang pinakapunong pari na si Josue ay kabilang sa mga tumulong na itayo muli ang templo at altar ng Diyos.
  • Nabuhay din si Zorobabel sa parehong panahon ni Ezra at Nehemias.