Chapter 11

1 Kaya sinasabi ko, "Pinabayaan ba ng Diyos ang kaniyang bayan?" Hindi maaari! Sapagkat ako ay isa ring Israelita, anak ni Abraham sa tribo ni Benjamin. 2 Hindi pinabayaan ng Diyos ang kaniyang bayan na kaniyang pinili sa unang panahon. Hindi niyo rin ba alam ang sinabi ng kasulatan tungkol kay Elias, kung paano siya humiling sa Diyos laban sa Israel? 3 "Panginoon, pinatay nila ang mga propeta. Sinira nila ang mga altar mo. Nag-iisa na lang ako at gusto din nila akong patayin." 4 Ngunit ang ano sagot sa kaniya ng Diyos? "May iniwan akong pitong libong tao na hindi lumuhod kay Baal." 5 Kahit nga sa panahong ito, may bayan akong pinili ayon sa biyaya. 6 Ngunit kung ito ay sa pamamagitan ng biyaya, hindi na ito sa pamamagitan ng mga gawa. Kung hindi, ang biyaya ay hindi maituturing na biyaya. 7 Ano ngayon? Hindi nakamtan ng Israel ang bagay na kaniyang sinisikap abutin, ngunit nakamtan ito ng mga pinili, at ang iba ay nagmatigas sa kanilang puso. 8 Gaya ng nasusulat, "Binigyan sila ng Diyos ng espiritu ng pandaraya para hindi makakita ang kanilang mga mata at hindi makarinig ang kanilang mga tainga hanggang sa mga ara na ito. 9 Sinabi ni David, "Ang hapag nila ay nawa'y maging bitag at patibong, at batong katitisuran, at paghiganti laban sa kanila. 10 Magdilim nawa ang kanilang mga mata para hindi sila makakita at palaging mabaluktot ang kanilang mga likuran. 11 Ngunit sinasabi ko, "Natisod ba sila para sila ay tuluyang bumagsak?" Hindi maaari! Ang pagbagsak ng mga Judio ay naging daan para dumating ang kaligtasan sa mga Gentile, para udyukan silang maiinggit. 12 Ngayon kung ang kanilang pagkakamali ang kayamanan ng mundo at ang kanilang pagkabigo ang naging kayamanan para sa mga Gentil, paano pa kaya kung tanggapin nila ang kabuuan niyon. 13 At kinakausap ko kayong mga Gentil gaya na rin ng pagiging apostol ko sa mga Gentil. Isang karangalan sa aking paglilingkod 14 sa ganitong paraan, mauudyukan ko sa inggit ang aking mga kalahi at maligtas ang ilan sa kanila. 15 Kung ang pagtakwil sa kanila ay pakikipagkasundo sa mundo, anong tatanggapin nila kundi ang buhay mula sa kamatayan? 16 Kung banal ang mga unang bunga, ganun din ang kabuuan nito. Kung banal ang ugat, ganun din ang mga sanga nito. 17 Ngunit kung may nabaling mga sanga at ikaw, bilang isang ligaw na sanga ng olibo, ay idinugtong sa katawan ng puno, at tumatanggap ng sustansiya mula sa mga ugat hanggang sa katawan ng puno ng olibo. 18 Kaya huwag kayong magmamalaki dahil sa mga sanga. Kung mayron mang dapat ipagmalaki, hindi dahil ang kaugnayan ninyo sa ugat, kundi ng ugat sa inyo. 19 Baka sasabihin mo, "Tinanggal ang mga sanga para maidugtong ako doon." 20 Oo, tinanggal sila dahil sa hindi sila naniwala at tumatayo ka ngayon dahil sa pananampalataya. Huwag kang magmalaki kundi matakot ka, 21 dahil kung hindi pinatawad ng Diyos ang mga tunay na sanga, hindi ka rin niya patatawarin. 22 Tandaan ninyo ang kabutihan at pagiging mabagsik ng Diyos: naging mabagsik siya sa mga pinutol ngunit kabutihan para sa inyo. Tatanggapin mo ang kabutihan ng Diyos kung magpapatuloy ka sa kaniyang kabutihan. Kung hindi, puputulin ka rin. 23 Gayundin ang mangyayari sa kanila kung magpapatuloy sila sa pananampalataya, idudugtong silang muli dahil kaya ng Diyos na idugtong sila muli sa puno. 24 Dahil kung pinutol ka na nagmula sa isang ligaw na puno ng olibo, at idinugtong sa isang mabuting puno ng olibo, paano pa kaya kung ang mga tunay nitong sanga ang idudugtong sa sarili nitong puno ng olibo? 25 Mga kapatid, ayaw kong hindi ninyo malaman ang tungkol sa misteryong ito dahil baka magmayabang kayo sa inyong sarili at magmatigas gaya sa nararanasan ng Israel hanggang umabot sa kabuuang bilang nga mga Gentil. 26 Sa gayon, maliligtas ang buong Israel gaya ng nasusulat, "Darating ang Manliligtas mula sa Zion. Aalisin niya ang lahat ng kasamaan mula jay Jacob. 27 Ito ang magiging tipan ko sa kanila pag inalis ko ang kanilang mga kasalanan. 28 Sa pananaw ng ebanghelyo, sila ay naging kaaway para sa inyong kapakanan. Ngunit sa pananaw ng pagpili ng Diyos, sila ay kaniyang mga minamahal dahil sa kanilang mga ninuno, 29 dahil hindi kayang baguhin ang mga kaloob at pagkatawag ng Diyos. 30 Noong panahon, kayo rin ay hindi sumusunod sa Diyos ngunit ngayon, tumanggap kayo ng awa dahil sa hindi nila pagsunod. 31 Sila rin ngayon ay hindi sumusunod para ang awang tinanggap ninyo ay tatanggapin nila. 32 Dahil kinulong ng Diyos ang lahat ng tao sa pagsuway para ipagkaloob niya sa lahat ang kaniyang awa. 33 O, gaano kalalim ang yaman ng kaalaman at karunungan ng Diyos! Hindi kayang unawain ang kaniyang paghatol at hindi kayang intindihin ang kayang mga gawa! 34 Sinong nakakaalam sa isipan ng Panginoon? O sinong nagpapayo sa kaniya? 35 Sinong unang nagbigay sa kaniya at sinong makapagbabalik ng bayad sa kaniya? 36 Mula sa kaniya, at sa pamamagitan niya, at para sa kaniya ang lahat ng bagay. Sa kaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.