Genesis 37

Genesis 37:1

Saan huminto si Jacob para manirahan?

Si Jacob ay nanirahan sa lupain ng Canaan.

Genesis 37:3

Paano ipinakita ni Israel na mahal niya si Jose ng mas higit kaysa sa kaniyang ibang mga anak na lalaki?

Ginawan ni Israel si Jose ng isang mamahaling damit.

Genesis 37:7

Ano ang nakita ni Jose sa kaniyang unang panaginip?

Nakita ni Jose ang kaniyang bigkis na nakatayong matuwid habang ang mga binigkis ng kaniyang mga kapatid na lalaki ay yumukod sa kaniyang bigkis.

Genesis 37:9

Ano ang nakita ni Jose sa kaniyang ikalawang panaginip?

Nakita ni Jose ang araw, buwan, at ang labing-isang bituin na yumukod sa kaniya.

Genesis 37:27

Ano ang iminungkahi ni Judah na gagawin sa mga kapatid tungkol kay Jose?

Iminungkahi ni Judah na ipagbili si Jose sa mga Ismaelita para kumita.

Genesis 37:31

Paano ginawa ng mga kapatid ni Jose na para ipalabas na si Jose ay patay na?

Pumatay ang mga kapatid ni Jose ng isang kambing at pagkatapos inilublub ng damit ni Jose sa dugo, pagkatapos ibinigay nila ang damit kay Jacob.

Genesis 37:34

Ano ang ginawa ni Jacob pagkatapos niyang pagtibayin na patay na si Jose?

Pinunit ni Jacob ang kanyang damit at nagdamit ng magaspang na damit, at nagdadalamhati sa kanyang anak na lalaki sa loob ng maraming araw.