Chapter 10

1 Mga kapatid, hangad ng puso ko at kahilingan sa Diyos ay para sa kanilang kaligtasan. 2 Sapagkat pinatotohanan ko na may sigasig sila para sa Diyos ngunit hindi sa pamamagitan ng kaalaman. 3 Dahil hindi nila alam ang katuwiran ng Diyos, sinisikap nilang maging matuwid ayon sa kanilang lakas. Hindi sila nagpasakop sa katuwiran ng Diyos. 4 Sapagkat si Cristo ang katuparan ng kaurusan para maging matuwid ang sinumang sumampalataya. 5 Sapagkat isinulat ni Moises, "Ang lahat ng gumagawa ng katuwiran ayon sa kautusan ay mabubuhay ayon sa katuwirang iyon." 6 Ngunit sinasabi sa atin ng katuwiran ayon sa pananampalataya, "Huwag mong sabihin sa iyong puso kung sinong makakataas papuntang langit? (Na ang Ibig sabihin ay pagpunta sa baba ni Cristo). 7 At sino ang makakapunta sa pinakailalim na lugar? (Na ang ibig sabihin ay magbabangon kay Cristo mula sa mga patay). 10 8 Ngunit ano ang sinasabi nito? "Malapit sa iyo ang salita, sa iyong labi at sa iyong puso," na ang salita ng pananampalataya na aming pinapangaral. 9 Kung ipapahayag mo sa iyong labi si Jesus bilang Panginoon at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay, maliligtas ka sapagkat sumasampalataya ang tao sa kaniyang puso at nagpapahayag siya sa kaniyang labi na nagbubunga ng kaligtasan. 11 Sinasabi ng kasulatan, "Sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya." 12 Walang pagkakaiba ang Judio sa mga Griyego dahil ang nag-iisang Panginoon ang Panginoon ng lahat ng tao, at mayamang nagkakaloob siya sa lahat ng tumatawag sa kaniya. 13 Sinumang tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas. 14 Paano nila tatawagan siya kung hindi nila siya pinaniwalaan? At paano nila paniniwalaan siya kung hindi siya napakinggan? At paano nila siya mapapakinggan kung walang mangangaral sa kanila? 15 At paano sila mangangaral kung walang magsusugo sa kanila? Gaya ng nasusulat, "Kayganda ng mga paa sa kanilang nagpapahayag ng mabubuting bagay." 16 Ngunit hindi lahat sa kanila ay nakinig sa ebanghelyo. Sapagkat sinabi ni Isaias, "Panginoon, sino ang naniwala sa aming mensahe?" 17 Kaya ang pananampalataya ay nagaganap sa pakikinig at pakikinig sa salita ni Cristo. 18 Ngunit sinasabi ko, "Hindi ba nila napakinggan?" Oo, narinig nila. "Ang tinig nila ay nakarating sa buong mundo at ang kanilang mga salita sa dulo ng daigdig." 19 Ngunit ang sinasabi ko, "Hindi ba ito nalaman ng Israel?" Noong una sinabi ni Moises, "Uudyukan ko kayong mainggit sa kanila na hindi ko bayan. Sa bayang ito na walang pagkaunawa, gagalitin ko kayo." 20 Matapang na nagsalita si Isaias, "Natagpuan ako ng mga hindi naghahanap sa akin. Nagpakita ako sa kanilang hindi nagtatanong sa akin. 21 Ngunit sa Israel sinasabi niya, "Buong araw kong inunat ang aking mga kamay sa mga taong hindi sumusunod at matitigas ang ulo."