1
Ngayon si Sarai, asawa ni Abram, ay hindi nagkaanak sa kaniya, pero mayroon siyang babaeng lingkod, taga-Ehipto, na ang pangalan ay Agar.
2
Kaya sinabi ni Sarai kay Abram, "Tingnan mo, pinanatili ako ni Yahweh na walang anak. Sipingan mo ang aking lingkod. Baka sakaling magkaroon ako ng anak sa pamamagitan niya." Nakinig si Abram sa sinabi ni Sarai.
3
Iyon ay matapos na si Abram ay nanirahan ng sampung taon sa lupain ng Canaan nang ibinigay ni Sarai, asawa ni Abram, si Agar, na kaniyang lingkod na taga-Ehipto, sa kaniyang asawa bilang asawa.
4
Kaya nagkaroon siya ng kaugnayan kay Agar, at nabuntis siya. At nang makita niyang nabuntis siya, tiningnan niya ng may pag-aalipusta ang kaniyang among babae.
5
Pagkatapos sinabi ni Sarai kay Abram, "Ang kamaliang ito sa akin ay dahil sa iyo. Ibinigay ko ang aking babaeng lingkod sa iyong mga bisig, at nang makita niyang siya ay nabuntis, hinamak niya ako sa kaniyang paningin. Hayaan mong si Yahweh ang humatol sa pagitan natin.
6
Pero sinabi ni Abram kay Sarai, "Tingnan mo, nasa iyong kapangyarihan ang iyong babaeng lingkod, gawin mo sa kaniya ang iniisip mong pinakamabuti." Kaya pinagmalupitan siya ni Sarai, at siya ay tumakas mula sa kaniya.
15 Nanganak si Agar ng anak na lalaki ni Abram, at pinangalanan ni Abram ang kaniyang anak, na isinilang ni Agar, na Ismael. 16 Si Abram ay walumpu't-anim na taong gulang nang isilang ni Agar si Ismael para kay Abram.