1 Ngayon sinabi ni Yahweh kay Abram, "Humayo ka mula sa iyong bansa, at mula sa iyong mga kamag-anak, at mula sa sambahayan ng iyong ama, sa lupaing ipakikita ko sa iyo.
10 Nagkaroon ng taggutom sa lupain, kaya bumaba si Abram papunta sa Ehipto para manirahan doon, dahil matindi ang taggutom sa lupain. 11 Nang siya ay papasok na sa Ehipto, sinabi niya sa kaniyang asawang si Sarai, "Tingnan mo, alam kong ikaw ay isang magandang babae. 12 Kapag nakita ka ng mga taga-Ehipto sasabihin nilang, 'Ito ay kaniyang asawa,' at ako ay papatayin nila, pero hahayaan ka nilang mabuhay. 13 Sabihin mong ikaw ay kapatid kong babae, para mapabuti ako ng dahil sa iyo, at maliligtas ang buhay ko dahil sa iyo." 14 Nang papasok na si Abram sa Ehipto, nakita ng mga taga-Ehipto na napakaganda ni Sarai. 15 Nakita siya ng mga prinsepe ng Paraon, at pinuri siya kay Paraon, at dinala ang babae sa sambahayan ng Paraon. 16 Pinakitunguhan nang mabuti ni Paraon si Abram alang-alang sa kaniya, at binigyan siya ng mga tupa, mga baka, mga lalaking asno, mga lalaki at babaeng lingkod, mga babaeng asno, at mga kamelyo. 17 Pagkatapos pinahirapan ni Yahweh ang Paraon at ang kaniyang sambahayan ng mga matinding salot dahil kay Sarai, na asawa ni Abram. 18 Pinatawag ng Paraon si Abram, at sinabing, "Ano itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya ay iyong asawa? 19 Bakit mo sinabing, 'Siya ay kapatid ko,' kaya kinuha ko siya na maging asawa ko? Kaya ngayon, narito ang iyong asawa. Isama mo siya, at umalis na kayo." 20 Pagkatapos, binigyan ng utos ng Paraon ang kaniyang mga tauhan patungkol sa kaniya, at siya ay pinaalis nila, kasama ang kaniyang asawa at ang lahat ng mayroon siya.