Genesis 41

Genesis 41:4

Sa unang panaginip ni Paraon, ano ang ginawa ng pitong payat na mga baka sa pitong matabang mga baka?

Kinain ng pitong payat na mga baka ang pitong matabang mga baka.

Genesis 41:7

Sa pangalawang panaginip ni Paraon, ano ang ginawa ng pitong payat na uhay sa pitong buong uhay?

Nilunok ng mga payat na uhay ang pitong buo na mga uhay.

Paano ipinaliwanag ng mga salamangkero at matatalinong lalaki ang mga panaginip ng Paraon?

Hindi maipaliwanag ng mga salamangkero at matatalinong lalaki ang mga panaginip ng Paraon.

Genesis 41:12

Ano ang sinabi ng punong tagahawak ng saro kay Paraon tungkol kay Jose?

Ang sinabi ng punong tagahawak ng saro kay Paraon ay mayroong isang batang Hebreo ang tamang nagpaliwanag ng kaniyang panaginip at sa panaginip ng isang kasama niya nang sila ay nakabilanggo.

Genesis 41:14

Sino ang sinabi ni Jose na magpapaliwanag ng panaginip ni Paraon?

Sinabi ni Jose na ang Diyos ang sasagot sa panaginip ni Paraon na may kagandahang loob.

Genesis 41:25

Ano ang sinabi ni Jose na ipinapahayag ng Diyos kay Paraon?

Sinabi ni Jose na ang Diyos ay nagpapahayag kay Paraon ng kung ano ang kaniyang gagawin.

Ano ang kinakatawan ng pitong mga mabubuting baka at pitong mga mabubuting uhay sa mga panaginip?

Ang pitong mga mabubuting baka at pitong mga mabubuting uhay ay kumakatawan sa pitong taon ng kasagaan.

Genesis 41:27

Ano ang kinakatawan sa pitong payat na mga baka at pitong payat na mga uhay sa panaginip?

Ang pitong payat na mga baka at uhay ay kumakatawan sa pitong taon ng taggutom.

Genesis 41:30

Ayon kay Jose, bakit binigyan si Paraon ng dalawang panaginip?

Binigyan si Paraon ng dalawang panaginip dahil itinatag ito ng Diyos, at malapit na itong gawin ng Diyos.

Genesis 41:33

Anong payo ang binigay ni Jose kay Paraon tungkol sa anong gagawin sa panahon ng pitong saganang mga taon?

Pinayo ni Jose na magtalaga siya ng isang tao na kumuha ng ikalima sa mga pananim sa pitong taong saganang panahon at imbakin sila para sa pitong taon na taggutom.

Genesis 41:37

Ano ang sinabi ni Paraon nan a kay Jose?

Sinabi ni Paraon na ang Espiritu ng Diyos ay na kay Jose.

Genesis 41:39

Anong posisyon ng kapangyarihan ang binigay ni Paraon kay Jose?

Binigyan ni Paraon si Jose ng kapangyarihan sa sambahayan ni Paraon at sa buong lupain ng Ehipto, pangalawa lamang kay Paraon.

Genesis 41:48

Gaano karaming butil ang inimbak ni Jose sa pitong taon ng kasaganaan?

Nag-imbak si Jose ng butil na tulad ng buhangin sa dagat, isang halagang hindi mabilang.

Genesis 41:50

Anu-ano ang mga pangalan ng dalawang mga anak na lalaki ni Jose na ipinanganak bago ang taggutom?

Ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Jose ay Manasseh at Ephraim.

Genesis 41:53

Gaano kalawak ang pitong taong taggutom?

Ang pitong taong taggutom ay nasa lahat ng mga lupain.

Genesis 41:55

Ano ang ginawa ni Jose nang ang mga tao ng Ehipto ay umiyak kay Paraon para sa pagkain?

Binuksan ni Jose ang lahat ng kamalig at pinagbili ang pagkain sa mga taga Ehipto.

Sino ang pumunta sa Ehipto para bumili ng butil kay Jose?

Ang buong mundo ay pumunta sa Ehipto para bumili ng butil kay Jose.