Kabanata 10

1 Pagkatapos nagpataw ng isang buwis sa lupain at sa mga kabahayan sa tabing-dagat si Haring Assueros. 2 Lahat ng mga nakamit ng kanyang kapangyarihan at kalakasan, kasama ang buong kasaysayan ng kadakilaan ni Mordecai kung saan siya ay itinaas ng hari, ay nakasulat sa Aklat ng mga Alaala ng mga Hari ng Media at Persia. 3 Si Mordecai na Judio ay pangalawa sa katungkulan kay Haring Assueros. Siya ay dakila para sa mga Judio at nakatanggap siya ng pabor sa maraming kapatid na Judio, sapagkat inalala niya ang kapakanan ng kanyang lahi, at siya ay nagsalita para sa kaligtasan ng lahat ng kanyang mga kalahi.