Genesis 15

Genesis 15:1

Nang magpakita si Yahweh kay Abram, anong pampalakas loob ang ibinigay ni Yahweh kay Abram?

Sinabi ni Yahweh kay Abram na huwag matakot, at siya ang pananggalang ni Abram at napakalaking gantipala.

Genesis 15:4

Sino ang sinabi ni Yahweh na magiging tagapagmana ni Abram?

Sinabi ni Yahweh na may isang darating mula sa sariling katawan ni Abram ang magiging tagapag mana niya.

Genesis 15:6

Paano tumugon si Abram sa pangako ni Yahweh, at ano ang ginawa ni Yahweh?

Naniwala si Abram kay Yahweh, at ibinilang iyon ni Yahweh kay Abram bilang matuwid.

Genesis 15:12

Ano ang nangyari kay Abram nang bumababa na ang araw?

Nang bumababa na ang araw, nakatulog ng mahimbing si Abram at isang matindi at nakakatakot na kadiliman ang lumamon sa kaniya.

Genesis 15:14

Pagkatapos makatulog ni Abram, ano ang sinabi ni Yahweh kay Abram tungkol sa anong mangyayari sa kaniyang mga kaapu-apuhan?

Sinabihan ni Yahweh si Abram na ang kaniyang kaapu-apuhan ay magiging alipin sa loob ng apat na raang taon sa lupain na hindi kanila, pero pagkatapos sila ay lalabas na may mga masaganang ari-arian.

Ano ang sinabi ni Yahweh na mangyayari sa bansa na nag alipin sa mga kaapu-apuhan ni Abram?

Sinabi ni Yahweh na hahatulan niya ang bansa.

Genesis 15:17

Sa gabing iyon, ano ang nangyari sa gitna ng mga bahagi ng mga hayop na inihanda ni Abram?

Isang umuusok na palayok at ang umaapoy na sulo ay dumaan sa pagitan ng mga pira-pirasong mga hayop.