Chapter 9

1 Sinasabi ko ang katotohanan ayon kay Cristo. Hindi ako nagsisinungaling at pinapatunayan ng akong konsensiya ayon sa Banal na Espiritu. 2 na mabigat ang aking kalungkutan at walang patid ang sakit sa aking puso. 3 Sapagkat gugustuhin ko pang ako na lang ang sumpaing mapalayo kay Cristo para sa kapakanan ng aking mga kapatid, sa aking mga kababayan ayon sa laman. 4 Sila ang mga Israelita. Pagmamay-ari nila ang pag-ampon, ang kaluwalhatian, ang mga tipanan, ang pagbigay ng kautusan, ang mga paglilingkod sa Diyos, at ang mga pangako, 5 sa kanila ang mga ninuno kung saan nagmula si Cristo ayon sa laman, na siyang nakahihigit sa lahat. Pagpalain ang Diyos magpakailanman. Amen. 6 Ngunit hindi nawalan ng saysay ang salita ng Diyos sapagkat hindi lahat ng nasa Israel ay tunay na kabilang sa Israel. 7 Hindi rin silang maituturing na mga tunay na anak ni Abraham ang lahat ng kaniyang mga anak, ngunit "sa pamamagitan ni Isaac, kikilalanin ang inyong mga anak." 8 Kaya hindi ang mga anak sa laman ang ituturing na mga anak ng Diyos kundi ang mga anak na tumanggap ng pangako ang ituturing na kaniyang anak, 9 dahil ito ay salitang pinagako. "Sa panahong tulad nito ako darating, at si Sarah ay magkakaroon ng anak na lalaki. 10 Hindi lamang ito, kundi pati si Rebecca ay magbubuntis sa pamamagitan ng isang lalaki, na ating amang si Isaac. 11 Kahit na hindi pa isinilang ang mga anak at hindi pa nakagagawa ng mabuti man o masama, para matupad ang mga layunin ng Diyos para manatili ang kaniyang mga pinili, hindi ayon sa gawa kundi ayon sa kaniya na tumawag sa kanila. 12 Sinabi sa kaniya, "Paglilingkuran ng mas matanda ang mas nakababata." 13 Ayon sa nasusulat, "Inibig ko si Jacob ngunit kinamuhian ko si Esau." 14 Ano ngayon ang sasabihin natin? Mali ba ang ginawa ng Diyos? Hindi maaari! 15 Sapagkat sinabi niya kay Moises, "Maaawa ako sa sinumang gusto kong kaawaan at mahahabag ako sa sinumang gusto kong kahabagan." 16 Sa gayon, hindi ito nakabatay sa taong naghahangad o sa taong nagsisikap kundi ayon sa Diyos na nagbibigay ng awa. 17 Dahil sinasabi ng kasulatan kay Paraon, "Para sa layuning ito kaya kita inaruga para ipakita sa iyo ang aking kapangyarihan at makilala sa buong mundo ang aking pangalan. 18 Sa gayon, tatanggap ng awa ang sinumang nanaisin niyang kaawaan, at patitigasin niya ang puso ng sinumang nanaisin niya. 19 Sasabihin mo sa akin, "Bakit ba siya naghahanap ng pagkakamali?" Sino bang kayang labanan ang kaniyang kalooban? 20 Sino ka, O tao, para sumagot laban sa Diyos? Sasabihin ba ng nilalang sa gumawa sa kaniya, "Bakit mo ako ginawang ganito?" 21 Hindi ba ang magpapalayok ang may karapatan na gawin kung anong gusto niya sa putik at gumawa sa kaparehong putik ng palayok, isa para sa natatanging kaparaanan at isa para sa ordinaryong kaparaanan? 22 Paano kung gustong ipakita ng Diyos ang kaniyang poot at ipahayag ang kaniyang kapangyarihan, pinagtiisan niya at sobrang nagtiyaga sa mga sisidlan ng puno ng poot at inihahanda para sa pagkawasak niyon? 23 Sa gayon, ipapahayag niya ang yaman ng kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa na inihanda na niya para sa kaluwalhatian noon pa man. 24 Para din ito sa atin na kaniyang mga tinawag, hindi lang para sa mga Judio kundi para rin sa mga Gentil. 25 Gaya rin ng sinasabi niya kay Hosea, "Tatawagin kong bayan ko silang hindi ko bayan at minamahal ang dating hindi minamahal. 26 At matutupad ito sa lugar kung saan sinabi sa kanila, "Hindi kayo ang bayan ko," doon tatawagin silang mga anak ng nabubuhay ng Diyos. 27 At sumigaw si Isaias tungkol sa Israel, "Kung ang bilang ng mga anak ni Israel ay kasingdami ng mga buhangin sa dagat, ang natitirang bahagi lamang ang maliligtas. 28 Kung tutuparin ng Panginoon ang kaniyang salita sa mundo, tutuparin niya ito ng husto at sa mabilis na panahon. 29 Gaya rin sa sinabi ni Isaias noon, "Kung hindi nagtira ng lahi ang Panginoon ng mga hukbo, baka matulad tayo sa nangyari sa Sodoma at Gomorra. 30 Ano ngayon ang masasabi natin? Ang mga Gentil ba na hindi sumusunod sa katuwiran ay tumanggap ng katuwiran, ang katuwiran ng sa pamamagitan ng pananampalataya. 31 Ngunit ang Israel, kahit na sumusunod sila sa kautusan ng katuwiran ay hindi nakaabot sa kautusan. 32 Bakit? Dahil hindi nila sinikap na abutin ito sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi sa pamamagitan ng mga gawa. Natumba sila sa batong katitisuran. 33 Gaya ng nasusulat, "Tingnan niyo, naglagay ako ng batong katitisuran sa Zion at ng batong makakasakit. At sinumag sumampalataya sa kaniya at hindi dadalhin sa kahihiyan."