Genesis 31

Genesis 31:1

kanyang mga anak na lalaki na nakuha ni Jacob ang lahat ng kanyang kayamanan?

Pinaniniwalaan ni Laban at kanyang mga anak na lalaki na nakuha ni Jacob ang lahat ng kanyang kayamanan mula sa mga pag-aari ni Laban.

Genesis 31:12

Paano kinuha ng Diyos ang baka ni Laban at binigay ito kay Jacob?

Dinulot ng Diyos ang mga hayop na magkaroon ng mga guhit na parang singsing, maliit na batik, at batik-batik na mga bata na alin ay kabayaran ni Jacob.

Genesis 31:14

Anong ugali nina Raquel at Lea ukol sa kanilang ama na si Laban?

Sinabi ni Raquel at Lea na itinuring sila ni Laban bilang mga dayuhan at inubos ang kanilang pera.

Genesis 31:19

Ano ang ginawa ni Raquel bago lumisan kasama ni Jacob?

Ninakaw ni Raquel ang sambahayang diyus-diyosan ng kanyang ama.

Genesis 31:22

Ano ang ginawa ni Laban noong napagsabihan siya na lumayo si Jacob?

Dinala ni Laban ang kanyang mga kamag-anak kasama niya at sundan si Jacob, abutan siya pagkatapos ng pitong araw.

Genesis 31:24

Ano ang sinabi ng Diyos kay Laban sa isang panaginip?

Sinabi ng Diyos kay Laban na magsalita ng alinma'y hindi masama o mabuti kay Jacob.

Genesis 31:31

Bakit sinabi ni Jacob na siya ay lumayo ng palihim mula kay Laban?

Sinabi ni Jacob na siya ay lumayo ng palihim dahil natatakot siya na kukunin ni Laban ang kanyang mga anak na babae mula sa kanya ng sapilitan.

Genesis 31:34

Bakit hindi nahanap ni Laban ang kanyang sambahayang diyos-diyosan sa mga ari-arian ni Jacob?

Hindi nahanap ni Laban ang kanyang sambahayang diyos-diyosan dahil inupuan ang mga ito ni Raquel at sinabing hindi siya makakatayo sapagkat siya ay dinatnan.

Genesis 31:38

Gaano katagal nagtrabaho si Jacob kay Laban, at ilang beses pinalitan ni Laban ang kanyang kabayaran?

Nagtrabaho si Jacob kay Laban sa loob ng dalawampung taon, at pinalitan ni Laban ang kabayaran ni Jacob ng sampung beses.

Genesis 31:41

Gaano katagal nagtrabaho si Jacob kay Laban, at ilang beses pinalitan ni Laban ang kanyang kabayaran?

Nagtrabaho si Jacob kay Laban sa loob ng dalawampung taon, at pinalitan ni Laban ang kabayaran ni Jacob ng sampung beses.

Genesis 31:43

Paano ipinakita ni Laban na iniisip pa rin niya ang mga pag-aari ni Jacob bilang kanya?

Sinabi ni Laban na ang lahat na nakikita niya sa pag-aari ni Jacob ay kanya.

Genesis 31:51

Para saan ang tumpok at ang haligi?

Ang tumpok at haligi ay kapwa mga saksi sa kautusan na sinabi, alinma'y hindi kay Laban o Jacob ang makakadaan sa tumpok o haligi na gagawa sa isa pang pinsala.

Genesis 31:54

Ano ang ginawa ni Jacob upang maipakita na siya ay sumang-ayon sa kautusan?

Nanumpa si Jacob sa pamamagitan ng Diyos ni Abraham, naghandog ng isang alay sa bundok, at tinawag ang kanyang mga kamag-anak para kumain ng isang pagkain.